Chptr 16: About Gemini

47 3 0
                                    

Everette's POV

"Hindi ko mabasa kung anong tumatakbo ngayon sa isip mo, Everette" sabi ni Tarra na bigla nalang lumitaw dito sa Practice Room ko.

Matapos ko silang tulungan, lumabas na ako kaagad ng Zone. At iniwang nakatigil ang oras habang ako nagpatuloy ako sa pag-eensayo ko sa practice room.

"Hindi mo na kailangang alamin kung ano man ang iniisip ko" at hinati ko ang statwa na kanina lang ay nasa harapan ko.


Narinig ko ang pagbuntong hininga niya "Hindi talaga kita matalo"



"Tarra .... nagpakita ka ba sa kanila?"

Tumango siya ng may ngiti "Litong lito sila about sa totoong katauhan mo--" nilingon ko kaagad siya.


"Hindi mo naman siguro sinabi kung sino talaga ako?"


This time umiling siya "Bakit ko naman gagawin 'yon. Binigyan ko lang sila ng kaunting explanation about sa'yo. Ikaw na Constellation na nagdeclared na nawalan ng pangalan .. ikaw na hindi nakakapasok ng kusa sa Zone at ikaw na may dalawang uri ng kulay ng Aura, kahit sino naman magtataka sa katauhan mo. Kasalanan ko 'to ... " pagbabago ng tono ng boses niya.


"Wala kang kasalanan. Isang tao lang ang may kasalanan nito. Kung nabubuhay pa ang lalaking 'yon, baka napatay ko ulit siya" hindi ko mapigilan ang galit na bumabalot sa'kin hanggang sa maramdaman ko ang isang yakap mula sa likod ko "Baliw. Kapag ginawa mo 'yon .... wala na akong magagawa para pigilan ang pagbabago ng Aura mo"




Ngumiti ako. Kung hindi dahil sa'yo Tarra .. panigurado, wala ako ngayon dito.

"Pero sigurado ka ba sa desisyon mo?" At umikot siya paharap sa'kin. "Sigurado ka ba na okay lang na dito nanunuluyan ang mga Zodiac? Baka madamay ang mga bata sa mga nangyayari" dugtong niya.


"Matagal na silang nadamay sa gulong 'to. Kaya sinusubukan ko silang protektahan--" putol niya.


"Kasama ba sa plano mo ang protektahan din ang Zodiac?"




"Kung may mapoprotektahan ako, bakit hindi ko gawin, diba? 'Yun nalang ang magagawa ko para sa mundo na 'to"


"Wala narin naman tayong magagawa para iligtas ang mundo. Wala ng pag-asa,  dahil kahit kailan hinding hindi na  mabubuo ang Zodiac" dugtong ko at nilingon ko si Tarra at may malulungkot siyang mga ngiti.


Handa na akong magsalita ng makarinig kami ng ingay mula sa labas. Halatang nakalabas na sila sa Zone dahil sa paggalaw ng oras "A-anong ginagawa ng mga takas sa mental?! Tsk!" Tumakbo ako palabas ng kwarto at ang bumungad sa'kin ay si Ophiuchus na tumilampon sa bakod na ngayon ay sirang-sira.

Nilingon ko ang Orphanage. Sinubukan niyang sirain ang barrier.



Nagulat ako sa pagsalubong ng mga bata sa'kin. "M-magsipasok kayo sa loob--" putol kong sabi ng mawala sila sa harapan ko.



Zone ..


"Ipasok mo ko sa Zone .. " utos ko sa Stellar ko at mabilis akong nakapasok sa Zone. Sa pagpasok ko nasa malayo ang mga bata at malayo din sa  kanila sila Marideeth. Hindi lang 'yon, papaataki na ngayon ang mga ahas sa kanila.


Blake's POV

"A-anong ginagawa ng mga bata dito sa loob ng Zone? ... " tanong ko dahil sa  pagkabigla.


Light within the Darkness: The Fallen StarWhere stories live. Discover now