Chptr 41: Where the Fight Begin

45 1 2
                                    

"Bago tayo tumapak sa lupa, i-supress niyo ang mga Stellar niyo. Adeel, ilang inch mula sa lupa, i-cancel mo ang Stellar naka-cast sa'min" utos ni Chairman at tumango naman si Adeel.

Nagpatuloy kami sa paglipad at katulad nga ng utos ni Chairman ay bago pa lang kami makatapak sa lupa ay kinansel ni Adeel ang Stellar niya sa'min.

"Mukhang okay naman ang lahat" sabi ni Chairman ng payapa kaming nakatapak sa isla.

"Isang Aura nalang ang nararamdaman ko dito sa isla. Kay Sagittarius 'to" sabi ni Mari.

"Zion, hindi pa natin napapag-usapan kung ano ang plano once ma-encounter natin si Sagittarius" sabi naman ni Eve.

"Hindi natin pwedeng magamit ang Stellar ni Crux para malinis ang Aura ni Sagittrius" sabi ni Mari.

"Wait-- pwede tayong makagamit ng Stellar" pagputol ni Eve at nilingon niya si Adeel.

"B-bakit sa'kin ka nakatingin?"

"Kung hindi natin magagamit ang Stellar natin dito sa lupa, gagamitin natin ang Stellar natin sa ere" dugtong ni Eve.

"Paminsan-minsan talaga gumagana 'yang utak mo" bulong ni Mari.

"Kaysa naman sa utak mong nagmamalfunction na" patol ni Eve.

"Ito nanaman po sila" napapakamot nalang sa ulo na sambit ni Chairman "Okay, so Adeel sa'yo nakasalalay ang lahat--" putol ni Adeel kay Chairman.

"Alam ko. Alam ko. Ako na ang bahala" at nag okay sign siya.

"Everette, kaya mo paring magtransfer ng Aura hindi ba? Tulungan mo rin si Crux" utos ni Tarra at tumango naman si Eve.

"Simulan na natin 'to, masyadong humahaba ang usap" sabi ni Mari at nagsimula na kaming maglakad.

Sa paglalakad namin para lang kaming naglalakad sa ordinaryong isla. Puro puno ang paligid at tanging hangin lang na tumatama sa mga puno at mga damo ang nagbibigay ingay sa paligid.

"Wala akong nakikitang kahit na anong hayop dito" bulong ni Adeel.

"Dito sa Astral, nagsisilbing source ng life ng mga hayop ang Stellar kaya imposible para sa kanila na i-conceal 'to" sagot ko naman.

Sa pagpapalakad namin huminto kami saglit nang madaanan namin ang napakalaking puno at duon kami nagpahinga.

"Hindi gumagalaw si Sagittarius sa pwesto niya" sabi ni Tarra.

"Hm, na parang hinihintay niya tayo" seryoso ding sabi ni Chairman.

"Pero parang may mali .. " dugtong ni Tarra.

Napansin ko hindi kalayuan si Eve, nakadikit ang mga palad niya sa lupa na parang iniimbistigahan niya 'to. Isama mo pa ang seryosong mga tingin niya. "May problema ba, Eve?" At nakuha ko ang attention niya.

Tumayo siya at umuling "Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kalakas ang isla na 'to, umalis ka sa kamay ko" duon ko lang napansin ang mistulang yelo na bumalot sa palad niya na biglang naglaho.

"Baliw ka ba para gamitin ang Stellar mo dito lalo na kung alam mong pwede kang mamatay? .. !"

"Si-sinubukan ko lang. M-masyado kang nag-aalala" bigla siyang umiwas ng tingin. Iniiwasan niya ba ako ..

"Hanggang kailan ba kayo magpapahinga? O baka napagdesisyunan na ninyong kayo nalang ang maghihintay dito kay Sagittarius?" Seryosong sabi ni Eve.

Light within the Darkness: The Fallen StarWhere stories live. Discover now