Chptr 09: Leo

55 4 0
                                    

Napansin ko ang kakaibang pagngiti sa'min ni Lyra habang nagpapatugtog siya gamit ang lyre.

Nahulog na talaga siya sa kadiliman.

At sa isang paggalaw ng daliri niya sa lyre, ay may isang napakalakas na wave na sumira sa tubig na barrier ni Aquarius. Duon namin narinig ang isang napakagandang tinig ni Lyra.

"Sweetdreams~"   duon ko naramdaman ang pagka-antok pero bago biglang pagdilim ang paningin ko, nakaramdam ako ng isang kakaibang Aura. Madilim 'to pero at the same time --- bakit parang ang linis din nito?

Nagising ako sa biglang init na naramdaman ko sa mga mata ko at dahil sa sobrang liwanag. Sa pag-alis ko ng kamay ko sa mga mata ko ay si Eve at ang Chairman ang nakita ko.

"Mabuti gising ka na" ang sabi ni Eve habang nakacross arm ang dalawang kamay niya at nakasandal sa pader.

"A-anong nangyari ..." dahan dahan akong umupo. Napansin ko na nasa Infirmary Room kami. Sa tabing kama ko ay si Aquarius katabi sila Mari at si Adeel na unti-unti naring nagising.

"Everette, can you leave us for a second?" Utos ni Chairman.

"Aalis ako kahit hindi niyo sabihin. Salamat sa napakaraming trabahong napasa sa'kin" at napansin ko na nilingon niya si Mari bago tuluyang naglakad palabas ng Infirmary Room.

"Pwede ka ng magpakita, Columba" sabi ni Chairman na nagpabigla sa'kin.

Lumitaw si Columba at lumipad papunta sa kamay ni Chairman.  "C-Chairman--- i-isa kang Constellation?"

"Siya ang Zodiac na si Leo" sabi ni Mari na umupo sa pagkakahiga niya.

"To think na dito tayo sa school ko pa mismo magtitipon-tipon" nangingiting sabi niya.

"But you keep it as a secret" sabi naman ni Aquarius.

"But it wasn't a secret anymore" lumapit siya sa'min at kasabay ng pagdapo sa balikat ko ni Columba "Back to our real business. This is the third time na nawalan kayo ng malay after niyong pumunta sa storage room" 

"Ah~ at this time-- mukhang hindi niya binura ang ala-ala natin" sabi ni Adeel.

"Pero sa anong dahilan?" Tanong ni Aquarius.

"Ang tanong, kung intention niya ba talagang hindi manipulahin ang isip natin o hindi" tanong ni Mari.

"Naramdaman niyo rin ba ang Aura na naramdaman ko bago tayo mawalan ng malay?" Tanong ko at nilingon ko sila.

"Aura?" Tanong ng Chairman.

"Light Aura na puno ng puot" ang sabi ni Columba.

"Wait--hindi ba kayo ang nagdala sa'min dito?" Tanong ni Aquarius.

"Hindi. Sa tingin niyo ba kaya ko kayong dalhin ng mag-isa? By that time napasok ako ng wala sa oras sa isang Zone at nakarinig ako ng mga ingay sa storage room at duon ko kayo nakita na wala ng malay. And coincidence, nakita ko si Everette pagkawala ng Zone, nagpapatrol sila sa school. Kaya magpasalamat din kayo kay Everette dahil siya ang nagbantay sa inyo dito magdamag"

"Magdamag?" Kaagad kong nilingon ang orasan sa pader at lumipas na ang isang araw.

Sabay sabay kaming napabuntong hininga dahil sa nangyari "Chairman, coincidence nga lang bang nagpaptrol si Everette?" Tanong ni Aquarius.

Tumango ang Chairman, "Daily routine niya na 'yon dahil maraming pasaway na  bata ang nag-istay ng matagal dito sa school na against sa rule. Amrita--hindi, Aquarius pinagdududahan mo ba si Everette?" Pero isang tingin lang ang natanggap na sagot ni Chairman.

"I dont think na isa rin siyang Constellation. Dahil walang Constellation ang may kakayahang lumabas ng Zone habang bukas 'to. That time, sa pagdating ko sa storage room saktong pag-undo ni Lyra sa Zone at bumungad sa'kin sa pinto si Everette na mukhang nakarating ng mas maaga sa'kin. Hindi ko siya napansin since nasa loob din ako ng Zone"

Naglakad ang chairman papunta sa pintuan "Mas magandang magsi-uwi na muna kayong apat" at lumabas na siya.

Nabuo ang katahimikan sa Infirmary Room hanggang sa tumayo si Aquarius "This is getting nowhere"

"Babalik ka na sa Orphanage?" Tanong ko.

Tumango siya "Pero, sisiguraduhin kong magbabayad siya sa paglaban sa'kin" at seryoso siyang lumabas ng room.

Ayaw niya talagang natatapakan ang pagkatao niya-- specially ng isang mababang uri ng Constellation.

"Ano bang problema niya?" Naiiritang tanong ni Mari.

"Ngayon mo tatanungin 'yan ngayong nakaalis na siya? Iba karin ano" hinawi ni Adeel ang kumot na nakapatong sa kanya at nilingon ako "Pa-stay muna sa inyo, sa Orpahange, Blake. Since pinapa-uwi tayo ng gantong oras, I dont think bukas na ang bahay dahil sa trabaho ni Papa"

"O-okay sige"

"Sasama ako" dugtong agad ni Mari.

"Hehe, baka nakakalimutan niyong hindi nakapangalan sa'kin ang lupa ng Orphanage para mag-uwi lang ako ng kung sino-sino duon"

"Pero nagawa mo na right? With that sea monster, grr" sea monster? Hehe. Is she referring to Aquarius? Ha.ha. aren't she the same? Ha.ha.ha.

At wala akong nagawa para itaboy sila hanggang sa makarating sa bahay. Bumungad sa'min si lolo na nasa pintuan at umiinom ng kape (kahit alanganing oras)

"Lo, mga kaklase ko po. Si Mari saka si Adeel"

"Hello po"

"Oh, tuloy kayo" nakangiting sabi ni Lolo kaya pumasok na kami. Tahimik ang loob since wala pa ang mga bata na paniguradong nasa bakanteng lote at naglalaro.

Dumiretso kami sa kwarto ko-I mean sa kwarto pala namin ni Aquarius ng biglang bumukas 'yung pintuan sa harap ng kwarto. Duon nakatayo si Aquarius na may malademonyo ng ngiti "Heeeh, anong ginagawa ng babaeng 'to dito?"

"Bakit bahay mo?" Sagot naman ni Mari.

Ganto ba talaga ang mga sea monsters na nanatili sa lupa???? Ha.ha.ha.

"Umaano ka diyan?" Tanong ko para mapigilan ang giyera.

"Pinapalinis sa'kin 'to ni Lolo para dito na raw ako matulog mamayang gabi"

"Amrita, Blake, aalis muna ako. May dadaanan lang ako saglit sa palengke. Kayo na muna ang bahala sa mga bisita niyo" sabi ni Lolo at narinig nalang namin ang naglalaho niyang foot step.

"Saan ang kwarto ni Everette?" Tanong bigla  ni Mari.

Umiling ako since wala talaga akong alam. Dahil ayaw ko narin sigurong makisawsaw sa buhay ng ibang tao "Then lets find it" biglang sabi ni Mari.

At hindi ko nanaman sila mapigilan na maglakad lakad sa loob. Pero imbis na kwarto niya ang matagpuan namin, ang isang napakalaking bakanteng room ang nakita namin. Medyo hiwalay 'to sa bahay na nasa harap at ang loob ng room, nagmistula itong practice room ng silipin namin sa bintana. Binuksan namin ang pintuan gamit ang pagmold ng isang susi ni Mari gamit ang tubig. At kung pagmamasdan, maraming arrow ang nasa pader at maraming target ang nakasabit na halos nahati na.  At ang isang mannequin na kahoy, na putol putol na ang parte.

"S-siya ba ang may gawa nito?" Walang dudang siya nga. Araw-araw, inaabot siya ng madaling araw para magpractice. Pero anong ipinaglalaban niya? ... para saan at kanino siya lumalaban?



Tbc ...

Light within the Darkness: The Fallen StarWhere stories live. Discover now