Chptr 45: The No Longer Fallen

163 6 5
                                    

(BONUS CHAPTER)

4 months passed ..

"To think na makakasama ko kayo sa iisang klase" sabi ko ng makita ko ang assign room namin at ang mga new classmate ko na walang iba kung hindi ang mga takas sa mental na mga Zodiac.

"Ayaw mo 'kong makasama?" Nakangising tanong ni Blake.

"Sila lang, hindi ka kasama. Happy?" At pilyong ngiti ang pinakita ko bago ako pumasok sa classroom namin.

"Uuuuuuy, may progress sa relationship nila" pang-aasar ni Marideeth.

"Balita ko LQ kayo kagabi?" Pang-iinis pa ni Adeel.

Nilingon namin ni Blake si Adeel "W-wala akong alam, kinuwento lang ni Amrita"

At binigay namin ang tingin namin kay Amrita "Nagtanong si Adeel, sinagot ko lang naman siya"

"So kayo na?" Biglang singit ni Marideeth habang nakangisi ng sobrang laki.

"Ha.ha.ha. grabe ka magbiro, sa'kit sa panga" pilosopong sagot naman ni Amrita.

"Tsk, wala kay Amrita ang puso ko .. " at nakuha ni Adeel ang attention naming lahat.

Mukhang wala siyang balak dugtungan ang sasabihin niya kaya nagsalita ako "Bakit hindi mo lapitan ang taong mahal mo at aminin mo sa kanya na mahal mo siya?" Nakangiti kong sabi at ngumisi ako sa kanya habang siya nabigla sa sinabi ko.

"E-Everette!" Sabi niya at tumayo siya. Dahan dahan siyang naglakad palapit kay Marideeth na nagtataka "M-Mahal kita, Marideeth" and there it is!

"Recorded" sabi ni Ophiuchus kasama si Bea na pumasok narin.

"Hays, isa pang takas sa mental ang dumating" bulong ko.

"Oh, nandito na si Ma'am" sabi ni Bea dahilan para magsiupo ang lahat ng estudyante.

Buong maghapon puro ang naganap is Introduce Yourself .. walang katapusang pagpapakilala sa sarili.

May ngiti nga sa mga   labi ko pero may kulang parin sa'kin. Kasama na namin ang mga bata sa Orphanage pero may isang tao pa akong hinihintay ... si Tarra. Hindi pa namin siya natatagpuan.

"Pwede  bang pakipaliwanag kung bakit nakasunod parin kayong dalawa?" Tanong ko kila Adeel at Marideeth na sinusundan kami hanggang pagdating namin sa tapat ng Orphanage.

"The next day puno na tayo ng homework kaya naman ..... sulitin na natin hihi" sabi ni   Marideeth at walang imik si Adeel.

"Ate Eve!" Sigaw ni Gil mula sa pinto ng Orphanage.

Nag-aalala ang mga tingin niya kaya mabilis kaming naglakad papunta sa kaniya. "Anong problema?" Tanong ni Amrita.

"May natagpuan si Lolong babae! Wala siyang malay kaya naman nagpapahinga siya ngayon sa kwarto"

Hindi ko alam pero, bumilis ang tibok ng puso ko. "Release" pagtanggal ko ng proteksyon sa Orphanage .. lalong bumilis ang tibok ng puso ko at tumakbo ako papasok ng bahay.

Tumakbo ako papunta sa kwarto. Sumalubong sa'kin si Lolo pero imbis na pag-aalala ang isasalubong niyang expression, ay nakangiti siya.

"Kanina pa siya naghihintay sa pagbabalik mo, Esta" 

Sa pagliko ko sa kwarto. Walang malay ang isang babae na nakahiga ngayon sa kama. Lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang mga kamay niya na mabilis na nagrespond sa paghawak ko at hinawakan ako ng mahigpit.

Dumilat ang mga mata niya at unti-unting  pumatak ang mga luha niya. "Sorry kung ngayon lang ako, Esta"

Umiling ako "Naghintay ako kasi alam kong darating ka, Tarra"

Sa pagdating niya, kahit iba ang anyo niya ... siya ang kilala kong Tarra. Siya lang ang taong kayang pumuno ng kulang sa buhay ko. Siya na ngayon ay nasa tabi ko na. Mga init ng kamay niya na nararamdaman na ng mga palad ko.

"Hindi ko naayos kaagad ang passport ko and nagkaconflict pa about sa schedule ko sa flight ko, pero atleast now ... kasama ko na kayo, Esta ... Zodiac" nakangiting saad niya at niyakap niya ako.

With her, I am no longer the fallen star ...

Light within the Darkness: The Fallen StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon