Chptr 21: The Important One

42 2 0
                                    

"H-hindi ko nagawang p-protektahan ang pamilya ko ... k-kaya k-kahit ito man lang ...... magawa ko .. " naramdaman ko ang pagsandal ng ulo niya sa dibdib ko.

Nilingon ko siya ng may ngiti pero nawala ang ngiting 'yon ng mapansin ko na may mali sa kanya. Namumutla siya. Duon ko napansin na kumalat na ang lason sa katawan niya.

Sinipa ko ang mga kalat sa ibaba at hiniga siya sa damuhan. Naglabas ako ng knife na lumitaw sa palad ko.

Dapat ginawa ko na 'to kanina pa.

"Brightest Star of the Ruler of the Planetary Mars, Antares" lahat ng Stellar na nasa katawan ko ay nagfocus sa kamay at sa knife ko, mula sa lugar ko ay hinagis ko paitaas ang knife ko na biglang dumami. Mabilis nitong tinatahak ang daan papunta sa Sacred Water na nasa itaas.

Please ... umabot ka. Please ..

Napapansin kong naglalabo ang paningin ko. Epekto 'to ng paggamit ko ng Brightest Star ko.

Itinaas ko ang kamay ko ng makaramdam ako ng pagpatak ng tubig. May pumatak sa palad ko at hindi ko namalayan ang ngiti sa mga labi ko. Hanggang sa mistulang umulan na dahilan para patakan din ang sugat niya na nagpagaan ng pakiramdam ko.

Pinagmamasdan ko ang mabilis na paglalaho ng sugat niya. Pero bigla akong napahawak sa ulo dahil sa biglang pagkirot nito at biglang pagkahilo at pagdilim ng paningin ko. Napangtungtong ko ang kanang kamay ko dahil sa pagkahilo ko. Lumitaw ang limang na knife sa kamay ko na kaagad kong hinagis sa paligid namin pero ang isang knife ... binuhos ko duon ang buong lakas ko at ang Stellar ko pahagis sa kanan ko.

Please .. s-sana mahanap niyo kami ...

At duon tuluyang nagdilim ang paningin ko at bumagsak ako katabi ni Eve.

Marideeth's POV

How come na kaming lahat magkakasama habang 'yung dalawang 'yon ... nahiwalay sa'min? And one more thing ... 'tong papel na 'to ... tsk, si Everette lang ang makakagawa nito.

"Malapit na tayo" sabi ni Aquarius pero bigla siyang napahinto at napatingin sa langit.

"Bilisan na natin" dugtong niya pa at nagsimula na siya sa paglalakad na kaagad naming sinundan.

"Anong problema, Aquarius?" Tanong ni Adeel.

"Kanina lang. Hindi ako nagkakamali sa nakita ko, ginamit ni Scorpio ang Brightest Star niya. Hindi ko alam ang dahilan pero, paniguradong may reason para gamitin niya 'to"

"Meaning, kailangan nating makarating kaagad sa Palasyo para malaman kung ano ang nangyari" sabi ko naman  habang napapakamot nalang dahil sa wala kaming magawa.

Kasama ang mga bata, walang pahinga naming tinungo ang Palasyo ng Astral. Dito kami sinalubong ng isang babae, hindi ako nagkakamali na siya si Aries na nagpakita sa'min sa mundo ng mga Mortal.

"Mabuti at nakarating kayo ng ligtas dito" nakangiting bungad ni Aries.

"Ligtas ba 'to? Puro galos kami hindi mo ba nakikita?" Sabi naman ni Aquarius.

"Hindi ba kayo ang umataki sa Sacred Water para makapagpagaling?" Pagtataka ni Aries.

"Ang ibig sabihin, may nangyari ngang hindi maganda kila Scorpio" bulong ni Adeel.

"Ate Marideeth, nag-aalala ako kay Ate Eve" nag-aalala namang sabi ni Gil at napakapit na siya sa beywang ko.

Handa na akong magsalita ng makaramdam kami ng Stellar Magic mula sa likod namin. At mula sa malayo, may isang knife na paataki sa'min habang kumakayod sa lupa ang hindi visible na Stellar. Pinigilan ng isang kamay ni Aries ang knife bago pa 'to tumama sa pader. Sa daming Stellar na nagmumula dito, malakas ang pwersa na dinala nito na nagdala ng mabigat na hangin.

Light within the Darkness: The Fallen StarTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang