Chptr 24: Her Turn

41 2 0
                                    

Everette's POV

Paglabas ko ng kwarto kung saan ang Round Table para sa Zodiac, nagsimula akong ikutin ang buong Palasyo ng Astral habang ramdam ko ang presensya ni Tarra sa likod ko.

"Eve, pwede bang hanggat maari ... iwasan mo ang makipag-usap o makipagkita man lang kay Ophiuchus"

"Kung iyon ang gusto mo, sige gagawin ko" simpleng sagot ko at nakuha ang attention ko ng isang lugar mula sa kanan ko.

Kung pagmamasdan, halatang garden 'to. Naglakad ako patungo duon habang nakasunod parin sa'kin si Tarra.

Duon sumalubong samin ang isang garden na puno ng mga ibat-ibang halaman at bulaklak. Habang sa itaas, glass ito kung saan kita mo ang liwanag ng kalangitan. Pero kung titignan ang sahig, halatang hindi na 'to ganun naaalagaan dahil sa mga dahon na nakakalat.

Nilingon ko si Tarra. Nakatalikod siya mula sa'kin kaya nilapitan ko siya. Pinagmamasdan niya ang ilang bulaklak na kakaiba ang kulay. Kulay violet ito at lanta.

"Tayong mga Constellation, mahahalintulad din tayo sa halaman. Kapag hindi tayo nakakaramdam ng pagmamahal, kapag hindi tayo napapahalagahan ... namamatay tayo at nahuhulog sa kadiliman. Hindi lang ang pagkawala ng isang mahalagang tao ang nagiging dahilan kung bakit nahuhulog ang Constellation sa dilim ..... iniisip nila, nawala na ang taong nagmamahal sa kanila ng totoo" nilingon niya ako "Eve, hindi ko kayang linisin ang dilim na nasa puso mo .. dahil ako ang rason kung bakit ito naging itim. Pero, h'wag mong kakalimutan na hindi lang ako ang taong nagmamahal sa'yo ng totoo" nakangiti niyang sabi na nagpapa-init ng mga mata ko.

"This time, hayaan mong ikaw ang pasunurin ko sa utos ko" itinaas niya ang kanang kamay niya. Nagsimula siyang magsulat sa hangin, manatili ka sa tabi ko hanggat narito ako sa lupa--ang sinulat niya atsaka niya tinulak papunta sa'kin ang mga salitang 'yon at nawasak.

Sa pagkawasak nuon ay siya ang sumalubong sa'kin ng yakap. Sa pagkalas niya ay hinawakan ko ang halaman na nalalanta.

"Wala akong lakas para tulungan kayo sa paglalakbay na gagawin niyo. Kaya mag-iingat kayo, Everette" sa tuwing binubuo niya ang pagbanggit sa pangalan ko--alam kong nag-aalala siya at seryoso.

Kaya nagpakita ako ng ngiti "H'wag kang mag-alala. Sila ang mag-iingat sa'kin, Rosette" salitang ikinabigla niya pero ngumiti siya.

"Mas mabuti pang magpahinga ka muna para magkaroon ka ng lakas para sa laban. Habang ako naman, babantayan kita" naglakad na kami palabas ng garden.

"Anu ka ba, hindi na ako bata at isa pa .. nakakalimutan mo bang mas matanda ako sa'yo?"

"Ng ilang segundo?" Natatawang sabi niya.

"H-hindi parin nagbabago na mas matanda ako sa'yo"

"Okay okay, Ate Everette~"

"Salaula" at natawa naman siya.

Blake's POV

Sa pag-alis nila Aries, naging tahimik ang round table. Ilang oras din ang lumipas na mistulang ang bawat isa sa amin ay sobrang lalim ng iniisip. Hanggang sa sirain uti ni Ether "Magiging double mission kayo ngayon. Ang unang mission ay hanapin si Crux, habang ang pangalawa naman--" putol ni Aquarius kay Ether.

"Ay ang bantayan si Everette"

Tumango si Ether "H'wag niyong hahayaang mapalapit si Everette kay Ophiuchus. Binabalaan ko kayo, kailangang mahanap niyo kaagad si Crux para maibalik si Sagittarius ng hindi ginagamit ang Stellar ni Everette. Kailangang maibalik niyo siya sa lalong madaling panahon, hanggat naririto ang kaluluwa ng Gemini" at sumang-ayon namaan kaming apat.

Light within the Darkness: The Fallen StarWhere stories live. Discover now