Chptr 35: Only You Can Do

27 1 0
                                    

Handa niya nang isaksak sa dibdib ko ang espada niya ng bigla nalang akong lumutang at lumipad pabalik kila Tarra.

"Magdiet ka paminsan-minsan, Blake" reklamo ni Adeel.

Lumapit naman kaagad sa'kin si Chairman. "Okay ka lang ba?"

"Mukha ba akong okay sa .. lagay ko?" Pinilit kong tumayo kahit na patuloy sa pagdugo ang sugat ko.

Napatingin kami kay Eve nang magsimula siyang sumigaw. Mistulang sumisigaw siya dahil sa sakit ng ulo. Napaluhod siya at napapahawak sa kanyang ulo.

"Tuluyan ng naglaho ang Light Aura niya" mahinang sabi ni Crux.

"Hayaan niyo muna si Eve" seryosong sabi ni Chairman na ikinabigla ko. Nang tignan ko siya nabigla siya sa paglingon ko na animoy alam niya na ang nasa isip ko "Don't make me wrong, wala tayong magagawa sa nangyayari ngayon kay Everette kaya unahin muna natin si Hydrus at Circinus"

Nilingon niya si Andromeda "Andromeda, once they lost consciousness pull them over here, at ikaw Blake .. sa pagkakaalam ko may ginawa kang barrier para protektahan si Everette--" putol ko.

"Paano mo nalaman kung walang nakapagsabi sa'yo?"

"Well, araw-araw akong updated dahil kay Columba. Hindi na importante 'yon. Gawin mo 'yon once na makuha natin ang dalawang Fallen Constellation. At Adeel, gamitin mo ang gravity along sa barrier ni Blake. Bigyan mo siya ng karagdagang support, Lyra. And you two, once you gain your consciousness ... gumawa kayo ng water barrier sa loob ng barrier ni Blake. Habang sa loob, protektahan mo ang lahat gamit ang purification .. Crux"

"D-dont order me around .. " mahinang sabi ni Mari habang namamalipit parin sa sakit.

"Okay" at biglang naglaho sa paningin namin si Chairman. Sa sobrang bilis niya ay wala pang minuto ang lumipas ng marating niya sila Hydrus at Circinus na nabigla sa nangyari. Sa sobrang pagkabigla ay hindi sila nakapagreact at tumama ang mga kamao ni Chairman sa dalawa. Bumagsak sila sa mga kamay ni Chairman. Hanggang may dalawang Chain ang bigla nalang lumitaw mula sa mga kamay ni Andromeda at batakin ang dalawa pabalik sa lugar namin. Kaagad naman nilapitan ni Crux ang dalawa at ginamit ang purify para malinis ang Aura nila.

Napansin ko na hindi nawala ang mga ngiti ni Ophiuchus. "Hindi ko na sila kailangan dahil nakuha ko na ang matagal ko ng gustong makuha"

Nang tignan namin si Eve, unti-unti siyang tumatayo. Kalmado na siya pero--bakas sa mukha niya ang dilim.

"Wala tayong oras para magdrama lang. Blake simulan mo na" utos ni Chairman.

Iniwas ko ang tingin ko kay Eve at tinignan ng mabuti si Ophiuchus dahilan para galit lang ang maramdaman ko.

Lumitaw ang apat na knife sa kamay ko na hinagis ko sa paligid namin. Pinokus ko sa bawat knife ang Stellar ko at unti-unti 'tong pinagkonekta na nagsimulang maging barrier. Mula naman sa labas, mararamdaman mo ang Stellar ni Adeel at ni Lyra na tumutugtog ngayon ng lyre at sa loob nabigla kami ng may tubig na nagmistulang barrier, Stellar 'to ni Mari at ni Aquarius.

"O-okay na ba kayong dalawa?" Tanong ko.

Mga nakaupo parin silang dalawa at bakas sa kanila ang panlalambot. "O-oo, mag-alala ka nga sa sarili mo. Malaki ang sugat mo" sagot ni Mari.

"Mas malaki ang pag-aalala niya kay Everette, hindi mo siya masisisi" sabi naman ni Aquarius.

Sumunod ko namang naramdaman ang Stellar ni Crux sa loob ng Barrier. Purification, walang makakapasok na negative Stellar dito.

Light within the Darkness: The Fallen StarWhere stories live. Discover now