Chptr 07: Meet Amrita

78 4 0
                                    

Nawala kaming bigla sa loob ng Zone na kakagawan ni Aries.

"Babalik na ako sa Astral. Mula duon, titignan ko ang kaganapan sa buong mundo. Aquarius, ikaw nalang ang maiwan dito. Kasama ko naman si Cancer" at mistulang nahati ang space at pumasok siya duon at naglaho.

"Tsk, doing whatever she wants" nilingon kami ni Aquarius "Ayun na nga ang nangyari. I'll be in your care" nakangiti niyang sabi.

"Huh?! Nagbibiro ka ba?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Marideeth.

Blake's POV

Mukhang kahit papaano ay naaayos na ang lahat. Pero malaki parin ang problema namin dahil kahit sila Adeel at Mari, hindi kami maintindihan.

Naglakad na ako pabalik sa Orphanage kasama si Aquarius.

"Kailan mo pa napansin na nawawala ang liwanag ng Constellation ni Gemini sa langit?" Tanong niya.

Nilingon ko siya at napansin kong nakatingin siya sa langit na puno ng bituwin.

"Bata palang ang mga Zodiac sa lupa, nagbago na ang liwanag ng Constellation niya. At hindi lang 'yon, lagi akong nakatingin sa langit tuwing gabi, napansin ko ang biglang pagkawala ng liwanag ni Capricorn, but after a month .. bigla 'tong lumiwanag. Mga bagay na hindi ko maintindihan kung paanong nangyayari"

Tumingin ako sa bahay na ngayon ay tinirihan ko. Sa tingin ko naman ay papayag sila na dito manirahan si Aquarius.

Pumasok kami sa loob at halatang nagmamasid masid pa sa loob si Aquarius ng biglang magsalita si Eve out of nowhere "Ilang araw ka palang dito pero may lakas ka na ng loob na mag-uwi ng babae mo"

"Huh? Babae ka diyan. Mukha lang 'yang babae  pero deep deep deep inside, mas matindi pa 'yan sa lalaki" sabi ko naman.

Napansin ko ang hawak niyang Bow at pansin ko na pawis na pawis siya "Saan ka galing? Anong ginagawa mo ng gantong oras?"

"Sa likod, sa kabilang bahay. Nagtetraining ako ng Archery at Martial arts para sa Club Activity namin. Nalibang ako sa oras kaya ngayon lang ako makakapag pahinga" nilingon niya si Aquarius "Kapatid mo?"

"As if! P-pinsan ko lang n-na magtatransfer din sa school natin. B-biglaan 'yung pagdating niya kaya sinundo ko siya"

"Ako si Amrita, sorry sa istorbo" saan mo naman napulot ang pangalan na 'yan?

"Ako si Everette, Eve nalang since nakasanayan narin ng tainga ko. Transfer student ka ba? Walang nababanggit sa'kin si Zion na may new student pala. Anyways, hindi ko mapeprepare ang isang kwarto para sa'yo dahil maraming gamit duon. Kung okay lang--" putol ko kaagad sa kanya.

"O-okay lang na katabi ko muna siyang matulog. Hehe, hindi naman maselan ang pin.san. ko, hehe diba?" At nginitian ko si Aquarius na tumango naman.

"Okay sige. May mga ilang unan at kumot , pati narin comforter sa isang cabinet sa kwarto mo. Matulog na kayo maaga pa tayo bukas" sabi ni Eve na dumiretso sa cr bitbit ang mga damit niya.

Tumango ako at naglakad na kami papunta sa kwarto ko. Dumiretso kaagad ako sa cabinet ko para kunin ang ilang gamit. Nilatag ko ang comforter sa lapag kasama ng ilang unan at kumot.

"Diyan ka na sa kama. Matulog ka na" utos ko kay Aquarius.

"Bakit dito mo naisipan na manuluyan? Ang dami mo pang pwedeng tirhan, bakit dito?"

"Hindi mo ba alam na nasunog ang dapat na bahay na titirhan ko? Kung pinatay mo lang sana 'yung sunog na 'yon, hindi papasok sa isip mo 'yang tanong na 'yan"

"Alam ko. For some reasons, hindi kayang patayin ng tubig ko ang apoy na sumunog sa apartment" seryosong sabi niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"I am watching you from a far--"

"Wala ka talagang tiwala sa'kin, ano"

"Hindi sa  wala akong tiwala. Magaling magtago ng mga Aura ang mga Zodiac na nandirito sa lupa, nakalimutan mo na ba kung paano ka lokohin nila Libra at Pisces?"

"Ah~ pero, paano mo nalaman na Zodiac sila?"

"Thanks to Andromeda, dahil sa Fallen Constellation na 'yon, natunton nila ako"

"P-pati si Andromeda---?" The Constellation of the Princess of Ethiopia or the Chained Lady.

Tumango siya "Hindi ko siya kayang talunin, hindi ko kayang talunin ang mga mga kadena niya. Sa sobrang itim at lakas ng Dark Aura niya, naramdaman 'to nila Libra at Pisces"

"Pero wala siya nang makarating ako duon"

"At that time, pagkarating nilang dalawa siyang pag-alis ni Andromeda--"

"Kaya hindi ka nila pinagkatiwalaan" napapabuntong hininga kong sabi at humiga na ako kahit siya nakaupo lang sa gilid ng kama.

Bigla kong naramdaman ang Aura niyang sobrang linis, sobrang puti. "Kahit naramdaman nila 'to, hindi pa ba sapat 'yon para pagkatiwalaan nila ako?"

"Hindi kasi katiwa-tiwila 'yang mukha mo" at iyon, mula sa harap ng mukha ko ... parang isang isang water falls ang tubig na bumuhos sa mukha ko "Ano ba! Nabasa 'yung higaan ko!"

Maya maya biglang bumukas 'yung pintuan. Sabay namin 'tong nilingon ni Aquarius at si Gil ang nakita namin.

"K-Kuya Blake? .. hmmm" at lumingon lingon siya sa paligid na parang may hinahanap siya. "Bakit hindi ka pa natutulog, Gil?" Tanong ko kaya nakuha ko ang attention niya.

"Nagising lang ako bigla. Sino siya kuya? Girlfriend mo?" B-bakit ba ganito nalang ang mga takbo ng utak ng mga tao dito sa Orphanage?

"Si Amrita, pinsan ko. Amrita, si Gil isa sa mga bata dito sa Orphanage"

"Hello" sabay nilang sabi "Bakit hindi ka pa matulog? Hindi bat may pasok ka pa bukas?" Sabi ni Aquarius.

Tumango si Gil "Goodmornight" at sinarado na niya ang pintuan na kaagad nilock.

"Kung ayaw mong matulog. Magpatulog ka! Pati mga bata  naiistorbo mo" tumayo ako at kunuha ko ang basang basang higaan ko.

"Aano ka?"

"Isasampay ko 'to. Salamat sa isa diyan. Imbis na natutulog na ako, magsasampay pa ako" at naglakad na ako palabas "San ka makakakita, nagsasampay kalagitnaan ng gabi?" Sabi ko na parang may kausap ako.

At iyon nga, kadilimdiliman ng kalangitan--nagsasampay ako. Tsk, pupunta na nga lang dito si Aquarius problema pa ang dala niya.

Sa pagbalik ko ng lingon ko sa Orphanage, si Gil ang sumalubong sa'kin. Nakatayo siya at seryosong nakatingin sa'kin "Kuya Blake, hindi naman siya masamang tao hindi ba?"

Si Aquarius?

Umupo ako at pinantayan siya. Nakita ko ang malulungkot niyang mga mata na puno rin ng takot at pangamba.

Ngumiti ako sa kanya at umiling "Mabuting tao si Ate Amrita mo"

Ngumiti siya at kita ang relieved expression niya.  "Kung sinabi mo kuya magtitiwala ako"

"Hm, kaya tara pumasok na tayo bago pa tayo ubusin ng mga lamok dito"

Hindi talaga katiwa-tiwala ang mukha ng babaeng 'yon. Tsk, pero bakit naman biglang tinanong ni Gil ang tungkol duon?

At kinabukasan ...

"Siya Si Amrita, bago niyong kaklase. Actually, pinsan siya ni Blake. Take care of her" pagpapakilala ng teacher namin.

She really intend to do this? Ha.ha. hindi ko na nga malaman kung school pa ba pinapasukan ko dahil sa laging may gulo dito tas sasama pa 'tong babaeng 'to? Nagbibiro ba kayo?




Tbc ...

Light within the Darkness: The Fallen StarWhere stories live. Discover now