Chptr 29: Esta

35 1 0
                                    

"Ginawa ko lang naman 'yon dahil sobrang nag-aalala na si Blake kay Everette!" Paggawa naman ng excuse ni Marideeth kay Amrita.

"O-oh, b-bat nasama ako sa kalokohan niyo?" Medyo natataranta pang tanong ni Blake.

"Mukhang may kailangan ka atang ipaliwanag, Blake" pang-aasar pa ni Adeel.

"For sure ginagawa mo lang reason 'yan" pagbabalik ni Amrita kay Marideeth.

Nakakalimutan na ata nila ako?

Pero, gusto ko silang protektahan.

Sa paglabas namin sa Zone, nakuha ni Ervin ang attention ni Marideeth ng lapitan ni Nika sila Ervin. "Si-sino siya?"

"Si Ervin, kapatid ng kambal" pagpapaliwanag ni Lisel habang naglalakad kami habang ang si Crux naman ay nakahiga sa mistulang ulap na kagagawan ng familiar ni  Aries. At ang Familiar ni Aries ang sinusundan namin para makalabas kami dito.

"Boyfriend mo?" Diretsong tanong ni Aquarius  kay Lisel with a poker face.

"H-hindi! P-pinsan ko siya"

Hinayaan ko nalang muna silang mag-usap-usap sa unahan ko. Pinakiramdaman ko ang Aura na nasa loob ko, ang dating 50% na Light Aura ay halos naging 4% nalang. Isang pagkakamali ko lang, babagsak ako sa mga kamay ni Ophiuchus.

"Everette, Everette" boses ni Ervin na nasa tabi ko pala.

"A-h s-sorry hindi kita napansin"

"Nakakapanibagong nagsosorry ka, Everette" sabi ni Mari with a poker face din kahit nasa harapan namin siya.

"Baka naman dahil special si Ervin sa kanya?" Pandagdag sa gulo ni Amrita.

"Sssh, h'wag nga kayo. May nagseselos sa tabi" habol pa ni Adeel.

"B-bakit naman ako magseselos?" Defensive na sabi ni Blake.

Ngumisi si Marideeth "'bat masyado kang defensive? Aroy, mukhang may kailangan ka talagang sabihin sa'min~"

"A-a-ano bang nakain mo at ganyan ang takbo ng isip mo?" Natataranta ng tanong ni Blake.

"H'wag mong pansinin ang mga baliw sa harapan. May problema ba, Ervin?" Tanong ko dahil mukhang naiilang na siya.

"G-gusto ko lang magpasalamat. Niligtas mo ang buhay ng kapatid at buhay ko"

"Wala 'yon. Kahit trabaho dapat ng mga Zodiac 'yon" medyo nilakasan kong sabi dahil nagkakagulo na sila sa harapan.

"Huh? May sinasabi ka ba, Everette?" Pangunguna ni Marideeth.

Binilisan ko ang lakad at nilagpasan sila "Wala, wala. Hindi ko gustong saktan ang damdamin mo, kaya h'wag nalang" kunwaring seryoso ko namang sabi.

"Eve, si Tarra nga pala?" Tanong ni Blake.

"Hanapan ba 'ko ng nawawalang kaluluwa?"

"Sungit as ever" bulong ni Marideeth.

"Tatanggapin ko 'yon as a compliment. Thank you" at ngumisi ako sa kanya at binilisan pa lalo ang lakad habang sinusundan ang familiar ni Aries.

"Grr, pinapakulo niya ang dugo ko" bulong ni Marideeth.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang isang dead end.

"May labasan ba talaga dito?" Mahina pero kalmado paring tanong ni Adeel.

"Sa totoo lang, wala pa 'kong naririnig na nakakalabas dito" sabi naman ni Ervin.

Light within the Darkness: The Fallen StarDonde viven las historias. Descúbrelo ahora