Chptr 34: Darkness

27 1 0
                                    

"E-Eve ... " mahinang tawag ni Tarra. Bakas sa kanya ang pag-aalala.

Pero isang arrow ang sumalubong sa kanya na bigla namang nahulog sa lapag bago pa man 'to tumama kay Tarra. Kagagawan 'to ni Adeel, pinabigat niya ang gravity sa harap ni Tarra dahilan para bumagsak 'to.

May isang arrow pa ang biglang umataki at muli namang pinigilan ni Adeel.

Mula sa dilim, may isang bata ang lumapit sa liwanag. May hawak siyang arrow.

"S-sino ka?" Tanong na kaagad na lumabas sa bibig ko.

"Stellar 'to ni Eve. Inutusan niya ang isa sa mga statwa dito" sagot ni Tarra.

"Bakit niya 'to ginagawa?" Mahinang tanong ni Aquarius.

"H-h'wag niyong sabihing nahulog na siya?" Pag-aalala ni Mari.

"May liwanag pa sa Aura niya" sagot naman ni Crux at nabigla ako ng tumakbo siya papunta sa lugar ni Eve na ngayon ay nagtatago sa dilim. Kaagad naman akong tumakbo sa harap ni Eve at tinutukan ng knife si Crux.

"A-ano-- ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Blake? .. !" Sabi ni Mari na nabigla sa ginawa ko.

Pero iyon lang ang paraan ko para mapigilan si Crux. Binatak ko siya pagtalon ko pabalik kila Mari bago pa kami tamaan ng mga arrow.

"Anong dahilan at pinigilan mo si Crux?" Tanong ni Aquarius.

"Mamamatay si Crux kapag nilinis niya ang Aura ni Eve, 'yun ang inutos niya sa puso ni Crux" sagot ko naman.

"Posible bang utusan niyang mamatay ang isang tao?" Tanong ni Adeel.

"Walang imposible sa Stellar ni Eve" sagot ni Tarra.

"Sa ganitong paraan ba namatay ang tatay niyo? Unknown ang ikininamatay ni tito, na parang sa isang iglap huminto sa pagtibok ang puso niya" seryosong tanong ni Mari.

Narinig naman namin ang pagbuntong hininga ni Tarra "Si Eve ang pumatay kay Papa, dahil pinatay ni Papa si Mama dahil sa sobrang depression simula ng kumalat sa buong lugar namin ang tungkol sa kakayahan ni Eve. Hindi niya kinayanan ang usap-usapan sa buong lugar at wala sa isip na pinatay si Mama na sinisisi niyang dahilan kung bakit nabubuhay kaming dalawa. At nuong araw na 'yon, nasaksihan ni Eve ang buong pangyayari dahilan para sa kanya matuon ang attention ni papa--"

"Kung hindi ka nangialam paniguradong buhay ka pa sana ngayon" seryoso pero may mababang boses na dugtong ni Eve.

"Pero kung hindi ako ang tumanggap ng saksak na 'yon, paniguradong ikaw ang nasa kalagayan ko ngayon. Itigil mo na 'to, sinakripisyo ko ang buhay ko para mabuhay ka. Hindi ko gustong mabaliwala lang 'to"

"Hindi mo ba magagawang i-release si Crux sa Stellar ni Eve, Tarra?" Tanong ni Aquarius.

"Hindi. Bakit niya ba 'to ginagawa .. "

"Dahil natatakot siya na iwan mo siya" sagot ko kahit ang mga attention ko ay nakatuon kay Eve na halos hindi ko makita ang mukha dahil sa dilim.

"A-anong--" putol ko sa kanya.

"Narinig niya ang pag-uusap niyo ni Crux tungkol sa pag-alis mo sa oras na matapos ang gulo sa dalawang mundo. At hindi niya gusto na mangyari 'yon kaya niya ginagawa 'to"

"Pero Eve, kailangan mong tanggapin na hindi habang buhay kasama mo ako. Matagal na akong patay--"

"At ako ang dahilan kung bakit. Kaya hayaan mong mabuhay ka sa Stellar ko"  paglabas ni Eve, kumikinang ang mga mata niya ng tamaan ito ng liwanag dahil sa pagluluha ng mga 'to.

Light within the Darkness: The Fallen StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon