Chptr 17: Tarra

44 3 0
                                    

"Gil, magsibalik na tayo sa loob" mahinahon na pag-aya ni Eve sa mga bata.

"Sandali Everette! Wala ka man lang bang balak na magpaliwanag sa'min?! Sa tingin mo ba hindi kami naguguluhan sa mga nangyayari?! Bakit kailangan mong itago sa'min ang mga Constellation?! Bakit kailangan mong itago ang Zodiac?!" Sunod sunod na tanong ni Mari na nagpatigil kila Eve.

"Bakit kung nalaman niyo ba, may magbabago ba? Mababago ba ang tadhana ng mga batang 'to? Mababago ba ang tadhana ni Gil? Kung alin nalang ang nakita niyo, bakit hindi nalang iyon ang paniwalaan niyo, katulad ng gawain ng mga Mortal?"

"Everette, alam mo na matagal na naming hinahanap ang mga member ng Zodiac para matapos na ang mga kalokohang ginagawa ni Ophiuchus. Sana man lang nakipagcooperate ka at sinabi sa'min ang totoong katauhan ni Gil--ang pagiging Zodiac niya" sabi naman ni Aquarius.

"Kahit sabihin ko, walang magbabago. Hindi na mabubuo ang Zodiac kaya itigil niyo nalang 'to. Ang talunin si Ophiuchus nalang ang tanging paraan para matapos 'to"

"Sige papaniwalaan namin ang sinasabi mo kung bibigyan mo kami ng rason kung bakit sinasabi mo na patay na ang Gemini--na pinatay mo sila!" Hindi na 'to ang katulad na biruang away nila Mari .... kung hihilingin ko .. kahit araw-araw na maganap ang inisan na 'yon sa paligid ko ... mas pipiliin ko na 'yon, kaysa sa mga nangyayari ngayon.

"Huminahon nga kayong dalawa. Walang mangyayari kung idadaan niyo lang sa kulo ng dugo 'to" pag-awat naman ni Adeel.

"W-walang kasalanan si Ate Eve" biglang sabi ni Gil.

"Niligtas niya kami nung panahon na nahulog kami sa  dilim. Siya ang nagsilbing liwanag namin para makabalik. Kaya wala siyang kasalanan! Walang kasalanan si Ate Eve! Kung nandito man kami ngayon, kung nakakausap niyo kami ngayon at kung nabubuhay kami ngayon .... si Ate Eve ang dahilan! Kung wala si Ate Eve  ....  wala rin kami dito ngayon! Kaya h'wag niyong sisihin si Ate Eve sa nangyayari!" Dugtong ni Gil. Bakas sa mga nagluluha niyang mga mata ang pagmamahal niya kay Eve.

Umupo si Eve para mapantayan si Gil. Duon pinunasan niya ang mga luhang pumapatak sa mga mata ni Gil.

"Bakit hindi muna kayo pumasok dito sa loob at dito kayo mag-usap ng maayos?" Ang sabi ni Lolo na nasa pintuan.

"Mabuti pa nga. Kaysa dito tayo nagsisigawan" sabi ko naman.

Tumayo si Eve at kasabay ng mga bata, pumasok sila sa loob na sinundan namin. Umupo kami sa sofa habang ang mga bata ay pinapasok na namin sa loob ng kwarto maliban kay Gil na nagpumilit na manatili kasama si Eve.

Dumating si Eve na may hawak na tray na may mga tubig. Inilapag niya ang mga baso sa lamesa at umupo.

"Ngayon, pwede mo na bang ipaliwanag ang nangyayari? Kung ano ang sinasabi mong ikaw mismo ang pumatay kay Gemini?" Nagtitimpi na tanong ni Mari.

Nilingon ako ni Eve "Natatandaan mo pa ba nuong unang nabawasan ang liwanag ng bituin ng Gemini sa langit? June 19, xx38, 10:01 ng gabi ... araw at oras na pinatay ko ang Gemini"

Narinig namin ang pagkabasag ng basong hawak ni Mari "A-anong iniisip mo at pinatay mo siya .. anong rason mo "

"Rason? ... ano nga bang reason ko para patayin siya?" Nalilitong tanong ni Eve.

"A-Ate, June 19 ... hindi ba 'yun ang araw na pinatay ang pamilya mo? .. " mahinang tanong ni Gil na nagpataka sa'min.

"H'wag mo sabihing ang Gemini ang pumatay sa pamilya mo? .. " tanong ko naman.

Light within the Darkness: The Fallen StarWhere stories live. Discover now