Chptr 37: Love

37 2 0
                                    

Habang binabanggit ko ang salitang maari silang maglaho kapag narinig nila .. pakiramdam ko ay may bakas pa ng dugo ang mga kamay ko na nagmumula sa kaganapan sa nakaraan.

Ako ang dahilan ng lahat. Naglaho ang pamilya ko dahil sa pagkakamali ko. Hindi ko sila naprotektahan ..

Blake's POV

"Mamatay na kayo!" Patuloy siya sa pagsasabi ng mga salitang 'to habang seryoso siyang naglalakad papalapit sa'min.

Hinawakan ko ang sugat ko, may dugong nalipat sa mga palad ko.

"Hindi ako ang makakapigil sa kanya" napapaatras na sambit ni Tarra.

Nilingon siya ni Ether "Hindi porket ako ang dahilan kung bakit siya nahulog sa mga kamay ni Ophiuchus ay ibig sabihin ako na ang makakapagpabalik sa kanya" dugtong ni Tarra.

"Hindi ba pwedeng subukan mo muna, bago mo sukuan ang kapatid mo?" Sabi naman ni Mari.

"Ako ang dahilan ng galit niya ngayon, kaya kapag lumapit ako mas matinding galit lang ang mararamdaman niya"

"Nagagalit siya sa'yo dahil hindi ka niya gustong mawala sa tabi niya. Natatakot lang siya na maging mag-isa at mabuhay ng wala ka sa tabi niya, dahilan para umabot siya sa puntong gagawin niya ang lahat kahit ang pumatay .. maprotektahan ka lang at hindi maglaho sa tabi niya" seryoso kong sagot kay Tarra.

Nabigla ako sa narinig ko. Kahit na alam kong hindi ko ngayon naririnig ang mga ingay sa labas .. hindi ko maintindihan kung bakit at anong dahilan kung bakit parang nakarinig ako ng patak ng tubig sa lupa. Nang tignan ko ang mga mata ni Eve, umiiyak siya ..

Kahit napakaseryoso at napakadilim ng tingin niya sa'min. Kahit na parang ibang tao ang kaharap namin ngayon, bakit may luhang pumapatak sa mga mata niya?

Eve's POV

Hindi ko sila naprotektahan ... at ngayon, uulitin ko nanaman ba ang nangyari sa nakaraan?

Pero kung hindi ko 'to gagawin, natatakot ako .. natatakot ako na baka mawala si Tarra.

Kahit na alam kong matagal ka ng patay .. mahalaga nandito ka parin kahit isang kaluluwa ka nalang. M-magsasama parin tayo .. kahit sa kalangitan.

Pero kailangan ko munang tapusin ang buhay ng lahat para magawa 'yon.

Kailangan nga bang ulitin ko ang nakaraan para lang sa isang selfish na bagay?

Sa pagdating ko sa harap nila, ramdam ko ang bigat ng pagtulak ng gravity palayo sa kanila. Pinilit ko na abutin sila gamit ang kamay ko. Naabot ko ang barrier na sa tingin ko ay kagagawan ni Blake. Pero sa pagdikit ng dalari ko, parang may isang kutsilyong naghiwa sa balat ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi ko maramdaman ang sa'kit. Wala akong maramdaman na kahit na anong sakit bukod sa sakit na nararamdaman ko ngayon sa puso ko.

Once na masira ko 'to, katapusan na ng lahat.

Idinikit ko ang palad ko sa barrier. At handa ko na 'tong ipasok ng may isang palad na sumalubong sa palad ko. B-Blake ..

"Eve .. kung hindi ako naaabot ng boses mo. Alam ko namang naabot ka ng boses ko. Itigil mo na 'to, h'wag mo ng pahirapan ang sarili mo"

"Mamatay na kayo! Mamatay na kayo!" Gusto ko nga bang ulitin ang nakaraan?

"Eve, hindi ka mag-isa" sabi ni Blake.

Nararamdaman ko ang init na nagmumula sa mga palad niya. Pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko,

Light within the Darkness: The Fallen StarWhere stories live. Discover now