Chptr 42: Reason

42 5 1
                                    

"EVE!" Sigaw kaagad ni Tarra at lumapit kami kay Eve na bigla nalang bumagsak sa lupa.

Sa paglapit ko sa  kanya, hinawakan ko siya at sapo-sapo ko ang ulo niya habang iniinda  niya ang napakalalim niyang sugat "E-Eve .. " hindi mapigilan ang pagluluha ng mga mata ni Tarra habang hinahaplos niya ang mukha nito.

Nilingon ko si Ophiuchus. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya pero napansin ko ang paghahanda niyang umataki kaya naman sa muling pagsugod niya ay naghagis na ako ng dalawang knife sa harapan namin at gumawa ng barrier na nagprotekta sa'min sa mga ahas. Pero dahil dito, unting nabalot ng yelo ang mga kamay ko ng ipadaan ko dito ang Stellar ko na kaagad kong sinupress pagkahagis ko ng mga knife ko na nabalot din ng yelo.

"Z-Zion! K-kailangan muna nating bumalik! Kapag nagtagal pa 'to--mamamatay si Eve!" Natatarantang sabi ni Mari.

Sa lalim ng sugat niya. Hindi na  nakadilat ang mga  mata niya .. patuloy ang dugong umaagos mula sa sugat niya.

Napansin ko ang pag-aalangan sa mukha ni Chairman. "Imposibleng hahayaan tayo ni Ophiuchus. Eve, hindi mo ba kayang gamutin ang sugat mo?"

"Imposible, Zion. Sa dilim galing ang ability namin, galing kay Ophiuchus. Kaya naming utusan ang isang taong mamatay pero ang hindi ang buhayin ang sarili niya. Kung buhay ang pinag-uusapan ... n-napakaimposible na magamot ni Eve ang napakalalim niyang sugat" sagot ni Tarra.

"O-okay lang .. a-ako" naramdaman namin ang Stellar ni Eve at sa paglingon ko sa kanya, napansin namin na tumigil ang pagdudugo ng sugat niya which is ang nababalot ng yelo.

"A-anong bi---" putol niya kay Tarra.

Gamit ang kanang kamay niya ay ipinangtungtong niya 'to para maka-upo siya. "K-katulad din natin siya"

Huminto panandalian sa pagdudugo ang sugat niya dahil sa yelo ng isla. Gamit ito .. mabubuhay siya ..

Nakuha niya ang attention naming lahat habang si Ophiuchus ay unti-unting naglalakad  papalapit sa'min "Bu-but still maraming katanungan ang hindi pa nasasagot--" pagputol naman ngayon ni Tarra kay Eve.

Tumango siya "Kung paano at bakit siya nahulog sa dilim at kung ano ang plano niyang mangyari. Kung bakit niya tayo binigyan ng ability"

"Para maramdaman at makamit ang kapayapaan-- hindi lang 'yon ang reason kung bakit na nabuhay sa ibang katauhan ang ilang Zodiac" ang sabi ni Ether na nagpakita sa likod namin "Ang bawat isang Zodiac, may isang milyong buhay na hawak. Nabubuhay sa'tin ang mga mortal, dahilan para hindi maaring maglaho ng tuluyan ang isang Zodic. Araw bago kayo nabuhay ulit, araw ding 'yon kayo naputulan ng hininga dahil sa pagbagsak ng napakamaraming bituwin sa langit na tinatawag na meteor shower dito sa mundo ng Astral na naging dahilan para bumagsak ang siyam na Zodiac .. at sa siyam sa Zodiac na 'yon, kabilang si Ophiuchus na papangalanan palang bilang isang ikalabing-tatlong Zodiac"

Kung totoo nga ang mga sinasabi niya bakit--

"Bakit wala akong maalalang ganuong pangyayari?" Tanong ni Aquarius.

"Nais ko na walang magbago sa inyo dahil sa mga nangyari, kahit wala kayong mga pamilyang iniingatan .. alam kong pamilya ang turing niyo sa mga kapwa Zodiac niyo--"

"Kaya binuhay mo kami sa kasinungalingan" dugtong ko dahil sa sobrang inis.

"Ginawa ko 'yon dahil gusto ko kayong buhayin bilang isang immortal na walang madungis na nakaraan. Ang meteor shower na naganap, simbolo 'to na hindi tanggap ng langit si Ophiuchus bilang isang Zodiac" sagot ni Ether.

"Dahil isa akong Serpent Bearer, pero sapat ba 'yong rason para nainisin ng langit na maglaho ako sa mundo ng Astral?" Seryosong sabi ni Ophiuchus na huminto sa harap ng barrier ko. May ilang yelo ang nasa katawan niya ngunit hindi siya napipigilan nito.

"Pare-parehas tayong biktima dito, Ophiuchus! Hindi lang ikaw ang napatalsik sa mundo ng Astral kung hindi maging kaming maging kapwa mo Zodiac" sabi ni Eve.

"Kung naiintindihan niyo naman palang biktima tayong lahat--bakit patuloy parin kayo sa pagligtas ng mundo ng Astral?! Hindi na tayo ang mga Constellation na dating nagpoprotekta sa Astral! Tayo na ang mga Constellation magpoprotekta sa mundo ng mga mortal!!"  Bakas sa mga tingin niya at pagsigaw niya ang galit niya.

"Protektahan? Seryoso ka ba? Idilat mo ang mga mata mo. Saang lupalop sa mundo ng mga mortal mo nakikita na napoprotektahan sila sa mga ginagawa mo? Maraming mortal ang nadadamay sa hindi pagkakaunawaan nating mga Zodiac"

"Oo, inaamin ko. Hindi ko sila napoprotektahan ngayon. Pero this time alam ko, mapoprotektahan ko sila kung mauulit ulit sa lahat ang mga bagay! Sa patuloy na pagbubukas ng Dimension siyang pagkalat ng Dark Aura sa mundo ng mga mortal at alam niyo na ang susunod na mangyayari, hindi ba?" Nakangiti niyang sabi.

"Ophiuchus, ano ba talaga ang binabalak mo ... " bulong ni Tarra.

"Ang pagkalat ng Dark Aura, siyang pagkalat ng Negative Emotion sa mga mortal. Walang makakapigil sa galit na  mararamdaman at mabubuo sa puso nila. Walang dudang dadanak ang dugo sa mundo ng mga mortal. At kapag namatay silang lahat, walang rason para mabuhay kayong mga Zodiac-- meaning to say ... maglalaho kayo na parang hindi kayo nabuhay. Dahil ang mga mortal ay nabubuhay ng dahil sa inyo at kayo ay nabubuhay para sa mga mortal. Kung mawawala ang isa sa inyo, wala ng rason para mabuhay pa ang isa" sagot ni Ether.

"At bago maglaho si Everette at Rosette, gagamitin ko ang Stellar nila para gumawa ng panibagong mundo kung saan pantay ang lahat" dugtong naman ni Ophiuchus. In the first place, wala siyang balak na patayin ang Gemini unless-- makuha niya na ang gusto niya.

"Sigurado ka ba dito, Ophiuchus? Hindi, dahil gusto kong tanungin kita bilang si Belinda" tanong bigla ni Eve na nakatingin ng seryoso kay Ophiuchus.

"Wala ng rason para tumigil ako"

"Nagkakamali ka" nakuha ni Eve ng buong-buo ang attention ni Ophiuchus. "Sa lahat ng Constellation na nandirito, isa ako sa mga taong nakakaintindi ng nararamdaman mo. Dahil katulad mo, nawalan din ako ng taong sobrang mahalaga sa buhay ko. Katulad mo .. nawalan din ako ng pamilya ... at kapatid" biglang pagbaba ng boses niya.

"HAHAHA! ngayon mo pa sasabihin 'yan ngayong wala ng rason para banggitin pa ang mga taong matagal ng wala! Mga taong kailan man imposible ng makabalik kahit dito sa Astral!"

"Dahil hindi niya kailangang bumalik, dahil buhay siya"

Nabigla si Ophiuchus sa sinambit ni Eve-- habang kami ay naguguluhan dahil wala kaming alam sa mga sinasabi niya.

"February 13, xx36, 11:57 ng gabi, araw kung kailan nangyari ang aksidente. Ang abong tinanggap mo, ay abo lang ng nanay at tatay mo. Nakaligtas ang kapatid mo sa aksidente, Ophiuchus! Buhay ang kapatid mo!"

"P-puro kasinungalingan ang mga sinasabi mo!"

"Hindi ako nagsisinungaling dahil ang lahat ng sinabi ko--mismong sa kapatid mo nanggaling. Sinabi niya sa'kin ang lahat ng nangyari!"

"Kung buhay siya--kung buhay siya bakit hindi siya bumalik sa'kin! Bakit hindi siya magpakita sa'kin!"

"Nagtamo siya ng matinding sugat at trauma dahilan para dalawang taon ang lumipas bago siya tuluyang nagising. Bumalik siya sa'yo pero hindi si Belinda ang nadatnan niya kung hindi si Ophiuchus! Makinig ka sa'kin Belinda, hinihintay ka na ni Beatrice sa mundo ng mga mortal .. "

Isang katahimikan ang bumalot sa paligid. Walang nakapagreact dahil sa sinabi ni Eve na animoy isang araw siyang naging detective para lutasin ang isang crime na ilang taon ng hindi nareresolbahan.

Tbc ...

Light within the Darkness: The Fallen StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon