Chptr 32: Cant be Controlled

33 1 0
                                    

Blake's POV

Nabigla ako sa sinabi niya. At bigla na lamang niya ako tinulak palayo sa kanya at tumalikod siya sa'kin.

"A-anong sinasabi mo, Eve?"

"Tulungan mo akong patayin si Crux" walang alangan niyang sabi pagkaharap niya sa'kin.

Napakaseryoso ng mga tingin niya kahit ang mga mata niya ay nagluluha at namumula na. "Ano bang sinasabi mo? Kailangan natin siya para mabalik sa dati ang mundo"

"Pero hindi ko siya kailangan. Siya ang maglalayo sa'kin sa kapatid ko" epekto ba 'to ng Dark Aura?

"Kung pati ikaw magiging hadlang sa'min ng kapatid ko, pati ikaw mawawala dito. Mamili ka, tutulungan mo ba ako o mas pipiliin mong maging hadlang?" Walang halong biro ang mga tingin niya. Pero -- bakit patuloy sa pagluluha ang mga mata niya?

"Tsk. Wala ba akong makukuhang sagot mula sa'yo?" Dugtong niya pa at handa na siyang tumalikod ng batakin ko ang kamay niya pabalik sa'kin.

"H'wag ka ngang mag-isip ng ganyan! Hindi ka iiwan ng kapatid mo. Hindi ka iiwan ni Tarra"

Tinaboy niya ang kamay ko "Wala ka sa lugar ko para sabihin mo 'yan. Hindi mo alam ang naramdaman ko nung sinabi niya na iiwan niya rin ako! Narinig ng dalawang taenga ko! Narinig ko na iiwan niya rin ako! Kaya aalisin ko sa mundong 'to ang rason kung bakit mangyayari 'yon! Aalisin ko ang mga hadlang sa'min! Aalisin ko sa buhay namin ang mga Zodiac! Handa akong maging isang mamamatay tao makasama ko lang ang kapatid ko! Makasama ko lang si Tarra--" hindi ko napigilan ang mga palad ko na hindi sumampal sa mga pisngi niya.

"Kumalma ka nga!"

Sa pagbalik niya ng lingon niya sa'kin, bakas dito na nabigla siya na nagpakalma sa kanya.

"Hindi lahat ng naririnig mo ay 'yun na mismo ang pinupunto. Bakit hindi mo kausapin ang kapatid mo tungkol dito ng maliwanagan ka. Lahat ng bagay may rason, pakinggan mo muna ang paliwanag ng kapatid mo"

Umiwas siya ng tingin sa'kin at bumalik ang malulumanay niyang mga tingin "Kakambal ko siya, Zodiac kami. Hindi lang ang puso namin ang magkanonekta kung hindi pati narin ang isip namin. Nararamdaman ko na iiwan niya rin ako matapos ang mga gulong 'to"

Hindi ko kailangang magsinungaling sa kanya dahil parang nagbuhos narin ako ng asin sa mga sugat niya "Hindi mababago na kailangan ka niyang iwan balang araw"

Bigla niyang itinuon ang attention niya sa akin at tinignan ako. "Bakit ba kailangan niyong ipamukha sa'kin na balang araw magiging mag-isa nalang ako? ..!"

"Hindi ka mag-isa"

"Sa ngayon oo hindi ako mag-isa, pero paano na kapag natapos na ang lahat ng 'to?  Hindi! Hindi! Hindi pwede mangyari 'to! Kailangan kong pigilan 'to! Tutulungan mo ako sa pagpigil sa kanila diba? Hindi mo ako iiwan hindi ba? Hindi--dahil sa ayaw at sa gusto mo, sasamahan mo 'ko sa laban na 'to. Hindi ka aalis sa tabi ko at magtutulungan tayo" gumamit siya ng Stellar.

Ganito ka  ba matakot na mag-isa, Eve? Na kahit kami gagamitan mo ng Stellar mo para lang makasama mo ang kapatid mo. Pero nagkamali ka sa taong pinili mo na gamitan ng Stellar  mo--

"Walang epekto sa'kin ang inutos mo, Eve"

Nagsimula ang pag-atras niya, papalayo sa'kin "H-hindi--p-paanong nangyaring walang epekto sa'yo ang Stellar ko? P-paano?!"

"Dahil ang gusto mong gawin ko, ay katulad ng nasa isip ko" nilapitan ko siya at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay niya "Hindi ako aalis sa tabi mo, kasama mo ako sa lahat ng laban mo sa buhay. Lagi lang ako nandito para tulungan ka. Pinapangako ko 'yan. Pinapangako kong hindi ka mag-iisa"

Bakas sa expression ng mukha niya na hindi niya inaasahan ang mga sinabi ko. Kahit ako sa sarili ko hindi ko na alam kung ano ang mga pinagsasabi ko dahil pakiramdam ko, puso ko na ang may kontrolado sa bibig ko.

"Eve, kailangan mong itatak sa isip mo na matagal ng patay si Tarra. Pero kahit na patay na siya, nananatili siyang buhay sa puso mo. Eve, kahit bumalik na siya sa langit, hindi ka nag-iisa" ibinalik ko ang tingin niya sa'kin gamit ang dalawang kamay ko na inilagay ko sa  dalawa niyang pisngi nang bigla siyang umiwas ng tingin "Nandito ako--kami nila Mari, kaming mga kaibigan mo para sa'yo kaya please, h'wag mong sasabihing nag-iisa ka. Dahil masakit para sa'kin na isiping naandito ako pero parang hindi mo ako nakikita"

Hindi ko gusto ang katahimikan na nangyari kaya naman ngumiti ako sa kanya "Ihahatid na kita sa kwarto mo para makapaghanda ka sa pagbalik natin sa mundo ng mga Mortal"

Naglakad na ako pero bigla akong napahinto ng maramdaman ko ang pagbatak niya sa damit ko dahilan para silipin ko siya mula patalikod "About sa nangyari ngayon, pwede bang sa'tin-sa'tin lang?"

Tumango ako ng may ngiti pero siya yumuko "Ang daming tumatakbo ngayon sa isipan ko. Pakiramdam ko, hindi ako ang may hawak ng isipan ko. May isang tanong lang ako, Blake" sa paglingon niya, nabigla ako sa seryosong mukha niya.

Seryoso siya pero, hindi katulad ng kanina. Dahil kahit gaano man kaseryoso ng mga tingin niya, hindi niya matago dito ang lukot na nararamdaman niya.

"Kapag ba nahulog ako sa dilim, handa ka ba na isakripisyo ang buhay mo makabalik lang ako?" S-yempre oo! Baliw ata 'to!

"B-bakit mo naman natanong?"

"Gusto kong maliwanagan ang sarili ko kung katulad din ba ng gagawin niyo ang gagawin ko kung sakaling kayo ang nasa lugar ko"

Si Circinus, Si Andromeda, Si Lyra at si Crux, walang duda ang sagot niya kung sakaling ako naman ang magtanong sa kanya ng katulad na tanong.

"Kung anong sagot mo, 'yun ang sagot ko"

"Pero imposible" ito nanaman ang mga matatapang na tingin niya.

"Dahil mamamatay si Crux kung babalakin niyang linisin ang Aura ko"

"Anong sinasabi mo?"

"Ginamitan ko siya ng Stellar ko. Sa oras na dumampi ang Stellar niya sa'kin, mamamatay siya. Ito ang isa sa mga consequence sa Stellar ko, hindi ko na mababawi kung anong nasabi ko na. Kaya sa oras na subukan niyang linisin ang Aura ko, magiging katapusan niya"

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya at wala akong nagawa kung hindi ang hintayin ang susunod niyang sasabihin.

"Blake, walang makakaligtas sa pagbagsak ko"

"Eve, h'wag mong hahayaan na mahulog ka sa dilim. Kapag nahulog ka, hindi makokompleto ang Zodiac at hindi natin mapipigilan ang pagdilim ng mundo. Kailangan ang buong Zodiac para masarado ang Dimension. Kailangan ka namin, kailangan kita Eve"

"Matagal ng hindi kompleto ang Zodiac nakalimutan mo na ba? Kailangan pa nating hanapin ang mga buto ni Tarra para makompleto tayo .. pansamantala. Kakayanin ko na manatili na tuwid ang pag-iisip ko para kay Tarra---pero sa oras na mahulog ako sa mga kamay ni Ophiuchus, h'wag kayong magdadalawang isip na hindi ako patayin. Pigilan mo si Crux na lumapit sa'kin, gamitin niyo ang Stellar niya sa paglinis ng Aura ni Ophiuchus. Malaki ang maitutulong niya para mabalik lahat sa dati ang mga bagay"

"Ano ka ba? Iyan ba ang huling habilin mo? Tsk, h'wag kang magpatawa. Tayong mga Zodiac ang magbibigay ng liwanag sa mundo. Wala ng iba" tumalikod ako sa kanya at nagsimula ng maglakad. Hindi ko na inisip kung susundan niya ako o hindi pero lumingon ako "Para sabihin ko sa'yo, wala akong balak na ibigay ka kay Ophiuchus"

Kung ganito, masasabi ko lahat ng mga nasa loob ko. Pero parang may salitang gustong lumabas sa bibig ko na hindi ko masabi.


Tbc ...

Light within the Darkness: The Fallen StarWhere stories live. Discover now