Chptr 15: Group Study Prt 2

47 3 0
                                    

And night comes, "Sorry po sa istorbo" sabi nila Mari at Adeel pagkasalubong nila kay Lolo sa sala.

"Okay lang. Minsan lang din kami magkaroon ng bisita dito sa bahay. Nabanggit na 'to sa'kin ni Blake at maaga nilang hinanda ang hapunan para sa  mga bata. Osige na magsimula na kayo para marami kayong mapag-aralan" sabi naman ni Lolo.

"Thank you po!"

"Tara sa kwarto ko" sabi ni Aquarius at sinundan na nila kaming dalawa.

Pagkadating namin kaagad pumasok si Mari mukhang para i-judge ang kwarto ni Aquarius "Normal. Masyadong normal" diba .. tama ako.

"Bakit nag-eexpect ka ba na makakakita ka ng kwartong maraming manika sa paligid? H'wag mo 'kong gawing bata. H'wag mo akong itulad sa'yo, 'no" hehe, mali ata ang decision na mag-overnight para sa pagrereview na magkasama 'tong dalawang 'to.

"Okay tama na. Nandito tayo para magreiview. At sumama ako dito para may matutunan hindi para maging referee" napansin ko ang pagkabigla nilang dalawa. Duon ko naramdaman ang Stellar Magic ni Adeel na nagpapabigat sa dalawa dahilan para hindi sila makagalaw.

Hindi nagtagal naglaho 'to at nakahinga sila ng maluwag "P-papatayin mo ba kami?" Kulang nalang sumigaw na tanong ni Mari habang si Aquarius naman ay napapahawak nalang sa leeg niya.

"Kung wala kayong gagawing hindi maganda, baka makalabas pa kayo ng buhay dito" wa, nakakatakot si Adeel.

"Bago mangyari 'yon, baka patay na kayong apat" biglang sulpot naman ni Eve sa pintuan.

"Everette" nangingisi na sabi ni Mari.

"Hindi niyo 'to bahay. Kung gusto niyong mag-away, pumasok kayo sa Zone. Hindi battle field ang Orphanage. Well, bago pa kayo makapanira ng gamit dito, baka sira na 'yang mga mukha niyo"  lumapit si Gil sa kanya.

"Bakit nandito ang mga classmate niyo, Kuya Blake?"

"Panigurado magrereview sila for the midterm. Hayaan mo na sila. H'wag kang papasok dito baka kainin ka nilang buhay" biro naman ni Eve.

"Ate naman ih, h'wag ka ngang magbiro ng ganyan. Nakakahiya sa kasama nila Kuya Blake"

"Heh, buti pa 'yung bata marunong mahiya" sabi naman ni Mari.

Mukang kailangan nga atang pumasok na kami sa Zone bago pa may maganap dito >_<

"Tsk. Bahala na kayo diyan. Magpapractice pa ako since hindi ko na kailangang magreview. Wish you all the best, GOOD.LUCK." at ano 'yung kindat at ngiti na 'yon? Ha.ha., pwede na kaming maglaga ng itlog sa kumukulong dugo ni Mari.

"Kaya niyo 'yan! .." pagcheer sa'min ni Gil at sumunod na siya kay Eve.

"Ilabas niyo na ang notes niyo, bago pa magwala ang dragon" dagdag pa ni Aquarius dahil sa inis na inis na mukha ngayon ni Mari.

"Enter na ba tayo sa Zone?" Biro ko naman.

"Saang subject ba kayo nahihirapan?" Biglang tanong ni Adeel.

"Math" sabay naming sagot ni Mari.

"Ikaw Amrita?" Tanong ni Adeel kay Aquarius.

"Math ... " bulong niya.

"Kapalaran ba talaga nating mga Zodiac ang pagiging mahina sa Math?" Bulong na natatawa ni Adeel.

"Pero kung alam natin ang formula sa bawat given, madali nalang 'yon kaso .... sa sobrang daming formula, halos nalilito na ako" sagot ko naman.

Light within the Darkness: The Fallen StarWhere stories live. Discover now