Chptr 23: Ethereal

38 3 0
                                    

"Voice of Commandments" pagtataka ni Aries at nilingon niya si Tarra "Walang akong narinig na mayroong ganuong klaseng Stellar"

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Mari.

"Na imposibleng magkaroon ng ganuong Stellar dito sa Astral. Kung mayroon man paniguradong, Panginoon na siya ngayon" at tumalikod siya sa'min.

"Aano ka, Aries?" Tanong ko.

"Pupunta kung nasaan ang taong kanina pa natin pinag-uusapan"

"Kayo na ang bahala sa kapatid ko" at naglaho si Tarra.

Sinundan namin si Aries sa paglalakad. Nakarating kami sa isang kwarto at sa pagbukas namin, naabutan namin si Eve na kinakalas ang kadena ng nga Zodiac, kung saan nakakaramdaman kami ng Light Aura. Nilingon niya kami sandali at pinagpatuloy ang ginagawa niya.

"Eve .. " pagtawag ko.

"Everette, ikaw nga ba si Everette? Gusto kong malaman ang totoong pangalan mo" bungad ni Aries.

"Pangalan?" Nilingon kami ni Eve ng seryoso "Wala akong pangalan. Isa akong Nameless"

"Walang Nameless ang may Stellar"

"Dahil iba ako sa mga Nameless"

"Tarra, alam kong nandito ka. Kailangan kitang makausap" pagtawag ni Aries at mula sa likod namin ay lumitaw si Tarra "Ano bang mga sinasabi mo sa kanila Tarra?" Bungad ni Eve.

"Kanina ko lang nalaman na isa siya sa kambal ng Gemini. To tell you, nuong una palang dapat dalawang lalaki ang Gemini. Si Castor at si Pollux, pero this time ang nagpakitang Gemini ay babae .... gusto kong malaman ang pangalan ng dalawang kambal" sabi ni Aries.

"Tarra at Esta, meaning .. Star" seryosong sagot ni Tarra.

"Esta .. nasan si Esta?"

"Matagal ng wala si Esta. Hindi pa ba malinaw 'yon sa inyo? Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na matagal na siyang wala?" Sagot naman ni Eve.

"Kung matagal na siyang wala, bakit hindi mo ginawa sa kanya ang katulad ng ginawa mo kay Tarra?"

"Dahil walang rason para manatili pa siya dito. Hindi mo ba naiintindihan? Ako ang rason kung bakit naglaho ang Gemini, sa tingin mo ... kakayanin kong ibalik si Esta?"

"Gemini si Tarra, bakit siya hiniling mong manatili sa tabi mo?"

Biglang umiwas ng tingin si Eve na ipinagtaka ko. Ganun din si Tarra. "Dahil nakakatakot mag-isa .. "

Ano bang gusto mong malaman sa kanya ... Aries?

Tinignan ni Aries ng seryoso si Eve bago tumalikod "Ang kailangan mo lang, mapatawad ang sarili mo" sabi ni Aries at biglang napatingin si Eve sa kanya.

"Hayaan niyo na ang ilang Constellation ang mag-ayos kila Taurus at Virgo. Sumunod kayo sa'kin, magkakameeting tayo para sa pagresolba ng problema about kay Sagittarius" dugtong niya at naglakad na siya.

Napansin kong lumapit si Tarra kay Eve. Inabutan siya nito ng kamay "Tara?" Nakangiti pero malungkot na aya niya kay Eve.

Inabot naman nito ang kamay ni Tarra at tumango.

Sabay sabay na kaming naglakad at sinundan si Aries na naglakad papunta sa isang room dito sa Astral. Isa itong room na sobrang lawak pero ang laman lang, ay isang malaking table na may 13 na silya.

"Ito ang Round Table, made only for the Zodiac"

Umupo kami duon at nagsimulang naging seryoso ang paligid.

Light within the Darkness: The Fallen StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon