Chptr 26: Two in One

38 2 0
                                    

"Sa tingin ko, hindi lang ang pagrerebelde nila ang magiging problema natin kapag nagkataon" sabi ni Aquarius

"Hindi niyo ba napapansin ang Aura nila? Ano mang oras pwede 'tong magbago at maging itim" dugtong niya.

"Masyado na silang nasisilaw sa Stellar" sabi naman ni Adeel.

"Kahit sino maaring masilaw sa lakas ng Mahika o ng Stellar, dahil ibang mundo ang tinatapakan natin ngayon. Mundo 'to kung saan malayang nabubuhay ang mga Stellar at mundo kung saan nagaganap ang mga laban" Pagpapaliwanag pa ni Eve, pero hindi mawala wala ang pagiging seryoso niya.

"Mas mabuti pang asikasuhin na natin ang problema na 'to bago pa mangyari ang mga iniisip niyo" Sabi ko naman at naglabas na ako ng Knife sa mga kamay ko.

Nakuha ni Eve ang attention ko ng tanggalin niya ang ribbon na nakatali sa buhok niya "Since mga range ang mga kasama natin, hayaan mong samahan kita, espada" at ang kaninang ribbon lang na hawak niya ay naging espada.

Medyo nabigla ako dahil naalala kong kaya niyang gawin 'to katulad nung ginawa niya nung laban sa Orphanage. Ito ang Voice of Commandments na sinasabi ni Tarra.

Sumugod siya kaagad at kusa namang gumalaw ang katawan ko at sundan siya "H'wag ka ngang magmadali!" sabi ko ng maabutan ko siya.

Naramdaman ko ang biglang paggaan ng katawan ko. Nang tignan ko si Adeel naka ok sign siya na paniguradong kagagawan niya. Ito ang naging dahilan ng mabilis kong pag-iwas sa espada ng dalawang kalaban at mabilis ko silang nasugatan dahilan para umatras sila.

"S-sino kayo?! bakit naandito kayo sa isla na 'to?!" tanong ng paniguradong leader na babae na may kalayuan mula sa'min at halatang pinoprotektahan siya ng mga tauhan niya.

"Isa akong Nameless, sapat na ba 'yon?Huminto kayo sa kinatatayuan niyo" rinig kong banggit ni Eve na sobrang ikinabigla na ng tatlong lalaki sa harap niya na walang nagawa ng tamaan niya ang mga espada nila at pare-parehas silang sikmuraan at bumagsak.

"N-nagsisinungaling siya, dahil mga Zodiac ang kasama niya!" sigaw ng katabi ng leader.

"Hindi ako nagsisinungaling nang ipakilala ko ang sarili ko" Kalmadong sabi ni Eve. Mula sa likod niya may isang babae naman ang handang umataki pero "Spear" at sa pagharap niya dito ay spear kaagad ang sumalubong sa kanya imbis na espada at bago pa 'to tumama sa mata ng kalaban ay pinigilan niya 'to atsaka tinuon ang attention sa espada na hinawi niya ng may malakas na pwersa dahilan para mismong espada ang mahati sa dalawa.

Nabigla naman ako ng maramdaman ko lamig ng tubig mula sa likod ko. At duon gamit ang tubig ay tumilampon ang nasa apat na kalaban na kanina lang ay nasa likuran ko "H'wag ka ngang madistract!" sigaw naman ni Mari habang si Aquarius ay patuloy sa pag-ataki.

"Na love at first sight--" putol ko naman kay Adeel na handa ng mangbuwisit.

"L-l-love at first sight ka diyan?! b-b-bakit ngayon ko lang ba nakilala si E-Eve?!"

"Bakit, may binggit ba akong pangalan?" nakangising sabi ni Adeel na nagpangiti din sa dalawang isda.

Ako mismo ang naghukay ng sarili kong libingan! T_T

"Wala akong paki-alam sa mga sinasabi niyo pero-- pwede bang seryosohin niyo naman ang laban?" masungit naman na sabi ni Eve at itinulak niya gamit ang spear niya ang isang kalaban.

"Ano 'to, Blake? hindi pa kayo pero LQ na agad? Ang hina mo naman" pang-iinis pa ni Aquarius habang sinosuportahan niya si Eve. Nagsisilbing pangdipensa ni Eve ang tubig.

"Masyado bang mahirap mahalin ang Ice Princess?" dagdag pa sa pang-iinis ni Mari.

Narinig ko nalang ang pagbuntong hininga ni Eve. "Ano ba. hihintayin niyo pa bang isunuod ko kayo pagkatapos ko sa mga 'to?" gigil namang pananakot ni Eve.

"Hala. nagagalit na ang Mahal na Prinsesa, Mahal na Prinsipe~ tulungan mo kami~" pang-iinis pa lalo ni Mari.

Bumulong si Eve at naging Bow ang kanina lang na spear na hawak niya at may lumipad kaagad na arrow paataki kay Mari pero nahinto ito dahil sa tubig na nagblock dito na nagstuck sa Arrow sa tubig. "Sa lakas mo kaya mo kahit mag-isa 'to. Kaya mong pigilan ang paggalaw nilang lahat, kaya bakit hindi mo gawin ng matapos na 'to?" hindi ko masabi sa mukha ngayon ni Mari kung nagbibiro pa ba siya o seryoso na siya dahil sa mga ngiting ipinapakita niya habang may mga seryosong tingin kay Eve.

Tinalikuran ni Eve si Mari at hinarap ang kalaban na nangalahati na ang bilang "Kung nasa loob tayo ng isang laro panigurado kahit ang mga tubig mo, hindi na ako maabot. Paano niyo ako mapapantayan kung lahat iiasa niyo sa'kin at hahayaan akong maglevel-up ng maglevel-up? Mag-isip ka nga, Student Council President" at hindi ko alam kung dahil ba 'to sa Stellar ni Eve kaya mabilis niyang naataki ang isa pang nagtangkang umataki sa kanya o dahil mismo sa sarili niyang kakayahan.

Pero hindi mapag-aakilang may laman ang bawat salitang binitawan niya.

"Talagang ikaw lang ang nagpapainit ng ulo ko ng ganito, Disciplinary Committee President" at ang kaninang Arrow lang na nakastuck sa tubig ay nabali.

Naging seryoso ang lahat ng makaramdam kami ng malakas na Aura. Hindi lamang 'to itim na Aura kung hindi pinagsamang itim at puti ito. At simula nuon ay nararamdaman ko ang panghihina ko, hindi lang ako maging ang mga kasamahan ko rin.

Kahit na nanghihina ako ay hinanap ko kung saan nagmumula ang Aura at sa paglingon ko, isa itong Jewel . Ito ang Jewel na sinasabi ng mga Nameless.

"Mukhang kailangan ko pang magpasalamat sa inyo, dahil kayo pa mismo ang lumapit sa'min. HAHAHA! kung naandito kayo para hanapin ang mga ginto, mukhang dito na magtatapos ang paghahanap niyo. WAHAHA! Ako nga pala si Coma Berenices, pero wait, ako rin si Scutum!" ang sabi ng babae na ikinabigla namin.

Coma Berenices, the Berenices Hair at si Scutum, the Shield--- nagbibiro ka ba?! naabsorb niya tuluyan si Scutum!

"Welcome sa bago niyong mundo" sabi niya at biglang lumiwanag ang buong paligid. Naramdaman ko nalang ang isang kamay na nagtulak sa'kin.

Sa pagkawala ng liwanag, madilim na piligid naman ang sumalubong sa'kin. Hindi rin ito ganuon kadilim dahilan para makita ko si Mari na tumatayo ganun din si Lisel na ikinabigla ko pa. "S-sila Everette--nasaan???" bungad na tanong ni Mari dahilan para hanapin ko sila sa paligid.

"Paniguradong nasa loob din sila nitong mundong ginawa ng Leader ng mga Hunters. Paniguradong kasama ni Everette si Aika habang ang dalawa niyo pang kasama ay kasama naman ni Nika" sagot ni Lisel at may inilabas siyang isang maliit na papel na biglang umapoy na nagbigay liwanag sa'min "Isa 'to sa mga magic items na nalikha nila. Binigyan ko rin ang kambal kaya magiging okay lang sila" pagpapaliwanag niya.

"Bakit kayo nandito? bakit niyo kami sinundan?" tanong ko.

"Nung una nagdadalawang isip ako na sundan kayo dahil may kasama akong mga bata. Pero napaisip ako, na kung hindi dahil sa inyo hindi rin sila mabubuhay"

"Ano ba 'tong lugar na 'to? para tayong nasa ilalim ng lupa" sabi ni Mari.

"Ito ang mundong laging nakasunod kay Coma Berenices , ang ibig sabihin-- malapit parin tayo sa isla. At ang isa pa, ito ang lugar na nagsisilbing kulungan ng ibang Constellation na nagtatangkang kumalaban sa mga Hunter. At para sabihin ko sa inyo, wala pa akong naririnig na balitang nakakalabas dito ng buhay, tanging ang Leader lang na pumapasok dito para mangolekta ng Stellar"



Tbc ...
A/N: k. Wala ko maisip na tittle 😂 nakakita  ng kape na naging sagot sa katanungan ng sanlibutan 😂 char~

Light within the Darkness: The Fallen StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon