Chptr 30: Solution

34 1 0
                                    

"I-inaamin mo na na ikaw nga talaga si Esta?" Hindi makapaniwalang tanong ni Amrita.

"Bakit gusto mo pa bang bawiin ko ang mga sinabi ko?"

Wala ng rason para itago ko sa kanila ang totoo kong pangalan.

"Gusto ko na sanang makabalik sa totoo nating mundo katulad ng napagkasunduan pero mukhang imposible pa 'yon" sabi ko ng maramdaman ko ang isang presensya hindi kalayuan mula sa pwesto namin.

Nilingon ko 'to na sinundan naman nila. At ang mga Jewel Hunters 'to. Sila Coma Berenices.

Ang kailangan ko lang gawin ay patayin sila.

"Eve" boses ni Blake na nagpagising sa'kin.

"Okay ka lang?" Tanong niya. Tumango naman ako. Hindi ko sila kailangang patayin .. kung kaya ko naman silang patahimikin.

"Ako na bahala dito" sabi ko at tinignan ako ng napakatalim ni Coma Berenices.

"Whahaha! Nagpapatawa ka ba? Talaga bang gusto mo ng mamatay?" Hindi ko alam kung nagbibiro pa ba siya sa sinasabi niya basta ang alam ko lang, ako seryoso ako dito. "Hawak ko si Scutum--ang Stellar niya! Sa tingin mo ba matatalo mo ako?" Nakangiti niyang tanong at duon napansin ko ang mistulang barrier na harap niya.

"Sa tingin mo rin ba kaya kang protektahan ng barrier ni Scutum? Sa Stellar ko, it doesn't matter kung meron o wala kang barrier. It does matter kung naririnig o hindi mo naririg ang boses ko. Kaya ngayon, inuutusan kitang mawasak" at sa isang iglap, nawasak ang jewel na kanina niya pa hawak.

"P-paanong--" putol niyang sabi ng magsalita ako.

"Itikom mo ang bibig mo at manatili ka sa kinatatayuan mo"

Kung wala ang ilang Constellation sa tabi ko kanina, baka nagawa ko na 'to kanina pa. Mga sagabal sila ..

Lumapit ako sa kanya habang ang mga kasamahan niya naman natutulala nalang sa takot at gusto ng tumakbo pero hindi nila magawa.

Sa pagkalapit ko, tinapat ko sa mukha niya ang mga kamay ko "Kalimutan n'yo ang pagiging Jewel Hunters at mamuhay ng normal" at nawalan siya ng malay.

Tsk, dapat sa mga katulad nila pinaparusahan ng matindi ng magtanda kaya bakit nga ba ako nagsasayang ng Stellar sa mga katulad nila?

Nilingon ko ang mga kasama ko. "Tara na. Gusto ko ng makabalik" at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at binalikan namin ang bangka namin.

Sa pagdaan ng malamig na hangin, duon ko lang narealised ang mga tumatakbo sa isip ko. Epekto ba 'to ng Aura ko?

Blake's POV

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mag-alala. Parang may mali kay Eve. Hindi ko alam ang tumatakbo ngayon sa isipan niya pero, nararamdaman kong may mali.

"Still, dapat nagsabi ka narin sa'min ng totoo about sa totoong pangalan mo" nagpapout na sabi ni Mari.

Kahit sa totoo lang, nararamdaman na namin ang pagsisinungaling niya about sa pagiging Nameless ... pinagdudahan ko narin siya katulad ng ibang Zodiac. Pero--dahil siya nga si Eve, hindi ko muna siya hinusgahan dahil duon, kung hindi naghintay ako sagot mula sa kanya.

"Nagsabi ako ng totoo, kanina nga lang" at ngumisi si Eve kay Mari na handa ng mapikon.

"Kinoconsider mo ang sarili mo bilang isang Nameless--" putol ni Eve kay Aquarius.

Light within the Darkness: The Fallen StarDonde viven las historias. Descúbrelo ahora