Chptr 13: Dark Constellation: Ophiuchus

62 4 2
                                    

"Kayo na muna ang bahala kila Mari at Aquarius. Kami na ang bahala kay Hydrus" ang sabi ni Chairman pero pinigilan siya ni Eve.

"I dont think it's a good idea na iwan sila ditong apat. Ang target nilang mawala sa mundong 'to ay ang dalawang Water Zodiac. Ang sobrang Stellar Magic sa katawan ng isang Constellation--nagdudulot 'to ng kamatayan. Para kang nalunod sa dagat ng Stellar Magic. 'Yan ang reason kaya sila ang naging target ni Hydrus dahil mas pinapalakas ang Stellar nila Mari at Amrita to the point na napakahirap nitong kontrolin. Kung silang dalawa lang--hindi, dahil bali si Andromeda lang ang maaring magprotekta sa kanilang tatlo dahil tinutulangan ni Lyre na i-suppress ang Stellar nilang dalawa. Kung ang isang Nameless na katulad ko ay natalo ang dalawang known na Constellation, paano pa kaya si Hydrus na may pangalan" 

"Ako na ang maiiwan dito, Adeel, Eve, Blake ... kayo na ang bahala kay Hydrus"  utos ni Chairman.

"Haha. Nagbibiro ka ba, Zion? Wala akong balak na makisawsaw sa problema niyo. Hahaha bahala kayong mamoblema sa mga problema niyo" at iniwasan niya kami ng tingin.

"Pero ikaw lang lang ang makakatulong kay Hydrus na makabalik sa normal" sabi ni Andromeda.

"Wala akong balak na tumulong sa inyo"  diretsong sagot niya.

"Connect to Zone" biglang sambit ni Eve at kasabay nito ang sunod-sunod na pagsabog. Kung hindi kami nasa loob ng Zone, panigurado ... marami ng sira sa ibabang building. Tinignan ko kanina ang pwesto ni Eve, wala na siya.

Hindi talaga siya nakakapasok ng kusa sa Zone. Pero, natatawag niya 'to. At mukang naramdaman niya ang ataki ni Hydrus.

"Kumilos na kayo Blake" utos ng Chairman na nagpagising sa'kin sa malalim kong pag-iisip.

Kaagad kaming tumalon ni Adeel sa bintana na kaagad nawasak. Bago pa man kami bumagsak sa lupa ay kinontrol ni Adeel ang gravity para mabawasan ang pwersa sa pagbagsak namin.

Kaagad naman naming nakuha ang attention ni Hydrus. Sa pagkalapag ko, siyang sunod-sunod na paghagis ko sa kanya ng knife ko. Pero, madali niya lang 'tong naiwasan. Dahil sa ulan, bumabagal ang bilis ng mga knife ko ..

Napatingin ako sa kalangitan, kalangitang sobrang dilim.

Ito ba ang mundong hihintay ng mga bituing katulad namin?

Naramdaman ko ang biglang pagbigat ng mga ulan na parang gusto kaming itulak paibaba, pero kaagad ding nawala ang pwersa dahil sa tulong ni Adeel na kontrolado ang gravity.

"Back up kita .. " sabi niya kaya naman bigla na akong tumakbo pasugod kay Hydrus.

Habang papalapit ako ng papalapit sa kanya, palaki ng palaki ang tubig na pumapatak mula sa langit at nagsisimula 'to ng pagsabog. Wala akong magawa kung hindi ang iwasan 'yon.

Naramdaman ko ang sobrang paggaan ko. I mean, sobrang gaan na parang walang laman ang katawan ko. Nilingon ko si Adeel, kagagawan niya 'to. Halata sa mga labi niyang nakangiti. Dahil sa ginawa niya, bumilis ang kilos ko. Kaagad kong hinanda ang knife ko na kaagad kong tinangkang isak-sak sa mukha ni Hydrus pero iniwas niya 'to. Mas binilisan ko ang kilos ko hanggang sa nasugatan ko siya na ikinabigla niya. Pero ikinabigla ko ang biglang malakas na tubig na humampas mula sa kanan ko dahilan para tumilampon ako.

Napansin ko ang dugong timutulo ngayon sa pisngi ni Hydrus. Nasugatan ko siya .. 

Nabigla siya ng maramdaman niyang hindi siya makagalaw. Isa to sa ability ng Knife ko, ang ma-paralisa.

Pero ang hindi namin inaasahan ay ang biglang paglitaw ng isang tubig mula sa likod niya na mabilis na umaagos papunta sa'kin ng biglang lumitaw si Adeel. Sa isang taas ng kamay niya ay natulak niya ang tubig pabalik kay Hydrus. Nagtangkang tumalon paatras si Hydrus ng bigla siyang bumagsak sa lupa dahil sa gravity dahilan para bumalik sa kanya ang ataki niya. Gamitin ko na ba ang Brightest Star ko? Pero .. kung gagamitin ko 'yon laban sa kanya .. panigurado magsisisi ako dahil hindi ko pa alam kung sino ang susunod naming pwedeng makalaban na malakas.

Light within the Darkness: The Fallen StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon