Chptr 12: Hydrus

64 4 0
                                    

Ever since that day, hindi na kami sabay na pumapasok. But still, walang nagbago sa pagsasama namin. May mga oras na mahirap siyang lapitan pero may mga oras na nakakausap namin siya. Lalo na nila Mari ..

"Anong balak mo sa kanila? .. " tanong ni Mari kay Eve.

Nandito kami ngayon sa office para bantayan sila Andromeda at Lyre habang si Eve, napadaan lang dahil may inabot siyang file kay Chairman.

"Bakit mo sa'kin hahanapin ang sagot, hindi ba't trabaho niyo 'yan, mga Zodiac?" Halatang nang-iinis niyang sagot.

"Heh! Sino ba kasing nagsabi na kailangan namin ng tulong ng half fallen constellation? Tsk! Bumalik ka na nga lang sa klase mo. Wala kang natutulong!" Bakit ang hilig sa away ng mga Constellation na 'to?

"Actually natulungan niya tayo. Kung hindi dahil sa kanya, baka napatay na natin sila Lyre at Andromeda" sabi ng Chairman.

"See? Pati ang sarili mong kapatid sumasang-ayon sa'kin"

"Everette, sino ka ba talaga? Kahit sa mga normal na Constellation hindi ko mahanap ang Stellar Magic mo" tanong ni Adeel pagkasarado ng librong nakalapag sa lamesa.

"Matagal na 'kong nawalan ng pangalan" seryoso niyang sabi na nagpatahimik ng buong kwarto.

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong na bigla nalang lumabas sa mga labi ko.

"Kabilang na ako ngayon sa Fallen Constellation. Kailangan ko pa ba ng pangalan?" Nakangiting sabi niya.

"H-hindi ka naman kabilang sa mga Nameless, hindi ba?" Tanong ni Aquarius.

"Kakasama ko lang sa grupo nila" hindi nawala ang mga ngiti niya at naglakad siya palabas ng pintuan "Pero sa tingin ko mali ako, isa na nga akong Nameless pero .. hindi ko rin matatawag na isa akong Constellation o kahit na isang Nameless na bituin .. dahil normally, walang Constellation o normal na bituin ang hindi nakakapasok ng Zone. In my case, kailangan ko pang gamitin ang Stellar ko para lang makapasok ako ng sapilitan. And one last ting, suppose to be ang mga bituin dapat nasa kalangitan .. hindi nandito sa lupa" dugtong niya bago siya tuluyang umalis sa tahimik na kwarto.

"Nagiging itim ang isang Aura dahil sa hatred na nabubuo sa puso ng isang Constellation o kahit na sa isang normal na tao" boses ni Andromeda na bigla nalang nagsalita kahit nakatali ang mga kamay at paa niya "Nabuo ang puot sa puso ko simula ng nalaman ko na niloloko lang kami ng tatay ko, dahil sa kanya naghirap kami. Hindi ko namalayan ang pagbabago ng kulay ng Aura na mayroon ako. At wala sa isip ko ang pag-iwan ko sa nanay ko pero dahil sa natitirang pagmamahal ko sa kanya na nagsisilbing liwanag ko, binalikan ko siya pero ... huli na ako dahil namatay siya"

Nilingon kami ni Andromeda "Kung ano man ang nangyari sa nakaraan niya, panigurado may isang taong makakatulong sa inyo para baguhin ang Aura ni Everette"

"Wait, hindi ba namin pwedeng gawin sa kanya 'yung ginawa niyang paraan para sa inyong dalawa?" Tanong ni Chairman na nagpataka sa dalawa.

"Binigyan niya kayo ng Light Aura dahilan para mabago ang Aura niyo" dugtong ko.

"Hm, binigyan niya kami pero .. hindi lang 'yon ang ginawa niya base sa pagkakatanda ko. Kung mapapansin niyo napapasunod niya ang maraming bagay, miski ang Zone hindi siya mapigilan sa pagpasok niya dahil sa mga salitang sinasambit niya. Nang mga oras na sinasalin niya ang Light Aura niya sa'min, inuutusan niya kaming bumalik sa pagiging normal na Constellation namin. Maging ang Dark Aura, hindi siya napigilan. Hindi natin kaya ang Stellar na mayroon siya, kaya imposible na magawa natin sa kanya ang ginawa niya sa'min" sabi ni Andromeda.

"Kailangan niyong hanapin ang taong nagbibigay ng liwanag sa kanya. Kung mahahanap niyo siya, paniguradong mawawala ang poot na nasa puso niya" sagot ni Lyre.

"P-pero hindi bat sa Orphanage na siya nakatira? Kaya paano?" Tanong ni Adeel.

"Wait, Zion" paglingon ni Mari kay Zion na nabigla pa "Ang kilala nating Everette ay masayahin at palangiti. Oo, masayahin parin siya ngayon at palangiti pero-- parang may kulang"

"Kung aalalahanin ko ang nakaraan, nakakasigurado akong ang pwede lang na maging dahilan nito ay ang pagkamatay ng mga magulang niya" dugtong ni Zion.

"A-anong ikinamatay ng mga magulang niya?" Curious kong tanong.

"Namatay ang nanay niya dahil sa saksak, habang ang tatay niya, walang makitang rason kung paano siya namatay" seryosong sagot ni Mari.

"Ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito" napapabuntong hininga na sabi ni Adeel.

"Nahuli ba ang pumatay sumaksak sa kanila?" Tanong ni Aquarius pero umiling si Chairman "Walang may alam kung sino ang pumatay sa nanay niya. Kahit isang clue, walang nahanap ang mga pulis"

"Posibleng 'yon ang rason kung bakit naging itim ang Aura na mayroon siya. Pero, kung wala na siyang pamilya ... sino ang nagbibigay ng liwanag sa kanya para manatili ang kalahating Aura niya na malinis?" Tanong ni Lyre.

"Hindi kaya dahil sa bago niyang pamilya sa Orphanage?" Tanong ko naman.

"Posible ring hindi niya makalimutan ang nakaraan dahilan para manatili ang poot na nasa puso niya" dugtong ni Aquarius.

"Marideeth? May problema ba?" Tanong ng Chairman dahil halatang sobrang lalim ng iniisip niya.

"Parang may mali eh. Parang may kulang. Nararamdaman ko 'to pero ... bakit hindi ko maalala. At ang isa pa, ang babaeng nagpakita sa'tin sa storage room. Parang alam niya ang mga nangyayari about kay Everette. Pamilyar ang mukha niya pero-- hindi ko maalala kung sino siya" bakas sa mukha niya na litong lito na siya sa mga nangyayari.

Hindi lang siya. Kaming mga Constellation na naririto ngayon, lahat ng katanungan sa mga isipan namin ... hindi namin mabigyan ng sagot. At isang tao lang ang makakatulong sa'min ... si Everette.

"Argh!" Rinig naming sabay na inda ni Aquarius at Mari. Parehas silang napahawak sa dibdib nila at bumagsak. "M-Marideeth??! A-anong nangyayari? Amrita!" Natatarantang tanong ni Chairman habang tinitignan ang dalawa.

Sa pagkalapit namin sa kanila, parehas naninikip ang dibdib nilang dalawa. Kaagad akong tumakbo sa bintana, walang dudang nagmumula 'to sa malakas na ulan. Tumingin ako sa school ground, may isang batang lalaki ang nakatayo duon. At hindi ako nagkakamali sa nakikita kong nakapalibot sa katawan niya na isang water snake.

"Si Hydrus" Constellation of the Lesser Water Snake.

"AARGH!!!" nagpagising sa'kin na sigaw ng dalawa.

"Leo!, tanggalin mo kami sa pagkakatali, ako na ang bahala sa kanilang dalawa" sabi naman ni Lyre.

"M-mapagkakatiwalaan ka ba namin?" Tanong ni Adeel.

"Kung mapagkakatiwalaan niyo ba ako o hindi--hindi na mahalaga 'yon, ang mahalaga mailigtas ang dalawang Zodiac dahil kung hindi .. ano mang oras pwede silang mamatay!" Halatang desperadang sagot ni Lyre

Tinanggal ni Leo sa pagkakatali si Lyre at Andromeda. Lumabas ang instrument ni Lyre at narinig namin ang napakagandang tinig niya. Tinig niya na nagpapagaan sa mabigat na nararamdaman ni Mari at Aquarius pero bakas na nawalan sila ng malay dahil sa sobrang sakit nito.

"Hindi matatapos ang pagdudusa nila hanggat hindi naglalaho ang ulan ni Hydrus. At hindi lang 'yon, dahil baka lumubog din sa baha ang building na tinatapakan niyo. Mas mabuti pang pumasok na kayo sa Zone, magiging spectator naman ako" ang sabi ni Eve na nasa pintuan habang may isang ngiti na parang nag-eenjoy pa siya sa mga nangyayari.

Biro lang ba sa kanya ang lahat ng 'to?



Tbc ...

Light within the Darkness: The Fallen StarTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang