Chptr 27: The Prisoners

36 2 0
                                    

Eve's POV

"Anong tumatakbo sa isip niyo at pinuntahan niyo kami? hindi niyo alam ang pinapasok niyo" mahinahon kong sabi kay Aika habang sa mga palad niya ay may isang papel na nananatiling umaapoy pero hindi nasusunog habang ako naman ay itinatali ko sa buhok ko ang ribbon.

"Kung inaakala mong mabubuhay ka dito ng mag-isa, nagkakamali ka. H'wag ka ngang maging selfish. Sa ginagawa mo, pati mga kasama mo naapektuhan" seryoso niya namang sagot dahilan para mapaisip ako.

Kabata bata kaya akong lecturan? ha.ha. hindi ako nakapagreact sa sinabi niya. 

"Matatanda na sila. May sari-sarili silang isip"

Tumango siya "Pero sa kanya-kanya nilang mga isip, hindi ka nawawala duon"

And there you go again, wala na ko masabi.

"Masyado ka pang bata para sa mga sinasabi mo. So, ngayong kasama kita pano tayo makakalabas dito?"

Huminto siya at tinignan ako ng may malulungkot na tingin "Pwede mo ba akong tulungan?"

Nanatili akong nakatahimik at naghintay ng sagot "Nandito rin ang ilang Constellation, kabilang ang kapatid ko"

Kanina lang parang handa siyang makipagdebate sa'kin, ngayon asan na 'yung kanina kong kausap?

"Anong bang kailangan kong gawin?" ganitong mga expression ng mukha ang hindi ko kayang tignan.

At duon nakita ko ang mga ngiti niya. "T-tulungan mo ba ako?????"

Tumango ako ng may ngiti.

"Nandito sila!" At binilisan niya ang lakad niya. Sinundan ko siya ng hindi ko namamalayan ang mga ngiti sa labi ko.

Sa kaunting paglalakad namin. Nakarating kami sa lugar kung saan mistulang kulungan ang napuntahan namin. "Hindi katulad ng nangyari sa'tin, may mga kadena na nakatali sa mga paa nila na nakakonekta sa mga kulungan, na babatak papasok sa kanila. Sila ang mga kasamahan naming binilanggo dahil sa pagtatraydor"

Tinignan ko siya at mukhang nabasa niya kaagad ang nasa isip ko "Naging isang traydor ang kapatid ko para sa'min. Nagkamali kami sa isang mission dahilan para parusahan kami na hindi kami kakain ng isang araw. Nasaktuhang may sakit si Nika dahilan para magnakaw ng mga jewel si Ervin para makabili ng gamot para kay Nika"

"Ilang araw na siyang naandito? Sa napapansin ko, mukhang walang pagkain dito. May tumatagal ba dito ng dalawang araw?"

"Isang taon na siya dito, pero dahil hindi siya normal, at mga Constellation sila ... nagtatagal sila dito" sagot niya na ikinabigla ko "Taga dito nga ba talaga kayo sa Astral? Base sa mga kilos at pag-iisip niyo, parang may dalawa kayong mundong pinagbabasehan" tanong niya pa.

"Galing kami sa mundo ng mga mortal" at ito na siya nagsimula na siyang magtaka "About sa iba pang detalye, hayaan mong ang mga Zodiac na ang magpaliwanag sa'yo"

Tumango siya at hinanap na namin ang selda ng kapatid niya. Sa isang sulok, may isang seldang kakaiba. Selda na may makakapal na  bakal. At sa loob  may isang lalaki na nakaupo sa lapag.

"Ervin!" Paglapit kaagad ni Aika.

"A-Aika?! A-anong ginagawa mo dito?!" Nilingon ako ni Ervin.

Hinawakan ko ang bakal na naghaharang sa kanilang dalawa ng pigilan ako ni Ervin "Hindi gumagana ang mga Stellar dito sa mga selda"

Sumuko ako sa binabalak ko at binatak ko ang ribbon na tinali ko kanina sa buhok ko. "Inuutusan kitang maging sobrang matalim na espada" at ang kanina lang na hawak kong malambot na tela ay naging sobrang nipis na espada.

Light within the Darkness: The Fallen StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon