Chpter 31: If ..

31 1 0
                                    

Sa haba ng biyahe namin, may ilang oras na para sa pahinga namin at sa pagkain namin. Lalo na't naudlot ang pagkain namin sa mga isda na dapat nahuli namin kanina kung hindi lang dahil sa pambubulabog ng mga hunters.

At pagdating ng umaga ay nakarating narin kami sa Palasyo ng Astral. Kung saan naghihintay duon sila Aries at ang mga bata na kaagad sinalubong ng yakap si Eve. "Mabuti at ligtas kayong nakabalik" sabi ni Aries.

"Para namang hindi nasaksihan ang buong pangyayari" bulong ko naman na panigradong narinig niya dahil tumingin siya sa'kin "Oo, at hindi lang 'yon dahil pati ang pagseselos ng isang tao nasaksihan ko rin" pagsisimula niya.

Nagsimula akong maglakad papasok sa loob dahil paniguradong mapagkakaisahan kami "Hala~ may umiiwas~" pagsama pa ni Mari.

"Hays, nagseselos ako sa inyo, dahil napakacarefree niyo" sabi ko naman at huminto ako sa may pintuan para hintayin sila.

"Aries, kung alam mo na ang buong nangyari sa paglalakbay namin--ang ibig sabihin wala ng rason para ipaliwanag namin ang lahat at kung bakit kasama namin ang apat na Constellation dito sa Palasyo ng Astral" pagsira sa katuwaan ni Eve.

Tumango si Aries "Si Lisel, Ervin at ang kambal, si Nika at Aika. Tama ba?" pagtango ng apat. 

"Welcome kayo dito sa Palasyo. Gayun din ikaw, Crux" nakangiting sabi ni Aries.

Napansin ko ang paglingon ni Aries kay Eve "Alam ko na rin ang tungkol sa tunay mong pangalan, Esta" 

Binalikan ng tingin ni Eve si Aries "Hindi ba't matagal mo ng alam 'yon unang tapak ko palang dito sa Astral?"

"Naninigurado lang" pagseseryoso ni Aries.

"Ano bang ginagawa niyo dito sa labas? bakit hindi kayo pumasok, paniguradong mga pagod kayo" sabi ni Ether na naglalakad ngayon papalapit kila Aries na nagmula sa loob.

"Mabuti pa nga" mahinang sabi naman ni Aquarius at nagsimula na kaming maglakad papasok sa loob. 

"Pagkatapos niyong magpahinga magkita-kita tayo sa Round Table" sabi ni Aries at humiwalay na siya sa'min.

"Dadalhin ko muna ang mga Constellation sa kwarto ng mga bata" sunod naman ni Eve 

"Sasamahan ko naman si Crux sa kwarto niya, dahil panigurado pagod pa siya" habol pa ni Tarra at kasama ang mga bata ay naglakad sila papunta sa ibang direction.

"Kayong apat, gusto ko kayong makausap. Sumunod kayo sa'kin" sabi ni Ether at wala kaming nagawa kung hindi ang sundan siya.

Sinundan namin siya, at nararamdaman kong sa kwarto niya kami niya dadalhin. At hindi nga ako nagkamali, ito ang dating kwarto niya.

"Ano bang kailangan nating pag-usapan? Hindi ba't nakita mo na naman ang buong nangyari?" Seryosong sabi ni Aquarius at umupo kami sa isang table.

"Hindi natin pag-uusapan kung alin ang nakita ko, ang pag-uusapan natin kung alin ang hindi niyo nakita" seryosong sabi din ni Ether dahilan para mapatahimik kami.

"Tama, may mga bagay kayong hindi nasaksihan kahit nanduon kayo mismo sa pinangyarihan" dugtong niya pa.

"Bakit hindi mo pa kami diretsuhin? Masyado mong pinapahaba ang usap" sabi pa ni Aquarius.

Ngumiti naman si Ether na parang nagustuhan niya pa ang reaction ni Aquarius sa kanya "Kahit kayo na nanduon, Aquarius at Libra .. kahit kayo ay hindi niyo alam na nagpasa ulit ng Light Aura si Everette"

Light within the Darkness: The Fallen StarWhere stories live. Discover now