Chptr 10: Voice

65 4 0
                                    

"Ano bang ikinabibigla niyo? Natural lang 'yan dahil member siya sa Archery Club,  Fencing Club pati narin sa Martial Arts Club" pagpapaliwanag na sabi ni Adeel na kanina pa tahimik.

"Pero natural lang din ba na ganyan kalabasan ng bawat ataki niya?" Biglang sulpot ni Columba at dumapo siya sa balikat ko.

Dahil sa sinabi niya medyo natahimik kaming lahat. Sumira lang sa katahimikan na 'yon ay ang biglang pagring ng phone ni Mari.

"Zion? Napatawag ka?" Chairman?

"Loud speaker mo" utos ni Adeel na ginawa naman kaagad ni Mari.

"For a moment hindi ko maramdaman ang presence niyong apat. Nasan ba kayo?"

"Ha? Nandito kami sa Orphanage na tinutuluyan nila Blake" sagot ni Mari.

"Wait Chairman, anong ibig niyong sabihin na hindi niyo nararamdaman presensya namin? Hindi niyo mararamdaman ang Aura namin pero, imposible na hindi niyo maramamdaman presensya namin" sabi ko naman.

"Kahit ako hindi ko maintindihan. Bumalik kayo dito sa School. Alam kong hindi pa kayo nakakapagpahinga, pero hindi tayo pwedeng mag-aksaya ng oras. Maging ang mga mortal nadadamay na dahil sa kagagawan ni Lyra. Tatlong bata ang natagpuang walang malay sa loob ng storage room. Kailangan ng matapos 'to ngayon dahil kung hindi, hindi lang ang rumor ang kakalat dito kung hindi, baka imbis na maging school 'to, maging haunted ang school"

"Tsk, akala ko ba nagpapatrol si Eve? Bakit nalusutan siya ng ilang estudyante ... "  buntong hininga ni Mari kasabay ng pagbaba niya sa tawag.

Napansin ko si Aquarius na nakatinginn sa kabilang bahay. Sa pinaka-main na bahay ng Orphanage.

"The same thing happened the time na hinahanap ko ang presence mo, Scorpio" sabi niya at tinignan niya ako ng napakaseryoso.

Nawala ang tingin niyang 'yon, nang biglang mapasok kami sa Zone. "At mukhang nagsisimula na nga ... " nakangiti na sabi ni Mari.

Sabay-sabay na kaming nagsitakbuhan papunta sa School na halos inabot kami ng maraming minuto.

Sa pag-akyat namin sa taas, duon ang pagsalubong sa'min ng Chairman na bigla nalang tumilampon. Kaagad siyang sinapo ng tubig ni Mari at Aquarius.

"Z-Zion! O-okay ka lang???" Nag-aalalang tanong ni Mari ng lapitan namin ang Chairman.

May ilang galos siya at mga sugat sa katawan. "Mag-iingat kayo. K-kasama niya si Andromeda"

"Dalawang Fallen Constellation  ... tsk" bulong ni Aquarius.

Muli kaming nakarinig ng isang himig kaya nagbuo ng water barrier sila Aquarius at Mari pero nasira 'to kaagad dahil lang sa isang sound wave  "Hindi tatagal ang Water Barrier niyo kung silang dalawa ang katapat niyo" ang sabi ni Columba.

Mula sa loob ng storage room, may mga foot step kaming naririnig at mga tunog ng kadena. At walang pasabi ang biglang paglitaw ng mga kadena sa lapag na nagbind sa mga paa at kamay namin. Kadena ni Andromeda!

"H-hindi lang katawan natin ang tinatali nito. Pinipigilan din nito ang paggamit natin ng Stellar Magic" sabi ni Chairman na nakabind din.

Sinubukan kong maglabas ng knife pero walang lumabas. Kahit ang maglabas ng Stellar ay hindi ko magawa. Nakakaramdam na rin ako ng antok dahil sa himig ni Lyre.

Lumabas si Andromeda sa storage room. May mga chain sa katawan niya at ramdam na ramdam namin ang Dark Aura niya.

"Shall I get rid the nuisance?" At kitang kita ang mga malademonyo niyang ngiti.

Light within the Darkness: The Fallen StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon