Chptr 08: Lyra

57 5 0
                                    

Ako lang ba ang nakakaramdam nito? Ang lilinis ng mga Aura nila pero ... bakit parang ang dilim? He.he.

"Tumigil nga kayong dalawa! Hindi ako makapagconcentrate!" Huhu pigil ko kila Aquarius at kay Mari.

"Hump! Bakit ka ba kasi nagtransfer dito? Gusto mo nanaman ba ng gulo?" Sabi ni Mari kay Aquarius na hindi ako pinansin.

"Hindi naman malaking gulo ang habol ko. Parang gusto ko lang batukan ang isang tao para magising na siya sa katotohanan"

"Huh? So naghahamon ka nga?" At kahit malinis ang Aura ng dalawang Zodiac na 'to, mas malala pa sila ngayon sa mga Fallen Zodiac na parang gusto na talaga  nilang katayin ang isat-isa.

"Sinusubukan mo ba ako?" At tumayo si Aquarius na mistulang gusto niya talagang tanggapin ang hamon ni Mari.

Nilingon ko si Adeel na nasa gilid lang at walang paki-alam sa nangyayari "Oy~ Adeel, wala ka bang balak na pigilan sila? Baka bumaha sa buong mundo kapag wala tayong ginawa~" kalmado ko paring sabi kahit na anu mang segundo pwedeng magsimula ang isang giyera.

"Connect to Zo--" putol nilang sabi ng magsalita si Eve.

"Ayaw kong may damputin dito kaya kung ano man ang binabalak niyong gulo h'wag niyo ng ituloy dahil ayaw  kong dumanak ang dugo dito" at naka-p.e uniform siya habang may hawak na isang manipis na espada.

Fencing?

"Ah~ here she comes. Tinatakot mo ba 'ko?"  At lumipat naman ang init ng ulo ni Mari kay Eve.

Ha.ha. di ko na alam ang gagawin ko sa mga 'to.

"Bakit natatakot ka ba? Heh. Baka nakakalimutan mo kung sino ang nasa harap mo?" Kahit ang Student Council President at Disciplinary Committee President gusto magsimula ng gulo ... heh.

"Tsk. Wala akong panahon ngayong makipagtalo sa'yo ngayon. As a President ng Student Council, pinapasabi sa'yo ni Mr. Zion na hanggat maaari ay ayusin mo na ang case na isang linggo ng nagpapahirap sa'tin. Marami pa akong gagawin, unlike sa mga care free student na walang magawa sa vacant time" at umalis na si Eve sa room namin.

"Anong case ang sinasabi niya?" Tanong ko.

"Ah, about sa storage room sa 4th floor. Mukhang may naninirahan duon but every time na pupunta kami duon--tanging nadadatnan lang namin ay ang mga kalat. Mga balat ng pagkain at ilang damit"

"Damit?" Pagtataka ni Aquarius.

"Hm, damit na pambata"

"Because of that---- nagsimula ang rumor na may multong bata dito sa School" dugtong ni Adeel.

"Hindi kaya--" putol ni Mari kay Aquarius.

"Hm, Constellation din ang pumasok sa isip ko"

"Nakaramdam ba kayo ng Aura?" Tanong ko naman pero umiling sila parehas.

"Gusto niyo bang tignan mamaya, after class?" Nakangiting tanong ni Mari.

"If you insist, why not diba?" Sagot ni Aquarius.

I hope na sana matapos na ang gulong 'to ..

At matapos nga ang ilang oras naming paghihintay ay handa na kami para tignan ang storage room. Hinintay muna naming makauwi ang lahat ng estudyante para makasiguro kami na walang makakakita sa gagawin namin.

"Alam ba ni Everette ang gagawin natin? Nagpaalam ka ba, Marideeth?" Tanong ni Adeel.

"Hindi mo ba nakita ang nangyari kanina? Pinasa niya sa'kin ang gawain na alam kong ina-sign sa kanya ni Zion"

"Nakakasigurado ba kayong hindi Constellation si Eve?" Tanong ko reason para tignan nila akong tatlo.

"Huh? Anong sinasabi mong Constellation si Eve? Nasasabi mo lang 'yan dahil sa position niya bilang Disciplinary Committee" sagot ni Mari at nagsimula ulit kami sa paglalakad.

"P-pero sa totoo lang, I once doubt her" sabi ni Adeel kahit nakatalikod siya sa'min "Remember the time na sinabi ko sa'yo na magiging safe ka kung sa kanila manunuluyan, dahil that time akala ko isa siyang Constellation na may Light Aura pero nagkamali ako ng sinubukan kong pumasok sa Zone na kasama siya pero nabigo ako" dugtong niya.

"Sa sinasabi mo parang alam mo na na Zodiac si Blake nung unang beses mo siyang makita" nakangisi na sabi ni Aquarius.

"Nope. Nalaman ko lang na Zodiac siya ng pumasok sila sa Zone ni Circinus"

"Same here~ naging careless ng maglabas ka ng Aura mo kaya nacurius ako kung saan ang nagmumula 'yon, and that time parang nanunuod ako ng live movie" sabat ni Mari.

"So mamamatay na ako sa kamay ni Circinus habang kayong dalawa nanunuod lang?!"

"As if namang mamamatay ka sa kamay ng Constellation na 'yon. Baka nakakalimutan mo ang Brightest Star mo" isang malakas na ability ng mga Constellation .. pero at the same time, malakas na Stellar ang kailangan para ma-cast to.

"May paraan ba para linisin ang Dark Aura nila?" Tanong ni Aquarius.

"Kung mayroon man---hindi ko alam kung ano 'yon" sagot ni Mari.

"P-pero bakit hindi ata nagrerebelde si Circinus?" Tanong ko naman.

"Napansin mo rin pala. Parang naging malinis ang Aura niya kahit kitang kita na Dark Aura ang nasa puso niya" sagot ni Adeel.

"Nandito na tayo. Save that talk after we finish our business" sabi ni Mari.

"You mean your business? Nakalimutan mo bang sasamahan ka lang namin, Ms. President" halatang nang-iinis na sabi ni Aquarius.

"Huh? Then dont ever blame me if you get hurt dahil hindi kita responsibilidad"

"Of course I am your responsibility, Ms. President. Pero h'wag kang mag-alala, hindi ko kailangan ng proteksiyon mo. Ikaw ang h'wag magpapabigat"

Narinig ko naman ang buntong hininga ni Adeel at siya na mismo ang nagbukas ng pintuan.

Sa pagbukas namin bumungad sa'min ang isang himig.

"H-h'wag niyong pakinggan ang boses! M-makakatulog kayo!" Sabi ni Columba na bigla nalang lumitaw sa gilid namin.

"L-Lyra?" Sabi ni Aquarius habang nakatingin sa isang batang babae na may hawak na lyre. At ang Aura na pumapalibot sa kanya, napakadilim nito.

"3 weeks ago, nang simula siyang manirahan dito. Isang normal na bata lang siya bago mamatay ang mga magulang niya at duon nagsimula na maging itim ang Aura niya" paliwanag ni Columba.

"Bakit hindi mo sinabi kaagad?" Tanong ni Aquarius.

"Dahil hindi pa ako sigurado nang mga panahon na 'yon"

Napansin namin na mas lumakas pa ang tunog na nagmumula kay Lyra dahilan para takpan namin ang tainga namin.

May binuo namang tubig si Aquarius na bumalot sa'min at nagmistulang barrier para ma-less ang sounds na naririnig namin.

Gamit din ang tubig ay sinubukang atakihin ni   Mari si Lyra pero, sa isang sound waves nagtulak ang tubig niya. Kaya this time gamit ang gravity ay sinubukan itulak pababa ni Adeel si Lyra pero kahit ito ay nablock ng sound waves na nagmumula sa kanya.

"So paano na'tin matatalo si Lyra kung hindi epekto ang bawat ataki natin sa kanya?"

"Hindi ko rin alam .." halatang walang pag-asang sagot ni Columba.

Kailangan na talaga na mabuo ang Zodiac ..



Tbc ... :)

Light within the Darkness: The Fallen StarWhere stories live. Discover now