Chptr 36: Where it is Started and End

33 1 0
                                    

"Kailangan mo ba ng lakas? Handa akong bigyan ka ng lakas ... Esta" nilingon ko siya. Inabot ko ang mga kamay niya at ngumiti siya.

"E-Esta? .. " pagtataka ko dahil sa pangalang binanggit niya.

Sa paghawak ko sa kamay niya daloy ng isang mainit na pakiramdam mula sa kamay niya ay nagsimulang magulo ang isipan ko dahil sa mga memory na pumapasok dito.

Nakita ko ang 13 na tao, kabilang ang sarili ko at si Rosette. Kung gaano kaseryoso ang pagmamasid namin sa mga tao mula sa itaas. Bakas sa mga istura namin ang pagiging walang emosyon namin maliban sa apat na tao--hindi, hindi sila mga tao. Hindi kami mga tao--isa kaming Constellation, isa kaming Zodiac. Tanging sila Aries, Aquarius, Cancer at Scorpio lang ang may natatanging kakaibang ugali. May ngiti sa mga labi nila sa tuwing pinagmamasdan nila ang mga tao hindi katulad naming may mga seryosong mga titig at halos hindi na ngumingiti sa oras na minamasid namin ang mga tao o mortal. Lalo na kaming mga Brightless .. kaming mga walang ability. Pero- anong ginagawa namin dito sa mundo ng mga Mortal?

"Kilala mo na ang tunay na pagkatao mo? I think the same thing happened sa kakambal mo, si Tarra" nakangiti niyang sabi.

"W-wala ka namang ginawang hindi maganda sa kapatid ko?!"

"Wala. Wala. Haha, magtiwala ka lang sa'kin. Binigyan na kita ng sapat na lakas. Kahit ako hindi ko alam kung anong abilidad ang napunta sa mga kamay mo. Pero laging magkakonekta ang mga 'to sa inyong dalawa ni Tarra. Time will come, this Stellar will be awaken~" at unti-unti siyang naglaho.

Kasabay nito ang pagkarinig ko ng pagbukas ng pintuan. Mabilis kong ibinalik ang mga gamit sa cabinet at lumabas mg kwarto. Sinalubong ko sila Rosette na kasama si Marideeth at Zion.

"Maaga na ata kayo? Ang akala ko gagabihin kayo?" Tanong ko pero dinaanan lang ako ni Rosette. Dumiretso siya sa kwarto namin kaya sila Marideeth ang hinarap ko.

"Hehe, may hindi lang na inaasahang nangyari. Paano Everette alis na kami" sabi ni Marideeth.

"Sabi ng Eve ang itawag mo saken eh, Marideeth" pangbawi ko sa kanya.

"Hindi pwede, dahil Everette ang pangalan mo. Hihi"

"Okay okay tama na 'yan at baka mapagalitan na tayo ni Lolo. Bye Everette" sabi ni Zion na binatak na si Marideeth palabas ng bahay.

Sa paglingon ko saktong pag-upo ni Rosette sa sofa. Nilapitan ko siya ng may ngiti pero nabigla ako ng makita ang mga mata niyang namumula. Kaagad niya akong niyakap at nagsimulang umiyak "E-Everette, sinasabi ng mga kaklase ko na masamang tao daw si Papa. Hindi naman totoo ang mga sinasabi nila diba?"

Hinimas ko ang ulo niya. "H'wag kang mag-alala. Ako ang bahala sa'yo, Rosette"

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya sa mga mata "Nakikilala mo ba ako?"

Biglang nagbago ang tingin niya at umiwas siya ng eye contact. "Nakikilala mo ako hindi bilang si Everette kung hindi bilang si Esta, Tarra?"

Halatang ikinabigla niya ang narinig niya. "N-naalala mo din ang dating buhay mo, Everette?"

Tumango ako at niyakap ko siya "Naaalala ko ang lahat, Tarra"

Kumalas siya "Rosette ang pangalan ko, Everette" biro niya at duon ko na nakita ang mga ngiti niya.

Pero pagkalipas ng ilang araw. Hindi ko inaasan ang nangyari. Pagpasok ko sa room namin, narinig ko ang sigaw ni Tarra, oo nasanay na ako na Tarra ang itawag sa kanya, dahil napapangiti ko siya.

Light within the Darkness: The Fallen StarWhere stories live. Discover now