Chptr 05: Unknown Aura's

80 5 0
                                    

Natapos ang buong hapon hindi ko nakikita si Circinus kahit si Eve. Sinubukan kong puntahan si Circinus sa room niya pero kasama niya daw si Eve. Wala din ang bike ni Eve ng makarating ako sa parking lot ng school.

Palabas na ako ng gate ng school ng matanaw ko hindi kalayuan si Eve na nakatayo sa ilalim ng puno kung saan nakasandal ang bike niya.

"Saan ka galing?" Tanong ko pagkalapit ko. Inabot niya sa'kin 'yung bike "Namiss mo ko?" Biro niya.

Tumawa siya pero sumakay nalang ako "May inasikaso lang ako. Bakit mo natanong?" At umangkas na siya.

"Kasama si Cir-- I mean 'yung 4-B na babae?" Shaks! Madudulas pa ko eh.

"Kilala mo siya?" Mukha namang hindi siya seryoso sa sinasabi niya. "Hmm? Girlfriend mo?" Dugtong niyang biro. Pero ang biro niya, hindi mo marecognize as a biro dahil sa serious expresion ng mukha niya.

"Hindi ko nga kilala paano ko magiging girlfriend?"

"Masyado kang defensive. Haha, hindi ba pwedeng girl na friend ang ibig kong sabihin?" Biro niya parin.

Paliko ko na 'yung manubela ng magsalita siya "Iliko mo sa kanan" without any hesitation bigla ko nalang siyang sinunod ng walang tanong-tanong.

"Aano tayo dito?"

"Convenience Store" tipid niyang sagot. Nang matanaw ko ang lugar ay huminto na kami. Bumaba siya at kaagad na pumasok. Inayos ko saglit ko 'yung bike at sumunod din kaagad sa kanya pero nasa counter na siya. "Anong binili mo?"

"Pasalubong sa mga bata" nakangisi niyang sabi. Inabot niya na ang bayad tsaka naglakad na kami palabas.

Mabait talaga siya sa mga bata ..

Sumakay na ko sa bike pero bago pa siya makasakay ay nagring ang phone niya "Mareedeth?"

Maya maya nilingon ako ni Eve "Cellphone number mo?" Tanong niya.

"0**********" ito nanaman ako. Walang pag-aalangan na sumusunod sa kanya. 

"Kaklase mo hindi mo alam ang cellphone number. Ibababa ko na 'to. Istorbo ka" binaba nga niya at binalik ang phone sa bulsa niya.

"Mukhang close na close kayo ni Mari?" Sabi ko pagka-angkas niya.

"Obvious ba?"

"Hm, nabanggit din sa'kin ni Mari na sabay-sabay kayong lumaki ng Chairman"

"Hindi talaga matikom ang bibig ng babaeng 'yon"

Naramdaman ko ang cellphone ko sa bulsa sa left side ng polo ko. Binitawan ko ang kanang manubela at sinagot ang unregistered number. "Oh, gusto kong sabihin na parang inaabangan mo ang tawag ko"  boses ni Mari.

"Sinabi mo na" sagot ko. Nabigla ako sa kamay na humawak sa phone, I mean sa kamay ko na nakahawak sa phone "Ako na ang maghahawak, hawakan mo na ang manobela" sabi ni Eve.

"Magkasama parin kayo hanggang ngayon? Nagdedate ba kayo?" At naiimagine ko, nakangiti si Mari ngayon.

"Huh? Saan ka nakakita ng nagdedate ang punta sa Convenience Store?"

"Hahaha! You are really interesting. But anyway, hindi naman ako tumawag para lang dito. Gusto kong malaman kung may kilala kang Belinda .. " pagseseryoso ng boses niya.

B-Belinda?  ... hindi ko maintindihan 'tong ngilabot na nararamdaman ko.

"Hindi ako pamilyar. Bakit mo natanong?"

Light within the Darkness: The Fallen StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon