Chptr 04: Second Day

108 6 0
                                    

"Nahanap mo na ba yung pinapahanap ko?" Rinig kong boses ni Eve mula sa kusina.

"Nope pa" sagot ng isang napakalambot na boses ng babae.

"Wala. Sa tingin ko imposible na mahanap natin ang lugar na 'yon" dugtong niya pa.

"I guess imposible nga kahit sa'ting dalawa . Pero may isang tao ang makakatulong sa'tin kung direction lang naman ang kailangan natin" boses ni Eve.

"You mean 'yung babae sa 4-B?" Sabi ng isang boses.

"Yup"

"Pero minsan ka ng muntik masaktan ng dahil sa kanya, nakalimutan mo na ba?" Sabi pa ng lalaki.

Liliko na sana ako papunta sa kusina para tignan sila Eve pero may batang lalaki ang biglang lumabas sa isang kwarto.

Nag-iinat siya at halatang kagigising niya. "Hm? K-Kuya sino ka? ... " tanong niya habang pakusot kusot pa siya ng mata.

Yumuko ako para pantayan siya "Kuya Blake, 'yun nalang ang itawag mo sa'kin. Ang aga pa, bakit hindi ka muna matulog?"

"Hm, B-bago ka palang ba dito kuya Blake?" Tumango ako at naghikab siya.

"Ako si Giles, hmm, kuya gisingin niyo nalang ako ulit ha" hindi niya na hinintay ang sasabihin ko at pumasok na ulit siya sa kwarto.

4 palang ng umaga, hindi na ko magtataka kung madilim pa ang paligid pero bakit ang aga atang gumising nila Eve?

Nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang kusina pero si Eve lang ang nadatnan ko at wala siyang kasama.

"Maaga ka na?" sabi niya habang nagluluto siya.

"Nasanay lang ako na ganito gumising. Nagluluto ka na para sa mga bata? Ang akala ko ba ako ang magluluto?"

Ngumiti siya "Mukang mataas ang confidence mo sa skill mo sa pagluluto. Haha, mamayang gabi, ikaw na ang magluluto"

"O-okay sige. Ihahanda ko nalang 'yung mga plato" at nagsimula na akong kumuha ng mga plato, baso at mga kutsara saka tinidor ayon sa bilang ng mga upuan. "Ikaw palang ba ang gising?" Tanong ko.

"Oo, since hindi ko rin naayos 'yung alarm ng phone ko--maaga ako nagising"

"Pero parang kanina may narinig akong boses ng isang babae na kausap mo dito sa kusina"

"Aruy, baka may naririnig ka na hindi ko naririnig ah" biro niya sa seryoso kong tanong. Pero nakisakay nalang din ako sa tawa niya.

Siguro naalimpungatan pa 'ko kanina ..

Tinulungan ko nalang siyang iprepare ang mga pagkain at ng ilang gamit ng mga bata at kasabay narin ng paghahanda namin. Pero dahil mas maaga ang pasok namin, maaga kaming nag-ayos kahit hindi pa mga gising ang mga bata.

"Gil! Gising na kayo~ malelate na kayo" pagpunta ni Eve sa kwarto ng mga bata habang nagsusuklay.

Ako naman nagsusuot na ng polo at kinuha ko 'yung gamit ko.

"Lo, papasok na po kami. May Opening Ceremony po since monday ngayon. H'wag niyo pong hahayaan na malate ang mga bata. Alis na po kami ni Blake!" At kumuha siya ng dalawang slice ng tinapay at kaagad inabot sa'kin 'yung slice at sinubo ko naman kaagad habang siya mabilis na nagsuot ng sapatos at lumabas na. Sumunod din naman ako kaagad.

"Sigurado kang magtitinapay ka lang?" Tanong ko sa kanya kasi y'know, mortal siya ako .. hindi, pagdating sa gutom 'di ako naapektuhan.

Lumapit siya sa isang bike. "Sanay ka namang magbike diba? Ikaw ang naka-assign sa pagmamanubela since naka-skirt ako. Ngayun ko lang 'to magagamit kaya be thankful at ikaw ang unang makakapagmaneho" nakangiting sabi niya at tinapik-tapik niya 'yung upuan.

Napabuntong hininga akong lumapit sa kanya at umupo sa bike. Nagbike-ride naman siya. May upuan kaya mukhang komportable naman siya.

Nagsimula akong pumadyak at naramdaman ko na ang hangin na sumasalubong sa'min. "Hindi ka ba sanay na tinapay lang ang breakfast mo?" Tanong niya at sa tingin ko ay kumakain siya dahil sa hindi ko gaanong maintindihan na salita niya.

Inalis ko na rin 'yung isang kamay sa manubela para tanggalin ang tinapay sa bibig ko. "Nasanay na siguro sikmura ko dahil madalas tinapay lang ang almusal ko. Ikaw ba?" Pagbalik ko ng tanong.

"Nope. Kaya after ng Ceremony, diretso ako sa canteen. May Club Activity pa ko kaya kailangan ko talaga ng lakas"

As expected, pero di ko maimagine na ganto ang Disciplinary Committee President ^_^'

Pagkadating namin sa school, nagpark ako at naghiwalay na kami. Dumiretso ako sa locker room para iwan duon ang mga ilang gamit ko at iniwan ko lang sa bag ko ang mga kailangan ko para sa ngayong araw.

Pagkasara ko ng pinto ay nabigla ako sa babaeng katabi ko. "M-Mareedeth?"

"Mari nalang. Ako ang nahihirapan sa'yo" napapaface palm niya nalang na sabe.

"M-Mari, a-anong ginagawa mo dito?"

"Hindi mo ba alam? Everytime na lumalagpas ng 7:00, umiikot kaming mga Student Council para papuntahin ang mga estudyante sa open auditorium" at nagsimula na siyang maglakad at nilagpasan niya na ako "Hindi naman aabutin ng isang oras ang open ceremony kaya bilisan mo na. Pumunta ka na sa open auditorium bago pa ang Disciplinary Committee ang dumampot sa'yo, sigi ka isang Demon Princess ang babatak sa'yo" si Eve kaagad ang pumasok sa isip ko.

Tahimik ko lang siyang sinundan hanggang sa makarating kami sa audtorium kung saan nanduon na ang ilang estudyante.

"Bakit ngayon ka lang?" Bungad ni Adeel.

"Naligaw ang munting pusa, h'wag ka ng magdaldal diyan umaakyat na si Zion" sabi ni Mari.

"Hindi mo talaga marecognize as Chairman ng school na 'to ang kuya mo"

"Nope, never hanggat hindi nawawala ang katamaran sa katawan ng napakabait kong kapatid" naglakad din siya papunta sa stage. Tumabi siya kay Chairman na nagsimula ng magsalita.

Nagsimula ang ceremony pero may isang Dark Aura akong naramdaman hindi kalayuan sa lugar ko.

Nang tignan ko 'to, si Eve ang nakita ko, kasama niya si Circinus at naglalakad sila palabas sa mga nagkukumpulan na tao.

D-Dark Aura? Circinus ..

"Blake?" Tanong ni Adeel na nilingon din ang tinitignan ko "Nakagawa nanaman ba ng kababalaghan ang 4-B na 'yon?" Dugtong niya.

"Bakit madalas ba siyang tawagin ng Disciplinary Committee?"

"Mas sobra pa sa madalas. Araw-araw ata sinusundo siya ni Everette pero, alam mo bang first day palang ni Ms. 4-B dito sa school kaagad na siyang inabangan ni Everette sa gate. Hindi kaya madilim ang background information ni Ms. 4-B?" Tanong niya sa sarili niya na nagpagulo lalo sa isip ko.

Sa di ko malaman na dahilan, puro negative na reason ang naiisip ko ..

Tbc ... :)

Light within the Darkness: The Fallen StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon