Chptr 22: Intention

41 2 0
                                    

Eve's POV

Nang magising ako, nasa isang kwarto na ako. Puno ng liwanag ang paligid at ramdam ko ang malamig na hangin na nagmumula sa nakabukas na bintana.

"Mabuti at gising ka na, Everette" pamilyar na boses na sumalubong sa pag-upo ko. At isang babae ang nakaupo sa sofa.

Belinda .. hindi, ang totoo niyang pangalan ay Ophiuchus.

"Sinundan mo ba kami hanggang dito? Baka nakakalimutan mong Serpent ka at hindi ka aso?" Seryoso kong tanong sa kanya pero ngumiti siya.

"Kung gusto ko mang wasakin ang Astral, sana matagal ko ng ginawa. Matagal na akong naninirahan dito sa Astral ng walang nakaka-alam"

"Ah, dahil sa mga Fallen Zodiac na nandirito sa Astral"

"Mukhang hindi nga ako nagkamali sa inyo" natatawang sabi niya.

"Ano bang kailangan mo sa'kin at mas pinipili mo pang maging isang aso para lang masundan ako? Hindi ba't gusto mong balutin ang mundo ng Astral at mundo ng mga Mortal ng kadiliman? Bakit hindi mo pa simulan kung gagawin mo rin naman?"


"Malakas nga ako pero, hindi ko kaya ng mag-isa--hindi ko kaya ng wala ang Stellar mo" seryosong sagot niya na nagpaseryoso din sa'kin.

May lumabas na mga ahas mula sa likod niya na mabilis na pumaikot sa katawan ko na parang inaamo ako. "Bego-argh" putol kong sabi ng pumalupot 'to sa bibig ko. Sa sobrang higpit nito pati ang katawan nitong nakapalupot sa leeg ko ay humigpit.

"Oops. Sorry" medyo niluwagan niya naman ang paghawak sa'kin "Makinig ka sa'kin. Wala akong balak na masama .. sa ngayon. Ang kailangan ko lang ay ang attention mo"

Nagbuntong hininga ako at mgumiti siya sabay pinakawalan ako. "Makikinig ako. Pero sa oras na may balakin kang hindi maganda, baka kamatayan mo na ang haharapin mo"

"Kamatayan? Hahah, pero kung sa'yo nga manggagaling 'yan, baka nga katapusan ko na. Pero baka nanakalimutan mong matagal ka ng nahulog sa mga kamay ko?"

"Kung nahulog nga ako sa mga kamay mo, bakit nakatayo parin ako gamit ang sariling mga paa ko?"

"Dahil sa kapatid mo. Dahil kay Tarra" nabigla ako sa sinabi niya. Alam niya rin pala ang tungkol dito.

"May kailangan ka ba sa'kin, Ophiuchus? Ah, ikaw si Belinda sa mundo ng mga Mortal hindi ba?" Biglang paglitaw ni Tarra.

"At speaking of the devil. Hindi ka ba napapagod sa pagiging kaluluwa mo?" Sagot naman ni Ophiuchus.

"Hindi. Bakit ikaw? Hindi ka ba napapagod sa pagiging masama mo? O baka gusto mong tapusin ko na ang paghihirap mo?"

"Tarra, umalis ka na muna" utos ko naman dahil ayaw kong magsimula ng gulo.

"Pero Eve--" putol ko.

"Umalis ka na muna" may pwersang pagtaboy ko sa kanya at naglaho siya. "Paano mo nalaman ang tungkol kay Tarra?"

"Wala kang maitatago sa'kin, Everette. Hindi ka ba nalulungkot sa pagkawala ni Tarra? Si Everette siguro hindi siya nalulungkot pero ... si Esta, paniguradong nananabik sa kakambal niya" hindi ako nagpatinag sa mga pang-aakit niya hanggang sa tumayo siya.

"Sundan mo ako. May gusto akong ipakita sa'yo na paniguradong ikabibigla mo"

Sinudan ko siya para masagot ang mga katanungan sa isipan ko. Hindi nagtagal ay pumasok siya sa isang kwarto. Bumungad sa'kin ang napakadilim na Aura na nagmumula sa mga Fallen Zodiac. Kila Virgo at Taurus na tuluyang nahulog sa mga kamay ni Ophiuchus. Mga nakakadena ang mga kamay at paa nila na sa pakiramdam ko ay pumipigil ng Stellar nila. Mga walang malay sila kaya wala akong takot ng lumapit ako sa kanila. Sinubukan kong hawakan ang kadena pero, may kuryente na nagtaboy sa'kin dito.

Light within the Darkness: The Fallen StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon