Chptr 39: The True Self

34 1 0
                                    

"ARRRRGH! AYAW KO NAAAAA!" halos gusto ng umiyak na sabi ni Marideeth.

Nandito kami sa isang room sa school para magtake ng special exam for mid-term. And since marami na ang lumipas na panahon, marami naring items na kailangang sagutan hindi lang sa isang subject. At ito ngayon ang pumapatay sa apat na Zodiac.

"Blood related ba kami ng ugaw na 'yon! Aaaagh! Bakit kailangan nila tayong pahirapan ng ganito? Huhuhu" dugtong pa ni Marideeth.

"Manahimik ka nga diyan. Hindi lang ikaw ang nagte-take ng exam .. !" Bawal naman ni Amrita habang seryosong nagkoconcentrate sa exam niya.

"Ha.ha. hindi 'to magwowork .. wala akong maalala sa mga ni-review ko" napapadukmo namang sabi ni Blake.

"Sino ba kasing nagsabing maging estudyante kayo? Pwede niyo naman kaming lapitan as a gardiner o tambay sa kanto" sabi ni Adeel habang patuloy niyang tinatapik ang ballpen sa test paper niya.

Nagdeath glare naman si Blake kay Amrita "Si Aries ang sisihin mo h'wag ang inosenteng katulad ko .. !" Depensa naman ni Amrita.

Inayos ko ang mga testpaper ko at sa pagtayo ko kaagad akong nilingon ni Blake. "Lilipat ka?"

Ngumiti ako sa kanila "Nope, magpapasa na ako ng papel dahil mukhang mamaya pa kayo makakapagpasa"

"T-Tapos ka na?!" Tanong nilang tatlo ni Marideeth, Amrita at Blake.

"Anong utak mayroon ka, Eve" bulong ni Adeel.

"Utak ng normal na tao, magkitakita nalang tayo -- wait mag-iingat kayo sa daan ah. Baka gabihin kayo" pero sa pagtalikod ko siyang pagbatak nila sa uniform ko.

"Everette~" nagmamakaawang sabi ni Marideeth.

Humarap ako sa kanya "Baliw ka ba? Kapag nahuli tayo ng teacher baka masuspend tayo"

"Never said na kailangan mo kaming pakopyahin .. " bulong ni Adeel habang nakaiwas siya ng tingin.

Napabuntong hininga ako. "Connect to Zone .." bulong ko at sa pagpasok namin sa Zone, well, nagcommand ako na ipasok sa Zone so kasabay ko sila.

"Anong binabalak mo?" Tanong ni Amrita.

Kinuha ko ang ribbon na nasa buhok ko. "Inuutusan kitang maging isang espada" at sa pagbabagong anyo nito ay kaagad kong sinugod si Marideeth na mas malapit. Kaagad namang may humarang na tubig sa espada ko "Spear" at humaba 'to para tumagos sa tubig niya at sakto namang pagharang ni Blake ng kutsilyo niya para lumihis ang spear ko.

Umikot ako at sa pag-ikot ko tinangka kong atakihin si Amrita gamit ang kabilang dulo ng spear pero nablock 'to ng tubig niya kaya sinubukan ko si Adeel na kaagad ginamit ang kamay niya patulak sa spear ko pababa kasabay ng napakabigat na gravity.

"Nasa gitna tayo ng exam, nakalimutan mo na ba?" Poker face paring sabi ni Adeel.

"Nope. Nasa gitna tayo ng pagrereview. Arrow" nuong una tinutok ko 'to kay Marideeth pero bago ko bitawan ang arrow, tinapat ko 'to kay Blake. Gamit ang knife, tinangka niyang iblock 'to pero imbis na mablock 'to, kumiskis lang 'to sa gilid ng knife niya.

Napansin ko ang reaction niya hindi, hindi lang siya. "Naalala niyo na ba?" Nakangiting sabi ko  naman. 

"At anong kaguluhan 'to?" Sabi ni Zion na bigla nalang lumitaw at bumulong siya at sa tingin ko para 'yon makalabas kami ng Zone.

"Traning, Zion" hinawakan ko ng mahigpit ang vow at "knife" itinusok ko 'to sa gilid ng test paper ko sabay hagis papunta kay Zion na nasapo ang knife ko ng dalawang daliri lang.

Light within the Darkness: The Fallen StarDonde viven las historias. Descúbrelo ahora