Chptr 19: To the Journey

47 2 0
                                    

"Eve--" kaagad ko siyang nilingon dahil pakiramdam ko hindi na siya sanay na atmosphere na nasa  pagitan namin. "Blake, Alam mo ba ang Stellar Magic ng Gemini?" Tanong ko bago pa siya magsimula.

Naglalakad kami ngayon para sunduin ang mga bata. This will be their last day dito sa mundo ng mga Mortal. Kung gusto ko ulit silang makitang masaya, kailangan ko ng matapos ang gulong 'to.

"Gemini? ... sa Astral isa siya sa mga Constellation na tinatawag na Brightless dahil wala silang ability"

Nilingon ko siya dahil sa pagsabi niya ng salitang 'yon "Pero sa kabila ng 'to--" putol ko ulit sa kanya.

"Nakukuha nilang ngumiting dalawa" this time, naramdaman ko ang mga titig niya na punong puno ng pagtataka. "Y-yun ba ang gusto mong sabihin? Base sa expression ng mukha mo, oo. Pero, I think mas magandang nanatili nalang sila sa Astral ..... kahit walang ability, duon nabubuhay sila ng may saya"

"Ah. Nandito na tayo" dugtong ko pagtungtong namin sa school.

Kaagad naman kaming dumiretso sa office para puntahan ang Principal.

Blake's Pov

"Hintayin mo na ang mga bata dito. Ako na ang bahalang kumausap sa  mga teacher" nakangiting sabi niya na halatang may binabalak siya.

"H'wag mo silang gagamitan ng Stellar"

"Roger" at pumasok na siya sa loob.

Naguguluhan ako kay Eve, hindi bat siya ang pumatay sa Gemini? But still hindi ko makita sa kanya na kaya niyang gawin 'yon.

Nakarinig ako ng mga batang tumatakbo. At ito sila nakangiti akong sinasalubong.

"Kuya si Ate Eve nasan?" Tanong ni Gil.

"Nasa loob kausap ang mga teacher niyo"

"S-siya lang mag-isa?"

Tumango ako at nagbago ang expression niya. Tumakbo siya kaagad papasok ng office kaya sinundan ko siya. Ang nadatnan namin duon ay si Eve kausap ang mga teacher na halatang nahulog sa Stellar niya. No wonder sa Aura na sumalubong sa'min.

"Bakit nandito kayo?" Tanong niya pero binalik niya kaagad ang tingin niya sa mga teacher.

Naramdaman ko ang pagkalabit ni Gil sa'kin kaya yumuko ako para pantayan siya. "Kuya, alam mo bang ngayon ko lang nakita ang mga Principal na ganyan? Walang tigil ang bibig niyan kapag estudyante ang pinag-uusapan. Ang swerte natin dahil nandito si Ate Eve dahil kung hindi baka sira na ang taenga natin"

Matatawa ka nalang dahil sa mga sinasabi ni Gil. Pero sa mukha pa nga lang ... mapapansin mo ng may pagka-istrikto ang Principal nila.

"Itatak niyo po sa isip niyo na nasa overseas ang mga bata. Duon na po sila mag-aaral. Wala na pong tanong na maiiwan sa mga isipin niyo bago kami umalis dito. Release. Thank you po Ma'am, isa-sama na po namin ang mga bata" nakangiting sabi ni Eve.

"S-salamat din. Mag-iingat kayo" nakangiting sagot din ng Principal bago siya talikuran ni Eve para puntahan kami at lumabas ng office.

Kinuha ko ang mga bag ng bata at kinuha din ni Eve ang dalawa kasabay ng paglalakad namin palabas ng school.

"Ang sabi mo hindi mo sila gagamitan ng Stellar mo?" Tanong ko.

"Sinabi ko pero hindi ko pinangako" may nakakainis na ngiting sabi niya at nakipagkwentuhan siya kala Gil at sa ibang bata hanggang sa makarating kami sa bahay kung saan naman naghihintay sila Mari kasama ang Chairman.

Light within the Darkness: The Fallen StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon