Chptr 06: Three Stars

71 5 0
                                    

Nagsimula akong tumakbo at sinundan ang Aura na nararamdaman ko. "Hindi ako pamilyar sa Aura na 'to" ang sabi ni Columba.

Maya maya sunod sunod na pagsabog ang narinig mamin hindi kalayuan. At habang papalapit kami ng papalapit, napapansin ko ang tubig na sumasalubong sa paa ko. T-Tubig? ..

Adeel's POV

"Hindi niyo ba ako naiintindihan? Kung hindi mabubuo ang Zodiac, mawawasak ang mundo" ang sabi ng isang babae. May tubig na umiikot sa katawan niya.

"Sino ka ba? Isa ka rin ba sa mga Fallen Constellation?" Tanong ko dahil miski si Marideeth, naguguluhan sa nangyayari.

"Ako si Aquarius, hindi niyo ba ako naaalala, Libra" nilingon niya ako at bakas sa mga mata niya na seryoso siya sa sinasabi niya "Pili lang ang napili ni Ethereal na Zodiac na magpoprotekta sa Kaharian ng Astral. At kabilang kayo sa mga Zodiac na ipinadala dito sa lupa para sa panandaliang kapayapaan. Binuhay kayo sa ibang katauhan at kaisipan, Pisces" paglingon niya naman kay Marideeth na lalo pang nagpabigla sa'min.

P-paano niya nalaman ang totoong pangalan namin? .. totoo ba ang sinasabi niya na talagang siya si Aquarius?

Nawala ang mga tanong sa isip ko ng may tubig na lumitaw sa katawan ni Marideeth. "Prove it, na pwede kaming magtiwala sa mga sinasabi mo"

"Bakit hindi .. " nakangiting sabi ni Aquarius.

Nagsalubong ang mga tubig nila na sa sobrang lakas ng impact ay kala mo may tsunami na nabuo mula sa pagitan nila. Bago pa man kami taaman ni Marideeth, ginamit ko ang Gravity para itulak 'to pabalik kay Aquarius.

Pero gamit ang tubig, nagsilbi itong barrier na nagprotekta sa kanya. "Hindi niyo pa ba nakikilala si Scorpio?" Pagtataka niya.

"Huh? Sa tingin mo may katulad mo na lalapit sa'min at magpapakilala siya sa isang strangers bilang isang Zodiac?" Sagot ni Marideeth.

For some reason, hehe bakit parang ang laki ng galit nilang dalawa sa isat-isa?

"Hm, hindi kaya bata palang kayo bumalik na ang ala-ala niyo?" Nakangiting sagot parin ni Aquarius.

"So anong kinalaman mo sa pagbalik ng ala-ala namin?"

"Dahil isa ako sa parte ng mga ala-ala niyo. With the whole Zodiac, kaya nating talunin kahit na anong kadiliman. Tayo ang nagbibigay liwanag sa mundong kinatatayuan natin ngayon" at naging seryoso siya.

"Kung tayo ang nagbibigay liwanag sa madilim na kalangitan. Bakit naisipan ni Ethereal na buhayin kami sa ibang katauhan?" Tanong ko naman.

"Para maramdaman ng buong mundo ang kapayapaan at sa tingin ko, hindi lang 'yun ang reason niya. Pero mukhang nagkamali duon si Ethereal" pagbulong niya sa huling salita.

"Hindi mukhang, dahil nagkamali talaga siya sa decision niya. Kung akala niya magiging payapa ang dalawang mundo kung paghihiwa-hiwalayin niya ang mga Zodiac, nagkakamali siya. Tayo bilang mga Zodiac na nakatira sa Astral, wala tayong nararamdaman, hindi tayo naapektuhan sa mga paligid natin. Hindi nagbabago ang pananaw natin sa isang bagay--" putol sa'kin ni Blake na lumitaw out of nowhere. Sa tabi niya ay isang Columba.

"Hindi katulad ng mga tao na nagbabago bago ang emosyon at pananaw. At sa ganuong buhay binuhay ni Ethereal ang mga Zodiac. Kaya ngayon, hindi niyo maisip kung anong katauhan ang susundin niyo--kayong bilang isang Zodiac o kayo bilang isang normal na tao" lumapit siya sa'min at seryoso kaming tinignan "Sa tingin ko hindi nagkamali si Ethereal sa decision niya"

"Pero kung hindi niya ginawa 'to, hindi sana nabuhay ang mga Fallen Constellation" dugtong ni Marideeth.

Tumango si Aquarius "Kaya tayo bilang na mataas na uri ng Constellation, tayo lang ang makakapigil sa pagdilim ng mundo"

"Wala na tayong oras. Kung titignan ang kalangitan, nawawalan na ng liwanag ang ilang Constellation. Kapag nagpatuloy 'to, wala ng magbibigay ng liwanag sa mundo at mawawasak 'to" ang sabi pa ng isang boses.

"A-Aries? Bakit nandito kayong dalawa? Sinong nasa Astral?" Halos mataranta ng tanong ni Blake.

"H'wag kang mag-alala, nasa Astral parin si Cancer para magbantay sa Astral. At ang isa pa, kung nakita na natin si Pisces at Libra, tatlong Constellation nalang ang natitira" sagot ni Aries.

"Pero ang isang masamang balita, wala silang mga malay dahil sa isang lason na nasa katawan nila, at ang isa pa---" putol ni Blake kay Aquarius.

"Akala ko ba isa lang" bulong niya.

"Manahimik ka nalang diyan. Isang Zodiac lang ang makakagawa nito. May marka sila na tanging siya lang ang makakagawa"

"Mabuti pang sumama na kayo sa'min para si Ethereal na ang bahalang magpaliwanag sa inyo" dugtong ni Libra.

"Hindi kami sasama" walang pag-dadalawang isip kong sagot na halatang inaasahan na ni Marideeth. "Ipagpapatuloy namin ang buhay na pinili sa'min ni Ethereal"

"Hindi niyo ba ako naiintindihan? Anong buhay pa ang ipagpapatuloy niyo kung wala na ang mundong tinatapakan niyo?" Halatang naiinis na sabi ni Aries.

"Anong buhay nga ba ang pinili para sa'min ni Ethereal? Buhay bilang isang mortal o buhay bilang isang Zodiac sa mundo ng mga mortal?" Sabi ni Marideeth.

"Hindi namin kayo katulad na lumaki--hindi, na binuhay sa bagong katauhan kaya hindi niyo kami naiintindihan" dugtong ko dahil gusto kong maintindihan nila kami pero mukhang walang paraan para duon.

"Ibang-iba ang pakiramdam namin ngayon compared sa pakiramdam namin nuon. Kung dati, wala lang sa'min ang mga nangyayari dito sa mundo ng mga mortal ngayon nakakaramdam na kami ng lungkot, takot, kahit ang galit. Kaya sa tingin ko, imposible na makabalik kami sa dati naming buhay. Sana naisip niyo ang pinagkaiba ng dalawang mundo bago kayo pumunta dito. " sabi pa ni Marideeth.

"Wala ba kayong balak na protektahan ang mga mortal?" Tanong ni Aquarius.

"Poprotektahan namin sila sa paraang alam namin. Sapat na siguro 'yang sagot? Tara na Adeel, nagsasayang lang tayo ng oras dito"

Tumango ako pero bago kami maglakad paalis ay nilingon ko silang tatlo "Subukan niyo ulit kaming lapitan sa oras na kasama niyo na ang lahat ng member ng Zodiac, baka sakaling magbago pa ang isip namin. 'Yun ay kung magbabago nga ang isip namin" at tumalikod na kami sa kanila ng magsalita si Blake.

"Madalas ba kayong nakatingin sa langit tuwing gabi? Kung madalas, nakakasigurado ako na mapapansin niyo ang isa pang Constellation na biglang nawala ang liwanag. Ang Constellation na 'yon, ay isa sa mga Zodiac--- ang Constellation ng Gemini" lumapit siya sa'kin at hinawakan ako sa balikat ko "Kung pati siya maaapektuhan katulad ng isang Fallen Zodiac na pinagmulan ng mga 'to, wala na tayong magagawa para iligtas ang mundong 'to"

"In the first place, 12 lang ang Zodiac, and recently may nadagdag-- The Serpent Bearer na si Ophiuchus" sabi ni Aries

"Sa ating labing dalawa, kaya nating isara ang isang Dimension na naglalabas ng mga Negatives Aura at bigyan ng liwanag ang mga Fallen Constellation at ang mundo pero kung mawawala ang isa sa'tin, wala ng paraan para maligtas ang mundo ng mga Mortal maging ang mga Constellation na nahulog sa dilim"

Hindi ko alam pero, sana maintindihan nila kami na gusto rin naming protektahan ang bagong mundong kinalakihan namin.

Tbc ...

Light within the Darkness: The Fallen StarOù les histoires vivent. Découvrez maintenant