Chptr 44: The Truth

70 5 0
                                    

Eve's POV

Ako, si Tarra na bumalik ang totoong katawan, si Blake  na o si Scorpio, si Amrita/Aquarius, si Marideeth/Pisces, si Adeel/Libra, si Zion/Leo, si Gil/Capricorn, si Aries, Cancer, Virgo, Sagittarius, Taurus at si Ophiuchus ... sama-sama kaming naglakbay papunta sa pinakamataas na lugar sa Astral kung saan matatagpuan ang Dimension. 

"Nandito na tayo" sabi ni Ether na lumitaw sa harap namin para mapatigil kami sa paglipad paitaas. 

"Pwede bang bawasbawasan mo ang paglubog at paglitaw mo ng biglaan? Bibigyan mo ba kami ng sakit sa puso?" reklamo ni Marideeth.

"H'wag ka na nga lang magreklamo na parang ikaw ang gumagamit ng Stellar ng halos kalahating araw para makalipad ang 13 na Zodiac" pagbabalik ni Adeel.

"Ehem, 12 lang for your information dahil sariling Stellar ni Eve ang gamit niya"

"Nasaan ba tayo, Ether?" pagpapagitan ni Amrita sa dalawa.

Sa isang pitik lang ng daliri niya ang laking pagbabago ng nangyari sa paligid namin. Ang kaninang paligid na puno ng mga maliliwanag na bituin, nahaluan ng madilim na Aura na nagmumula sa nakabukas na Dimension na nasa likuran ni Ether.

"Bago maayos ang lahat, gusto kong marinig ang sagot ng bawat isa" seryosong sabi niya na kitang kita sa mga titig niya. "Matapos ang problemang 'to, handa ba kayo na kalimutan ang paging isang mortal at handa kayo na bumalik dito sa Astral?"

Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko sa mga tanong niya dahilan ng paglabas ng mga ngiti sa labi ko. "Matapos mong umpisan 'to may balak ka pa palang tapusin 'to? Haha, sorry pero walang rason para akuhin namin ang responsibilidad mo. Pare-parehas tayong liwanag sa dalawang mundo kaya h'wag mo ng dagdagan ang trabaho namin"

Dahil lahat sila nag-iwan ng mga tingin na mistulang nagtatanong sa'kin kung ano ang nalalaman ko sa hindi nila nalalaman, kaya naman napagdesisyunan kong magpatuloy "Hindi ba oras na para sabihin mo sa'min kung ano ang nangyari at naging katulad ng katawan ni Tarra ang katawan mo"

Ngumiti si Ether "Okay fine, sasabihin ko sa inyo bago natin tapusin ang bagay na nasimulan ko"

"N-nasimulan? ... " nagtatakang tanong ni Amrita

"Well, katulad ng iniisip ko nuon pa man, parang napaka-imposible namang may lumitaw nalang na Dimension na nagdudugtong sa dalawang mundo sa mundo kung saan nakasealed ang Dark Aura o ang bumubulong sa mga tao na gumawa ng masama" mahinang sagot ni Aries.

"Ako ang dahilan ng lahat" simpleng salita na binitawan ni Ether pero napakabigat pakinggan para sa'ming lahat. "Hindi ang langit ang hindi sumang-ayon ng lumitaw ang Constellation ni Ophiuchus sa langit ng mga Zodiac, kung hindi ako. Ako ang dahilan ng Meteor Shower at ako ang dahilan ng pagkamatay ng 9 na Zodiac at ni Ophiuchus--"


"A-anong sina--" putol ni Ether kay Ophiuchus.

"Dahil sa isip ko, sapat na ang 12 na Zodiac para sa dalawang mundo at hindi na kailangan pa ng isa. At sa isip ko, imposible lalo na kung ang Constellation na Serpent Bearer ang mapapabilang sa Zodiac. Mismong Stellar ko ang nagpakita ng galit na nararamdaman ko. Kahit hindi ko kagustuhan na patayin at saktan ang mga Zodiac, nagawa ko dahil sa sobrang galit. Dahil ako nga ang pumatay sa kanila, buhay ko ang naging kapalit para mabuhay ulit sila. At dito nagsimula ang galit ko ng masaksihan kong nabuhay ulit si Ophiuchus"


"A-anong konektado nito sa Dimension na nagbukas?" Tanong ni Blake.

"Malaki ang impluwensya ni Ether sa Astral, na parang siya ang namumuno dito. Dahil sa rank niya dito sa Astral, dahil hinayaan niya ang sarili niya na mahulog sa galit .. humina ang Light Aura niya na kasama sa nagsi-sealed sa Dark Aura dahilan para magcrack to at mabukas" sagot ni Tarra.

Light within the Darkness: The Fallen StarWhere stories live. Discover now