Chptr 43: The Return

39 3 0
                                    

Bakas sa mukha ni Ophiuchus na sobrang nalilito at hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ni Eve.

"H-h-hindi--hindi totoo ang mga sinasabi mo. Matagal ng patay si Bea .. !"

"Ito na ang chance ko" bulong ni Eve at naramdaman namin ang Stellar niya dahilan para unti-unting mabalot ng yelo ang katawan niya "Pakinganggan mo ang boses ko at inuutusan kitang bigyan ako ng permisong gumamit ng Stellar sa isla mo" mahinang dugtong niya at biglang nawasak ang mga yelo  na kanina lang nakabalot sa katawan niya.

Kahit ang Isla, walang nagawa para pigilan siya.

Nawala ang attention ko sa kanya ng biglang marinig ko ang pagkabasag ng barrier ko. Sa paglingon namin si Ophiuchus ang bumungad sa'min. Halos kalahati na ng katawan niya ay balot na sa yelo. Mabilis na lumitaw mula sa mga kamay niya ang mga ahas na handa na sanang umataki sa'min ng "Sword" at ang ribbon na binatak niya mula sa buhok niya ay biglang naging espada na humiwa sa mga ahas ni Ophiuchus sabay sipa nito sa tiyan dahilan para tumilampon si Ophiuchus.

"May estudyante lang akong tuturuan ng tamang asal" at bigla siyang sumugod kay Ophiuchus na mabilis ding nakatayo at sumugod pasalubong kay Eve.

Narinig ko ang pagtawa ni Mari "Hahaha, hayaan natin ang Disciplinary Committee ang mag disiplina sa former Student Council Secretary"

Former? Nabanggit nila sa'min na estudyante din sa school na'yon si Ophiuchus bilang si Belinda pero ngayon ko lang nalaman na may rank pala siya duon.

"Magiging okay lang ba si Eve?" Tanong ko nang masaksihan ng dawalang mata ko ang pag-iwas ni Eve sa napakaraming ahas ni Ophiuchus na patuloy lang sa pag-ataki habang sumasalubong siya kay Eve.

Lumitaw mula sa palad ni Ophiuchus ang mga  palupot na ahas na nagbalat at naging espada "Oras na para magising ka sa katotohanan, Ophiuchus"

Nagtama ang mga espada nila at pilit tinutulak ang isat-isa. "May nakakalimutan ka atang napaka-importanteng bagay?" Nakangising tanong ni Ophiuchus na nagpataka kay Eve.

Anong binabalak niya ...

"Kapag nawala ako. Hindi lang ang Stellar mo ang maglalaho kung hindi pati rin ang kakambal mo" dugtong ni Ophiuchus dahilan para mawala sa diretsong pag-iisip si Eve at mabilis siyang natulak palayo.

Nanatiling nakatayo si Eve hindi kalayuan kay Ophiuchus matapos siyang matulak nito. Ibinababa niya ang kamay niya na parang handa na siyang sumuko sa laban.

Handa na akong tumakbo ng iharang ni Tarra ang kamay niya "Matagal na kaming handa sa mga mangyayari, Scoprio" nakangiti pero puno ng lungkot na sabi niya.

"Tarra .. "

Sa pagbalik ko ng tingin sa dalawa, saktong pagsugod ni Ophiuchus kay Eve. Pero bago pa man tumama ang espada ni Ophiuchus ay mabilis na hinawi pakanan ni Eve ang espada niya dahilan para matulak niya 'to.

Hindi ko mabasa kung ano ngayon ang tumatakbo ngayon sa isip mo ... kahit ang emosyon na dapat nakikita at nababasa ko sa mukha mo .. hindi ko makita.

"Kahit anong piliin ko, may mawawala at mawawala parin sa'kin. Kahit piliin kong hindi ka patayin, hindi rin mababago na iiwan din ako ni Tarra. Belinda, hindi ko gustong magsisi ka sa bandang huli dahil sa daan na tinahak mo. At the same time, hindi rin kita masisisi dahil alam ko ang pagmamahal na nararamdaman mo para kay Bea. Tayong dalawa ... tayong mga nakakatandang kapatid nila-- tayo ang pumili ng daan na nagpapahirap sa kanila. Hindi ko gustong maranasan mo ang nararanasan ko ngayon. Ako, kailangan kong tanggapin na matagal ng patay si Tarra pero ikaw ... nandiyan pa siya at matagal ng naghihintay sa pagbabalik ni Belinda, Ophiuchus" sabi ni Eve habang patuloy siya sa pagsagi ng espada ni Ophiuchus hanggang sa tuluyan niya 'tong naalis sa kamay niya.

"Hindi masamang magpakaselfish para sa taong mahal natin .. dahil ganito tayo magmahal bilang isang Zodiac at bilang isang mortal at magmahal bilang isang kapatid .." nakangiti at duon ko nakita ang nagluluhang mga mata ni Eve. Ngunit hindi lang si Eve, dahil maging ang mga mata ni Ophiuchus ay nagluluha "Mamuhay ka sa mundong maliwanag para maprotektahan mo siya laban sa dilim. 'Yan ang mission nating mga bituin. Hindi mahalaga kung isa kang Zodiac o hindi, hindi mahalaga kung isa kang Nameless or Known, at hindi mahalaga kung nasa Astral ka o wala .. ang mahalaga nabubuhay tayo para bigyan ng liwanag ang mga taong mahalaga sa'tin" ang sabi ni Eve matapos niyang yakapin si Ophiuchus.

"Bumalik ka na sa'min, sa kapatid mo .. kay Beatrice ... Ophiuchus" dugtong niya kasabay ng pagtulo ng luha ni Ophiuchus.

Matapos ng isang katahimikan, biglang bumagsak ang dalawa sa lupa. Lumapit kami sa kanila at wala kaming itim na Aurang nararamdaman mula sa kanila.

Kaya mo ba talagang magpatuloy bilang isang Disciplinary Committee kung napakalambot ng puso mo in reality?

Ophiuchus's POV

"Ate .. " nakangiting pagtawag Bea. Sa muling paglingon ko sa kanya .. puro dugo na ang katawan niya dahilan para madilat ko ang mga mata ko at bumungad sa'kin si Bea na nag-aalala habang hawak ang mga kamay ko.

"B-Bea .. " hindi makapaniwalang sabi ko ng marealized kong buhay nga talaga siya.

Naramdaman ko ang maiinit niyang yakap. "Hm, matagal akong naghintay sa pagbabalik mo. M-masaya akong maramdaman muli ang mga yakap mo" umiiyak niyang sabi.

"All this time akala ko wala na-- n
a huli na ang lahat-- na wala na akong Bea na mayayakap ng katulad nito"

"Sinapo ni papa ang lahat ng impact para mabuhay kami ni mama pero naiipit si mama reason para hindi siya makaalis sa pwesto niya. Nung una wala na akong balak na umalis sa tabi nilang dalawa. Niyakap ko si mama pero naramdaman ko ang kamay ni papa na pilit akong inaabot. Sa pagkalas ko kay mama isang ngiti ang nakita ko mula sa kanilang dalawa. Ngiting nagsasabi na kailangan kong mabuhay para sa'yo. Naramdaman ko nalang ang pagtulak ni mama sa'kin palabas ng sasakyan, kasabay nito ang pagsabog dahil sa gas truck. Nagising nalang akong maraming taon na ang lumipas. Sa pagbalik ko sa bahay ... hindi na kita nadatnan. Pero sa pagbalik ko sa normal kong buhay, nakita kita sa school pero hindi ikaw na si Belinda ang nakita ko kung hindi si Ophiuchus. Natakot ako at naghintay sa pagbalik mo hanggang nalaman ko ang pagbukas ng Dimension ... nalaman ko rin ang tungkol sa mga Zodiac at Constellation. Mula sa malayo pinagmasdan kita .. naghintay ako hanggang isang araw-- lumapit sa'kin si Everette" kumalas siya sa pagkakayap sa'kin at nakita ko ang mga ngiti niya na nagpaalala sa'kin kila mama at papa kasabay ng mahinang pagtawa niya "Ang alam ko ako ang nagmamasid sa inyo pero hindi ako naging aware sa pagmamasid sa'kin ni Everette, haha. Wala akong nagawa kung hindi ikuwento sa kanya ang mga nangyari--" putol ko sa kanya.

"Matalino si Eve, alam niyang ikaw ang susi para mabalik ako sa dati"

"Ehem, ayaw ko mang sirain ang reunion niyo pero kailangan. 13th Zodiac, Serpent Bearer .. Ophiuchus, kailangan ka namin para sa pagsara ng Dimension" sabi ni Everette na nakatayo sa pintuan with a cross arm kasama ang mga 11 pang Zodiac na nakangiti ng totoo samin.

13th Zodiac .. napakarami kong pagkakamali, from the start, narecognised na nila ako bilang isang Zodiac.


Tbc ..

Light within the Darkness: The Fallen StarWhere stories live. Discover now