Chptr 25: At the Island

43 2 0
                                    

Biglang nag-iba ang expression ng mukha niya at napatayo siya bigla dahilan para maalog ang bangka. "H-hindi ba mga tao 'yon?" Tanong niya habang nakatingin sa malayo.

"Hmm ..." naalimpungatan pa atang gawi ni Aquarius.

Tinignan ko ang tinitignan niya at may mga anino akong nakita. "Mga Nameless" biglang sabi ng Familiar ni Aries.

"Nagsasalita ka pala" medyo may pagkasarcastic na sabi ni Aquarius.

"Sa nakikita ko, mukhang natrap sila sa gitna ng dagat" dugtong ng Familiar.

Kinuha ko 'yung sagwan at dahan-dahan akong nagsagwan papunta sa kanila. Sa paglapit namin, isang dalaga ang nadatnan namin na nakaupo habang ang dalawang batang babae ay mahimbing na natutulog.

Nabigla siya ng makita niya kami "Nagpapalipas rin ba kayo ng gabi dito sa dagat?" Tanong ko.

Umiling siya "Tinapon kami dito sa dagat .. " mahinang sagot niya habang may malulungkot na tingin sa mga bata.

"Mga Nameless .." sabi ni Aquarius na nasa likod ko.

"Nameless?" Mahinang tanong ni Eve pero umiwas ng tingin ang babae.

Tinignan ko ang laman ng bangka nila. Wala ang pangsagwan nila. Wala kahit isang gamit. 

"Gusto niyo bang sumama sa'min? Medyo mapanganib ang paglalakbay namin pero, sa oras na matapos ang misyon namin, babalik na kami sa Kaharian ng Astral" sabi ni Eve.

"Sigurado kaba, Eve? Pananagutan mo sila sa oras ng laban" Tanong naman ni Aquarius.

"Pagdating natin sa isla, iiwan natin sila duon pansamantala at kapag nakuha na natin ang kailangan natin, kasama natin sila sa pagbalik" sagot ni Eve.

"Paano ka naman nakakasigurado na ligtas ang islang pupuntahan natin?" Tanong ni Adeel na kanina pa pala gising.

"Atleast, mas safe kaysa dito sa kinalalagyan nila ngayon. Duon ano mang oras paniguradong may tatakbuhan sila"

"May point si Eve. Sumakay na kayo dito" utos ko naman pero bago pa nila nagawa 'yon ay nabigla kami sa ginawa ni Eve "Expand" at medyo nag-expand ng kaunti ang bangka na sinasakyan namin. Ginising ng dalaga ang mga bata atsaka sila sumakay.

"Kung kaya mo naman palang palakihin ang bangka natin sana ginawa mo ng barko hindi sana tayo dito natulog" nagrereklamong nagising na sabi ni Mari.

"Bawat patak ng Stellar mahalaga. Matuto kang magtiis"

"Tsk. Natitiis mo kaming mga kaibigan mo. Pero pagdating sa taong hindi mo kilala, ang effort mo"

"Nagseselos ka ba?" Papasimula ng pang-iinis ni Eve. Inabot ko nalang kay Adeel ang sagwan at nagsimula na kaming maglayag dahil sa nagkakaroon narin kami ng liwanag na nagmumula sa araw na papaitaas ngayon.

"Anong pangalan niyo? Kahit mga Nameless kayo, paniguradong nabigyan kayo ng mga pangalan" Tanong ko sa dalaga.

"Ako si Lisel, at ang kambal, ang mas matanda na si Nika at si Aika na mas bata" mukhang nakuha niya ang attention ni Eve.

"Ano 'yung sinsabi niyo kaninang tinapon kayo dito sa dagat?"

"Mga kasamahan kami ng mga hunters, pero dahil sa isang iglap itinakwil nila kami" tipid niyang sagot.

"Paniguradong makikilala niyo sila" sabi nung Nika.

"Anong ibig mong sabihin, bata?" Tanong ni Mari.

Light within the Darkness: The Fallen StarWhere stories live. Discover now