Chptr 28: Must Be Protected

32 1 0
                                    

"Circinus?!" Gulat na tanong ni Mari ng makita namin sa liwanag ang mukha ni Circinus.

Ngumiti siya na nagpa-irita sa'kin.

"Ipinagkakatiwala ko sa'yo ang kapatid ko" boses ni Tarra na nagpaalala sa'kin.

"Iwasan niyo siya! Si Eve ang priority natin ngayon!" At tumakbo ako na kaagad sinundan ng Familiar ni Aries at ni Lisel.

Nilingon ko si Mari. Mabilis niyang binagsak ang dalawang kamay niya sa lupa at nagcreate ng tubig na pader atsaka kami sinundan.

Maghintay ka lang, Eve.

Eve's POV

"Manatili ka sa kinatatayuan mo at h'wag na h'wag kang gagalaw" utos ko kaagad bago niya pa simulan ang ataki niya.

Hindi ko gustong ako mismo ang sumira ng mundo kung saan naging masaya kami nila Mama, Tarra, kasama ang mga kaibigan naming si Marideeth at Zion.

Hindi ko hahayaan na mangyari 'yon.

Pero nabigla ako ng may itim na Aurang dumaan mula sa ibaba ni Crux papaitaas.

"Purify" bulong ni Ervin.

Ito ang ability na taglay ni Crux. Abilidad na kailangan namin para maligtas ang Astral at ang mundo ng mga Mortal.

"Bakit hindi niya nalang i-cast ang ability niya sa sarili niya para malinis ang Dark Aura niya?" Tanong ni Aika habang mahigpit siyang hawak ni Ervin.

"Dahil isa na siyang Fallen Constellation. Once na nahulog ka na sa dilim, ang mga mali ang alam mong tama at ang mga tama ang alam mong mali. The same thing sa kanya, ang Dark Aura ang alam mong Light Aura habang ang Light Aura ang akala mong Dark Aura. Nakikita niya ang Dark Aura niya bilang isang Light Aura" pagpapaliwanag ko naman.

Napansin ko ang biglang paglakad ni Crux "Tumigil ka! At h'wag gumawa ng kahit na ano mang bagay!" Sa pangalawang pagkakataon, napatigil ko ulit siya pero, hanggang kailan ba 'to tatagal? Blake, nasan na ba kayo?

"Naiintindihan ko na kung bakit mo naiintindihan ang kalagayan ng Constellation na nasa harapan natin ngayon" napatingin ako kay Ervin.

"Naranasan mo ba lahat ng nararanasan niya ngayon? Ang isiping mabuti ang masama?" Tanong niya pa.

"Mukhang naramdaman mo ang Aura ko. Pero kung sasagutin ko ang tanong mo, oo ang sagot ko" seryosong sagot ko sa mga tanong niya.

Tinignan niya ako ng may pagkabigla pero nagpatuloy ako sa pagsasalita "Katulad niya isa akong Fallen Constellation, napabilang ako sa mga Nameless sa ibang paraan. Isa akong Constellation na mas masahol pa sa kriminal"

Napansin ko pa lalo ang hindi niya makapaniwalang expression "Pero Eve, nahahati sa dalawang Aura ang Aura mo"

"Ang tunay na sa'kin ay ang Dark Aura, habang ang Light Aura ay nanggaling sa Constellation--sa Zodiac na pinatay ko"

"Eve, naalala mo ba ang sinabi ko? Hindi ako nagtitiwala sa mga sinasabi mo" boses ni Blake na bigla nalang narinig ng mga tainga ko.

Lumingon ako sa paligid, wala siya. Wala din ang Aura at presensya niya.

"A-ano bang sinasabi mo? Kung nakukuha mo pa akong pagsabihan bakit hindi mo nalang bilisan na makarating dito? ..!"

"Kailan ka pa natutong makalimot? 'Di naman kita masisisi dahil hindi maganda ang kalagayan mo nuong mga oras na 'yon, so hayaan mong sabihin ko 'to ulit sa'yo ... hindi ako naniniwala na ikaw ang pumatay sa Gemini" lumingon ako sa likod ko ng maramdaman ko na ang presensya niya "Hindi ang kilala kong Everette" nakangiti niyang sabi na nagpatihimik sa'kin.

Light within the Darkness: The Fallen StarWhere stories live. Discover now