Chptr 40: The Living Island

43 1 0
                                    


After 3 days ~

Sa pagpasok ko ng room, saktong pagpasok din ni Eve. "Beatrice Olmo" seryoso niyang sabi dahilan para makuha niya ang attention ng buong klase.

Tumayo si Bea, "B-Bakit po?"

"Sumama ka sa'kin. About sa report mo"

"Ah. Okay po" naglakad naman papalapit si Bea at nilingon kami ni Eve, kaming mga Zodiac "After class, dumiretso kayo sa office" at naglakad na siya palabas kasama si Bea.

"Mamaya na ba ang alis natin?" Tanong ni Aquarius na kakadating lang.

Tumango ako "Mamaya din ang dating ni Crux kasama si Tarra"

Narinig ko naman ang buntong hininga ni Mari habang papalakad papalapit sa'min na nasa pintuan "Tsk. Hindi alam ni Everette ang salitang pahinga. Kakatapos lang ng midterm tas panibagong trabaho nanaman"

"Aano ka?" Tanong ko.

"Office, aayusin ko ang mga excuse letter natin" at nagpatuloy na siya sa paglalakad.

"Ang balita ko, ginamit ni Circinus ang Stellar niya para mahanap si Sagittarius?" Tanong ni Adeel.

"Expected na 'yon. Gusto mo pa bang pahabain ang trabaho natin?" At pumasok narin si Aquarius sa loob at umupo sa upuan niya, na sinundan ko din naman "Nako po, mabuti at wala dito si Marideeth kung hindi baka pagsisimula nanaman ng debate 'to" bulong ni Adeel.

"Guys? Hehe, sa totoo lang curius kami sa mga biglaang paglaho niyo. Ano ba talaga ang trabaho niyo?" Tanong ng lalaki sa likod ni Adeel at nakuha namin ang attention ng ilan.

Napansin ko naman ang ngisi sa mga labi ni Aquarius "Sigurado ka bang gusto mo talagang malaman? Once na malaman mo 'to, habang buhay mo na 'tong dadalhin kahit sa kamatayan mo. Kaya before mo malaman 'to, maghanap ka na muna ng libingan mo. This work is about life and death, so ....  are you in or are you out?" Pananakot niya sa mga kaklase namin.

"Ano ka ba Amrita, h'wag ka ng mag-involve ng mga inosente. Marami pang pangarap ang mga 'yan" pagsakay naman ni Adeel.

Ano ba ang mga 'to? Elementary student na naghahanap ng away?

"Okay settle down!" Pagdating ng teacher namin bago pa tuluan ng mga pawis ang mga kaklase namin.

Natapos ang klase ng tahimik at payapa. Siguro dahil narin hindi present sa klase si Mari na ngayon ay nasa office parin at si Bea na na excuse sa buong klase.

"Kompleto na ba tayo?" Tanong ni Chairman pagdating namin sa office. Nandito rin sila Andromeda, Circinus, Lyra, si Crux, at si Tarra. "Si Everette?" Tanong ni Tarra.

"Nasa Disciplinary Committe Room pa" sagot ni Mari.

"Hindi parin siya tapos?" Mahinang tanong ni Tarra.

"Alam mo naman na  kapag si Everette na ang nagtrabaho, kailangan detalyado. Tarra, pwede bang sunduin mo na siya?" Sabi ni Chairman. Tumango naman si Tarra at naglaho siya.

May lumitaw na map sa ere, I mean may parang nakadrawing na mapa sa hangin. "Ito ang mapa ng Astral. At dito natin matatagpuan si Sagittarius" tinuro ni Circinus ang isang lugar. Mukha itong isang isla na malawak pero pumukaw ng attention ko ang isang maliit na isla na nasa gitna nito. Oo, isa 'tong isla pero mistula itong bilog na may butas sa gitna at nanduon ang isa pang isla.

"The Living Crystal Island" mahinang bulong ni Aquarius na  narinig ni Circinus.

Tumango si Circinus "Nag-iisang isla na buhay sa Astral. Pinoprotektahan niya ang sarili niya sa pagkasira gamit ang Crystal. Isla kung saan bawal mabuhay ang mga Constellation"

"Tama, dahil once na gumamit ka ng Stellar. Mababalot ka ng yelo at magmimistula kang isang crystal na kahit kailan hinding-hindi mawawasak sa oras oras na tuluyan kang mabalot" dugtong ni Aquarius.

"Naiintindihan ko na kung bakit nagkaroon ng isang isla sa gitna ng isang isla" sabi ni Mari.

"Dahil nilalabanan ni Sagittarius ang parusa ng isla" dugtong ko naman.

"Meaning to say, imposibleng diyan natin makalaban si Ophiuchus" pagsulpot ni Eve  sa likod namin kasama si Tarra.

Tumango si Circinus "Isang pagkakamali lang at maramdaman ng isla ang Stellar niyo, mababalot kayo ng yelo. Kaya nakakasigurado akong magiging komplekado ang lahat dahil sa di ko malamang dahilan, nagagamit ni Sagittarius ang Stellar niya sa isla"

"Maari din naman nating gamitin ang Stellar na'tin sa isla katulad niya. Kung katulad din natin siyang kayang isakripisyo ang buhay niya. Isang constellation parin siya wether he was a fallen or not. Katulad lang natin siya, kung kaya niya ... kaya rin natin. Mamamatay at mamamatay lang din naman tayo kahit hindi tayo gumamit ng Stellar" walang katakot takot na sabi ni Eve.

"Just to tell you guys, kausap ko kanina si Ether. Nadagdagan ang crack sa gilid ng Dimension. Kung magpapatuloy pa 'to, bibilis ang pagkalat ng negative Aura o ang Dark Aura sa paligid" sabi ni Tarra.

"Malinis na ang Aura mo diba, Everette? Siguro naman matitino na ang mga salitang lumalabas sa bibig mo--" putol ni Eve kay Circinus.

"May gusto ka bang simulang gulo?" Tanong ni Eve with a scary serious facial expression. "Alam ko tumatakbo sa isip mo. Gusto mong gamitin ko ang Stellar ko para isarado ang Dimension, tama ba ako?" Dugtong niya.

Nangiti naman si Circinus. "But sad to say, hindi pwede. Para akong kakalaban ng milyong milyong Fallen Constellation kapag ginawa ko 'yon. Ako ang unang babagsak bago ko pa masarado ang Dimension"

"Bakit hindi ka ba willing magsacrifice?"

"Gusto mong mauna?"

"Bakit susunod ka ba?"

"Okay tama na" awat naman ni Chairman.

"Magiging komplikado lang ang situation kung makikipagsapalaran tayo. Walang kasiguraduhan na kahit isakripisyo ko ang  buhay ko, hindi tayo 100% sure kung masasarado ko ang Dimension within that time. Kaya h'wag kang mag suggest ng imposible"

"Isang choice lang ang mayroon tayo. Ang magkasama-sama ang mga Zodiac at magamit ang Brightless Star para maisara ang Dimension" sabi ni Adeel.

"Okay bukas, exactly 4 o'clock in the morning. Magkita kita tayo sa Orphanage. Marami pa akong aayusin. Magkitakita nalang tayo" naglalakad palabas ng office na sabi ni Eve.

"That's all. Magkitakita nalang tayo bukas" sabi ni Chairman.

"Chairman, magpapaiwan parin ba kayo dito sa mundo ng mga mortal?" Tanong ko.

Umiling siya "Kinausap ko na ang mga nasa Head Office about sa pag-absent ko ng ilang araw. I think this will be the end kaya sasama na ako sa inyo tomorrow. Maiiwan dito sila Andromeda para narin may bantay dito sa school"

Hm, ito na nga ang huli. Nararamdaman ko rin. Dahil panigurado narin, binabantayan ni Ophiuchus si Sagittarius.

Pagkatapos ng usap namin, dumiretso uwi din kami. Hinanda namin ang mga gamit namin at nagpahinga rin. Sa pagpatak ng 4 am, unti-unti narin silang nagsisidatingan.

Gamit ang gravity tinutulungan kaming makalipad ni Adeel except kay Eve na mas  piniling gamitin ang sarili niyang Stellar.

Sa pagpasok namin sa Astral, hindi kami dumiretso sa Palasyo kung hindi hinanap kaagad namin ang isla na ipinakita sa'min ni Circinus.

Pero, nang makarating kami. Hindi iyon ang imaheng inaasahan namin sa isla. Kahit tanaw mula dito sa itaas ang mapunong isla, hindi maalis sa paningin namin ang halos maglaho ng isla dahil sa mga hiwa-hiwalay na parte nito.

Napansin ko ang pagbago ng expression ng mukha ni Eve "May problema ba, Eve?"

"Napakadilim ng Aura ang nararamdaman ko mula sa isla"

"Si Sagittarius?" Tanong ni Adeel.


"Dalawang Aura 'to, paniguradong kay Sagittarius at kay Ophiuchus"



Tbc ...

Light within the Darkness: The Fallen StarWhere stories live. Discover now