Chptr 18: Realization

44 3 0
                                    

EVERETTE'S POV

Patuloy na tumutulo ang mga luha ko. Hindi ako makapag-isip ng diretso dahil sa dugong nakikita ko.

"N-nababaliw ka na ba?!" Sigaw ko sa kanya kahit hindi na ako makapag-isip ng maayos.

"Ako nababaliw? Haha! Nagpapatawa ka ba?! Siya ang dahilan ng lahat ng to! Kung hindi dahil sa kanya, wala sanang halimaw na nakatayo sa harap ko!" nabigla ako ng sakalin niya ako.

"Hindi kita kilala ... hindi ka parte ng pamilya .. " tanging nasasabi ko dahil sa inis hanggang sa napansin ko ang pagbabago ng hawak niya sa kutsilyo niya na pasaksak sa'kin pero hindi ito tumama sa'kin. Dumadami na ang dugong nakikita ko na lalong nagpapagulo ng isip ko "Hindi kita kilala. Wala akong kilalang miyembro ng pamilya na demonyo, sana mamatay ka na"

Tama lang ang naging desisyon ko .. tama lang ang sinabi ko ... hindi na tao ang kaharap ko, mas matindi pa siya sa demonyo.

Dahil duon ay bigla akong nagising. Bumungad sa'kin ang kisame. Wala sa loob ko ang pagtingin ko sa mga palad ko ... na para bang naghahanap ako ng dugo.

Ako nalang ang natitirang buhay sa pamilya namin .. at ang nakakatuwa pa duon, walang nakakaalam na ako ang pumatay sa kanila. Ha.ha.ha

"Ano ba 'tong iniisip ko"

"Everette .." boses ng isang babae ang nagmula sa gilid ko.  Si Tarra. Umupo ako at hinarap siya.

"Anong ginagawa mo ng ganitong oras? Kauma-umaga, naglalakbay ka"

"Everette, hindi ba oras na para sabihin mo sa kanila ang lahat? Matagal na silang naghihintay ng sagot mula sa'yo, lalo na si Marideeth"

Ngumiti ako sa kanya "Kahit naman sabihin ko walang magbabago. Hindi mababago ang nakaraan at hinaharap. Kaya h'wag nalang" pero ang totoo, hindi ko lang talaga alam kung paano ko 'to sasabihin sa kanila lalo na kay Marideeth.

Nawala ako sa pag-iisip kong 'yun ng naramdaman ko ang yakap niya "Hindi ka nawalan ng pamilya ... nandiyan sila, bilang bago mong pamilya Everette. Pamilyang hindi ka sasaktan at iiwan" nakangiting sabi niya na nagpaluha sa'kin.

"Bakit kami--ako, hindi mo ba ako pamilya?! All this time nasa tabi mo kami! All this time pwede mo kaming lapitan pero all this time wala kang ginawa kung hindi ang dumistansya sa'min .. please, itigil mo na 'to. Itigil mo na ang pagsasarili ng mga problema mo. Handa akong tulungan kang bitbitin ang bigat na nararamdaman mo ... kaya please, sandalan mo ulit ako"

Masyado akong nabulag dahil sa mga nangyari .. dahilan para hindi ko kayo makita, kayo na laging nasa tabi ko. Ang tanga ko ..

"Napagdesisyunan naming dalhin sa Astral ang mga bata. Kasama si Gil. Alam ko masyado kaming nagmamadali sa pagdedesisyon pero--" putol ko sa kanya.

"Hm, naiintindihan ko. Sa tingin ko hindi na magiging Orphanage itong bahay dahil panigurado ... mapupuno 'to ng mga maiingay na Constellation" nagpipigil kong tawa na sagot. "Mas mabuti na rin 'to para makasigurado tayo na ligtas nga sila"

Nilingon ko si Tarra "Sa tingin mo ba matatapos ang gulong nangyayari sa dalawang mundo?"

Ngumiti siya sa'kin na nagpagulo ng isipan ko. "Nagtitiwala ako na maayos din ang lahat. Dahil nandito ka at buhay ... Everette"

Hindi ko alam pero, nawawala ang bigat sa dibdib ko. Naglaho siya kaya naman naghanda na ako para lumabas ng kwarto para lang datnan ang mga Zodiac na sobrang ingay at gugulo.

Like the usual, sila Marideeth at Amrita, nagtatalo nanaman habang binabawalan naman sila ni Adeel at si Blake na napapabuntong hininga nalang.

Nakuha ko ang attention ni Marideeth na  kaagad umiwas ng tingin at itinigil ang pang-iinis kay Amrita.

"Mabuti at tumahik ka? Hindi ako makapagpahinga ng dahil sa kaingayan niyo" kunwaring masungit kong sabi para inisin si Marideeth.

"Kasalanan ba naming biniyayaan kami ng bibig? Tsk, kasalanan 'yan ng senses mo" pabulong niyang sabi. Hindi katulad ng dati, hindi niya ako tinitignan sa mga mata ko "W-wala ka bang naalala--" putol ko sa kanya.

"Wala. Mukhang nawalan ako ng malay bago pa magsink in sa utak ko ang mga nangyari kahapon" naglakad ako papunta sa kusina at kumuha ng kape pero may inabot si lolo. Inabot niya sa'kin 'to ng may mga ngiting kakaiba. Ngumiti ako sa kanya bago ko siya iwan sa kusina para balikan ang mga Zodiac "Huh? Sa hinaba haba ng sinabi ko kagabi wala karin palang maalala?" Bungad ni Marideeth sa'kin.

Ito ang kilala kong Marideeth .. 

"Bakit may dapat ba akong alalahanin?" At nagsmile lang ako na nagpagigil sa kanya.

"Aaaagh! Nakakapanggigil ka---! Sarap mong tirisin---!" At napapansin ko na ang tubig sa mga kamay niya na sa tingin ko ay ... mali na ha.ha.ha.

"Manahimik ka at umupo ka nalang" utos ko naman sa kanya na ikinabigla niya dahil hindi siya makapagsalita pagkaupo niya. Miski makagalaw hindi niya magawa.

"Pati ba naman ikaw Eve, makikisama pa sa gulong 'to?" Bulong ni Blake na sigurado ako sa mga sinabi niya.

"That cant be help. Disciplinary Committee siya, and the worst thing is ... President siya" sabi naman ni Adeel.

"Hmmmm hmhmhnmhnm hnmnhnmmmnhnmhhn!!!!" Pagwawala naman ni Marideeth na hindi makapagsalita.

"Manahimik ka nga diyan" pagbawal naman ni Amrita.

Napakahopeless ng mga Zodiac na 'to.

"Release" at iyon, malaya na ulit si Marideeth.

"But still wala siyang karapatan dahil wala tayo sa school. Duh~"

"Eh nasan ka ba ngayon?" Nakapilosopong ngiting tanong ko sa kanya pero ngumiti lang din siya "Nasa Orphanage. Bakit sa'yo ba nakapangalan ang lupa na kinatitirikan ng bahay na 'to?"

"Sa kanya nga" sagot ni lolo na ikinabigla ko.

Huminga ako ng malalim. Siguro nasa 9ft, charot. "I guess kailangan niyo ring malaman na ang Orphanage na 'to ay ang dating bahay na tinirhan ng pamilya ko. The time na walang wala  na ako ... mga oras na mag-isa nalang ako, dumating si Lolo para tulungan ako"

"Makalipas ng tatlong buwan tinanong ko siya kung pwede ko ng bilhin ang lupang 'to pero hindi parin siya pumayag. Hindi siya pumayag pero .. hinayaan niya akong magtayo ng Orphanage sa lupang nakapangalan na sa kanya" napapangiting sabi ni Lolo.

"Hindi ko kayang mawala ang mga ala-ala nila sa'kin kaya ito nalang ang napili kong desisyon. Kung iniisip niyo na ang bahay na 'to ang bahay namin dati ... nagkakamali kayo .. dahil ang totoo, nasa second floor tayo. May isang floor pa sa baba nito, at iyon ang dating bahay" hindi ko kinaya ang katahimikan na binigay nila sa'kin kaya naman tumayo ako "Mas mabuti pang maghanda na tayo sa pagpunta natin sa Astral para ihatid ang mga bata. Ako na ang bahala sa pagsundo sa kanila sa school. Ako na rin ang bahalang kumausap sa mga teacher nila kaya kung wala narin kayong gagawin, magreview muna kayo dahil sayang din ang oras kung kung ano-ano lang ang gagawin niyo"

"Wait Eve, sasamahan na kita" sabi ni Blake.

"Sigurado ka? Bakit hindi ka nalang magreview?"

"Wala ka bang tiwala sa kakayahan ko?" At ngumisi siya.

"S-sasama narin ako" dugtong pa ni Marideeth pero umiling ako at naglakad papunta sa kanya. Bago ko pa siya lagpasan "Salamat .. " salitang lumabas nalang sa bibig ko na ikinatahimik niya pero ngumiti parin ako.

Salamat talaga ..


Tbc ...

Light within the Darkness: The Fallen Starजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें