Chptr 14: Group Study

47 3 0
                                    

"Saglit. Baka  may nakakalimutan kayo" sabi ni Chairman kaya nilingon namin siya.

"Estudyante parin kayo dito sa school na 'to. Bilang estudyante, marami kayong responsibilidad dito sa school. Especially now, na paghahandaan niyo ang Midterm niyo" seryoso niyang sabi.

"Ah~ oo nga pala" napapabuntong hininga  nalang na sabi ni Adeel. Sakto namang lumabas sa isang kwarto sila Andromeda at Lyre "Kamusta silang dalawa?" Tanong ko kaagad.

"Mahimbing na silang natutulog" sagot naman ni Andromeda.

"Okay na sila kaya h'wag na kayong mag-alala" dugtong ni Lyre.

"Anong balak niyong dalawa?" Tanong ni Adeel.

"Since nandito narin naman sila .. enrolled na sila dito sa school" nakangiting sabi ni Chairman.

"Seryoso ka ba? .. " bulong na tanong ni Eve pero namimilosopong ngiti lang ang sinagot ng Chairman.

"Tsk. Matapos nating mahanap ang kahit isang Cross, iyon na ang huling beses na mangingialam ako sa mga gawain niyo" at naglakad na si Eve palabas ng office.

"May balita ako sa inyo" ang sabi ni Columba na biglang lumitaw sa gilid ko "Bakit ba ang gala mo? Para kang bula na bigla bigla nalang nawawala" reklamo ko naman dahil sa mga oras ng laban, lagi siyang nawawala.

Ngumiti siya na parang sinasabi niyang wala akong magagawa  para pigilan siya "Nakalimutan mo na bang isa ako sa mga mata ni Aries?"

Binugaw ko siya nang balakin niyang dumapo sa balikat ko "Mata ka ni Aries diba? H'wag kang dumapo sa'kin"

"Sungit naman nito"

"Bakit ka nandito, Columba? Anong balita ang sinasabi mo?" Tanong ni Aquarius na bigla nalang lumabas sa kwarto.

"Okay ka na ba, Aqaurius?"  Tanong ni Chairman.

"H'wag mo akong itulad sa kapatid mo"

Itinaas niya ang kanang kamay niya na pinagdapuan ni Columba "Tuluyan ng naging itim ang Aura ni Sagittarius. At hindi lang 'yon, naglaho siyang parang bula sa Astral"

"S-seryoso--" putol na sabi ni Adeel ng bigla siyang napaupo sa sofa. Hawak niya ang ulo niya, at isa lang ang rason nito .... dahil ginamit niya ang Brightest Star niya. Ito ang After Effect ..

"Tsk. T-to think na ginamit ko 'to pero still .... hindi ko parin siya napigi ... lan " at bigla siyang bumagsak pero nasapo siya ni Mari na inalalayan niya pahiga sa sofa.

"Sinong h'wag itutulad sa'yo? Huh, Aquarius? Kung sa totoo lang mas malakas pa ko sa'yo. Tsk, pero saka na nating pagtalunan 'yan. Kung naglaho siya, hawak naman natin si Circinus para mahanap si Sagittarius" sabi ni Mari.

"Hindi na natin hawak si Circinus. Kinuha siya ni Ophiuchus. Mukhang kailangan niya si Circinus, either to find the other Constellation or to find the Astral" sagot ko naman na nagpatahimik sa lahat.

Tunog ng bell ang nagsimula ng ingay. "Tapos na ang isang subject niyo. Magsibalik na kayo bago pa maghinala ang mga teacher kung bakit bigla-bigla kayong nawawala sa mga klase" utos ni Chairman.

"For the both of you, maghanda kayo for tomorrow. That will be your first day. And about kay Adeel, ako na ang bahala sa kanya. Sige na" dugtong niya pa kaya wala na kaming nagawa kung hindi ang lumabas na ng office at iniwan duon silang apat habang si Columba ay lumipad naman palabas ng bintana.

"Tingin niyo anong magaganap sa  susunod na mga araw?" Seryosong tanong ni Mari habang seryoso siyang naglalakad.

"Walang nakaka-alam kung anong mangyayari sa hinaharap" sagot ni Aquarius.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at pumasok sa loob ng room namin na ikinagulat ng klase. "Hindi niyo kasama si Adeel?" Tanong ng isa naming kaklase.

"Hindi siya makaka-attend ng klase dahil kinakausap siya ng Chairman para sa ilang documents niya. Magsi-upo na kayo" sabi ng instructor namin na nagmula sa likod namin.

"Maggagawa nalang siya ng dahilan, 'yung obvious pa" ang sabi ni Mari na napapakamot nalang pagka-upo sa bangkauan niya. Hehe, well, sa bawat araw  na nawawala kami ... laging ayun ang excuse ni Chairman.

"Nandito lang ako para ibigay ang scope ng exam for the midterms, it's up to you kung gusto niyong isulat 'to for notes or kung gusto niyo nalang gamitin 'yang utak niyo para alalahanin 'to, 'yun ay kung may gagamitin nga kayo" tumalikod ang instructor namin at nagsimula na siyang magsulat sa whiteboard.

Kinuha ko ang notes ko at nagsimulang magsulat. Pero halos hindi ko maintindihan ang mga sinusulat ko dahil sa nangyari kanina.

Ginamit na ni Adeel ang Brightest Star niya, pero hindi 'to sapat para matalo si Ophiuchus. Ano nga ba ang kahinaan niya? ... ang tanong, may kahinaan nga ba talaga siya?

"Blake" nalingon ko ang isang babae mula sa likod ko. Bago lang siya sa paningin ko. "Ah, ako si Beatrice, Bea nalang for short" pagpapakilala niya ng marealize niyang hindi ako familiar sa mukha niya.

"Isang suspended student dito sa school dahil walang ginawa kung hindi masangkot sa away" pagpapakilala naman ni Mari kahit hindi nakatuon ang attention niya sa'min. Kababaeng tao, naghahanap lagi ng away? Constellation? Hindi, hindi ko maramdaman sa presensya niya 'yon. Pero the same thing ang nangyari kay Circinus nuong first day ko.

Nagtaka ako ng abutan niya ako ng isang band aid. "Ilagay mo 'to sa sugat mo sa pisngi" hinaplos ko ang kanang pisngi ko at duon ko lang napansin ang dugo. Galos panigurado 'to na galing sa laban namin kanina.

"T-thanks" nilagay ko na 'to sa sugat ko na medyo mahapdi pa.

"Ito lang ang scope ng exam. Sa mga susunod na araw, ibibigay ito as a free time. Nasa inyo 'yun kung gusto niyong pumasok o hindi, as long as maganda ang kakalabasan ng exam niyo. 'Yun lang. Class dismiss" ang sabi ng instructor at lumabas na siya ng room.

"Gusto niyong maggroup study mamayang gabi? Overnight" Tanong ni Mari at nilingon niya kami.


"Sa'kin walang problema, ikaw ba?" Tanong ko kay Aquarius.


"Wala namang problema, I mean sa grades ko. Kaya kahit hindi na ako sumama, hindi ako babagsak. Pero kung kailangan niyo ng tulong ko, sige sasama na ako"

"Masyado ka atang nagmamataas?" At ito nanaman po silang dalawa. Huhu, Adeel bakit mo ako iniwan sa dalawang 'to.

"Bakit? Naliliitan ka ba sa'kin?"

"Sa tingin ko magandang idea na kila Amrita kayo mag-overnight" singit ni Bea dahilan para matigil ang dalawa "Hindi ba't sa Orphanage kayo nakatira? So that's mean, kasama niyo sa bahay si Everette. Sa tingin ko malaki ang maitutulong niya sa inyo" dugtong niya.

"Si Everette?" Pagtataka ko naman.

"Hindi ka ba tumitingin sa Ranking ng school? Isa si Everette sa mga Rank 10, rank 3 siya ng school. Hindi na ba katakataka na sa 4-A siya?" Medyo masungit pa na sagot ni Mari.

"So ano ng final decision? Sa Orphanage o hindi?" Tanong ni Aquarius na halatang iniinis si Mari.

"Since bawal sa bahay, sa Orphanage tayo. PERO! it doesn't mean na kailangan natin ng tulong niya"

Mukang mabubulabog ang matahimik na mundo ng Orphanage -_-






Tbc ...

Light within the Darkness: The Fallen StarWhere stories live. Discover now