Chptr 03: Orphanage

148 8 0
                                    

"Sigurado ka ba sa ginagawa mo?" Tanong ng kapatid ko.

Tumango ako "Masyadong matagal ang tadhana, Tarra. Kung may paraan naman, bakit hindi ko gamitin diba?"

"Hays, kapatid nga kita. Pero, hindi lang siya ang maapektuhan dito" sabi ni Tarra.

"I know. Pero everything will go as I planned"

Blake's POV

Kaagad kong tinignan si Columba. Thanks god at naglaho siya bago pa man siya nakita ni Everette.

"Paano-I mean b-bakit nasusunog ang apartment?" Tanong ko habang nakatingin ako sa bahay at pinapanuod ang mga bomberong pinapatay ang sunog "May mga grupo ng bata ang naglalaro ng apoy hindi kalayuan sa room na inupahan mo. Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa lakas ng hangin. Nasa presinto sila ngayon para sa information. Anong balak mo? Balak mo bang puntahan ang mga bata? Balak mo bang kausapin ang mga magulang nila?"

And then dun ko lang napansin na naka-uniform pa siya.

Umiling ako bilang sagot "Siguro kahit hindi ko na gawin 'yon, kaya na ng mga magulang nilang pagsabihan ang mga anak nila"

Pero nanlalambot talaga ako sa mga nangyayari. Aquarius! Bakit mo hinayaan na masunog ang tanging masisilungan ko dito!!!! T_T

"Ate Eve" boses ng bata na nagpalingon sa'kin sa side ni Everette at may dalawang bata ang lumapit sa kanya. "Oh, bakit nandito kayo? Mapapagalitan kayo kapag hindi niyo sinunod si lolo" mahinahon na sabi ni Everette.

"Hindi ako mapalagay dahil sa takot" ang sabi ng isang nakapony tail.

"Hm, mawawala din 'yang takot na yan mamaya kapag kinuwentuhan na kita ^_^"  sagot ni Everette.

"Ate sino ang kausap mo?" Tanong ng nakalugay ang buhok.

"Ka-schoolmate ko" nilingon niya ako.

"K-kapatid mo?" Tanong ko. Gusto kong malaman kung tama nga ang hinala ko.

Tumango siya "Sa ibang paraan nga lang. Gusto mo bang magkape muna? Pampakalma. Wala naring mangyayari kahit na anong gawin mo since nasunog na ang lahat"

"T-thanks"

Sinundan ko sila sa paglalakad nila papasok sa katabing bahay lang. Yup, kapitbahay ko dapat kung hindi nasunog ang apartment.

Sa pagpasok ko napansin ko kaagad ang isang matandang naka-upo sa sofa at ilang bata na naglalakad "Magandang gabi po" 

"Lo, si Blake po. Siya po 'yung kapitbahay na nasunugan" pagpapakilala ni Everette kahit nasa kusina siya at nagpeprepare ng kung ano.

"G-ganun ba. May .. may matutuluyan ka ba?" Tanong ni lolo.

Umiling ako "Sa totoo po niyan wala po"

"Dito pwede kang manuluyan kung gusto mo. Bukas naman ang orphanage para sa'yo"

"Orphanage?" Pagtataka kong nilingon si Everette na papalapit sa'min ngayon na may bitbit na tatlong kape na nasa tray. But for some reason, laging seryoso ang mukha ni Everette.

"Orphanage 'to para sa mga batang iniwan at naiwan ng mga magulang" inabot niya sa'kin ang kape ganun din kay lolo.

"Sakto at nalinis ni Eve ang bakanteng kwarto. Pwede mo 'yung gamitin"

"Maraming salamat po" waa, they save my day!

"Nabanggit sa'kin ni Marideeth na balak mong maghanap ng trabaho. Being alone, means ikaw ang gagawa ng mga gawaing bahay, sanay kang magluto? Bakit hindi ka nalang din magtrabaho dito at the same time?" Sabi ni Everette na parang kilala niya talaga ako.

"These days mahirap ng maghanap ng part-time job lalo na sa estudyanteng katulad mo. Dumadami na ang bata dito sa Orphanage even after that incident. Si Eve lang ang nakakatulong ko dito dahil halos lahat ng mga matatandang katulad niya, umaalis din dito matapos nilang makapag-aral at nagtatrabaho sa ibang lugar" dugtong ni lolo.

"Iko-consider kong tinanggap mo na ang offer namin. Wala ng bawian 'to" nakangiting sabi ni Everette. Pero ngiting simple at hindi 'yung abot taengang ngiti.

"Pwede ka ng magsimula ng trabaho mo bukas. H'wag kang mag-alala, before and after school ka lang magtatrabaho kaya hindi maapektuhan ang pag-aaral mo. Kapag may mga exam kayo, pwede kang magsabi sa'kin o kay Eve"

Nilingon ko si Everette pero nakangiti siya "No turning back"

At napabuntong hininga nalang ako.

"Panigurado pagod ka. Tara ituturo ko sa'yo ang kwarto mo. By the way, paano pala ang mga gamit mo?"

"H'wag mo ng alalahanin 'yon dahil nasaktuhan na hindi pa napapadala sa'kin ng parents ko. At ang mga damit ko naman, kanina pang umaga na nandito sa back pack ko dahil dumiretso na ako sa school pagkadating ko dahil nalate ang biyahe ko. Ako na ang bahala kapag dumating na ang ilan pang gamit ko" As if namang totoo 'yun, pero walang halong biro na kanina pa nasa bag ko ang ilang damit ko.

"Okay sige" at naglakad kami sa parang hallway.

"Everette--" putol niya.

"Tawagin mo nalang akong Eve"

"Ah Eve, wala ka narin bang mga magulang o kapatid--I mean yung totoong kapatid?"

"Wala na" medyo cold na boses niyang sagot.

Binuksan niya ang isang pintuan at bumungad sa'min ang napakalinis na kwarto na parang masasabi mong 'napaghandaan ang pagdating ko'

"Dito ang kwarto mo. Kung wala ka ng gagawin bukas kung pwede lang sana  dumiretso ka na pauwi dito para mapakilala kita sa mga bata"

"Okay sige"

"Ah, isa pa. Nakapaghapunan ka na ba?"

"Ah-- hindi ko naman masasabing hapunan pero, nag-offer din kasi ng pagkain si Mr. Zion at hindi ako hinayaang makaalis hanggat hindi ko siya sinasabayan sa pagkain"

"Ganun ba. Osige pero kung nagugutom ka may pagkain sa refrigerator mag-init ka nalang. Well then, Goodnight in advance"

Aalis na sana siya ng magsalita ako "Nagtitiwala ba kayo sa'kin? Hindi lahat ng tao nagtitiwala sa taong unang beses palang nilang nakilala. Paano pala kung masama akong tao, at hinayaan mo akong makapasok dito sa Orphanage which is bahay ng maraming bata"

Ngumiti siya ng lingunin niya ako "Dont forget na President ako ng Disciplinary Committee, hayaan mong turaan kita ng leksyon sa oras na may gawin kang hindi maganda" huminto siya at mistulang napaisip.

"But since nandito tayo nayon sa Orphanage at wala tayo sa school, kapatid mo na ako. As your sister, hayaan mong turuan kita ng tamang asal" dugtong niya habang may mga ngiti parin sa mga labi niya.

S-seryoso ba siya? Parang nahulog ako sa isang patibong ah.

"Maaga pa tayo bukas, h'wag mong kakalimutan na gumising ng maaga dahil tayo ang magpeprepare ng pagkain para sa mga bata. Good night ulit, sweet dreams~" at lumabas na siya.

Waa, umiksi ata ang life span ko.

"Columba, nandiyan ka ba?"

Lumitaw siya sa harap ko.

"Pwede bang magbantay ka dito sa Orphanage lalo sa mga oras na wala ako dito"

"Heh, mukhang hindi ka naman pala manhid para hindi maramdaman ang Aura na nandito sa Orphanage pero may isang tanong ... "

"Hm" pagtango ko.

"Hindi tayo sigurado kung anong kulay ng Aura 'to ... "




Tbc ... :)

Light within the Darkness: The Fallen StarWhere stories live. Discover now