Chptr 33: Loss?

34 1 0
                                    

Eve's POV

"Para sabihin ko sa'yo, wala akong balak na ibigay ka kay Ophiuchus"

Napadilat ako dahil duon at biglang napaupo. Pagtingin ko sa bintana, umaga na pala.

Panigurado tapos na si Aquarius sa pagbuo ng barrier para sa Astral. Sa pagtayo ko saktong paglitaw ni Tarra sa tabi ko.

Bakit hindi ka nalang tuluyang maglaho kung iiwan mo lang rin naman ako.

"Ako nalang ba ang hinihintay?" Tanong ko.

"Mahimbing ang tulog mo kaya nakiusap ako sa kanila na pagpahingahin ka pa ng ilang saglit"

Bakit kailangan mo pang maging mabait sa'kin kung sasaktan mo lang din naman ako sa bandang huli?

"Maliligo lang ako saglit. Sa labas mo na ako hintayin kasama ng ibang Zodiac" nakita ko pa ang malulungkot niyang mga ngiti bago ko siya talikuran at dumiretso sa banyo sa kwarto ko.

Bakit kailangan mo akong tignan ng ganyan na parang luluha ka talaga kapag iniwan mo ako.

Hindi ko na alam kung anong mga tumatakbo sa isipan ko. Basta ang alam ko lang, gusto ko lagi ko siyang kasama pero sa tuwing naalala ko ang mga sinabi niya kagabi, bakit parang sa sobrang galit ko ... parang ako na mismo ang nagtataboy sa kanya.

Sa daming katanungan sa isipan ko, halos wala na sa isip ko ang mga ginagawa ko at kusa nalang gumagalaw ang mga kamay at katawan ko.

Sa paglabas ko ng kwarto ko, si Blake kaagad ang bumungad sa'kin. Nakatayo siya sa gilid ng pinto at nakasandal sa pader na parang kanina pa siyang naghihintay dito.

"Walang magbabago kung hihintayin mo ko" at nagsimula akong maglakad at sinundan naman niya ako.

"Meron kaya" sa paglingon ko sa kanya ay sumalubong sa'kin ay ang mga ngiti niya "Dahil hindi ka mag-isang maglalakad, kasama mo ako"

Hindi ko alam pero, hindi ako nakapagreact sa sinabi niya lalo na kung may pilyong mga ngiti siya.

Okay Everette, kalma. Kalma lang.

"Ilang taon na ba akong mag-isa para masanay na ako. Kumbaga sa sentence, ako 'yung tipong sugnay na makapag-iisa"

"Oh edi simulan natin ngayon na maging isang sugnay na DI makapag-iisa" iba ang ngiting pinapakita niya compared sa ngiting nakita ko kay Tarra.

"Nagbabalik-aral ka ba? Haha, mukhang may chance naman palang pumasa ka sa midterm" pang-iinis ko sa kanya dahil kapag nagpatuloy pa siya sa mga sinasabi niya, baka hindi ko na makayanan.

"Parang nagdududa ka ata? Pero wala pa akong review. Hindi ba pwedeng exempted na? Pakiusapan ko kaya si Chairman?"

"Goodluck sa pakikiusap mo~" at binilisan ko ng kaunti ang lakad ko dahilan para sa pagliko ko ay nadatnan ko na sila Aries at ang ilang Zodiac.

"Masyado mo atang sinulit ang oras mo?" Pagsisimula ni Marideeth.

"Sino ba kasing nagsabing hindi niyo ako gisingin?"

"Okay tama na" pag-awat naman ni Adeel at nilingon niya ako "I-reserve mo nalang muna ang Stellar mo, Eve. Ako na ang bahala sa pagbalik na'tin"

Ito na ang simula ng pagiging useless ko.

"Gawin mo kung anong gusto mo" seryosong sagot ko naman.

"Aalis na kami, Aries. Kayo na muna ang bahala dito sa Astral. " pagpapaalam ni Amrita.

"Aries, nagtitiwala akong poprotektahan mo ang mga bata" sabi ko naman.

Light within the Darkness: The Fallen StarWhere stories live. Discover now