Prologue

10.9K 219 5
                                    

"What the f*ck ! Walang preno !" Natataranta niyang sabi.


"A-ano ?! Walang preno ?" Naguguluhang sabi ko.


Halos mataranta kaming dalawa kung ano ang sunod naming gagawin ng may sumulpot na truck sa intersection kaya iniwasan niya 'to. Dahilan upang magtungo ito sa malalim at madilim na bangin.


"Malalag-lag tayo !" Sigaw ko.


"Umalis kana hangga't kaya pa ! Bilis !" Sigaw niya sa akin.


Tumingin ako sa kanyang mga mata at hinawakan ko ang kanyang kamay. Ramdam ko sa kanyang palad ang kaba at takot sa kung anuman ang posibleng mangyari.


"No ! Sabay tayong aalis sa kotse na 'to at hindi ako papayag na maiwan ka !" Naiiyak na sabi ko. Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay.


"UMALIS KANA !... Tandaan mo mahal na mahal kita" Ngiting sabi niya hindi man niya ito sabihin pero alam ko sa sarili ko na gusto niya ding maka alis sa kotseng ito.


Binuksan niya ang pinto ng kotse at tinulak ako. Nagpagulong-gulong ako sa kalsada na parang isang papel. Halos 'di ko na maramdaman ang buo kong katawan dahil sa paggulong na nangyari. Nakarinig ako ng ambulansya at sirena ng police. Duguan ang aking mukha at hindi ko maigalaw ang aking buong katawan.


Tumingin ako sa kotse kung saan nandoon siya nakita ko na tumama 'yon sa gilid ng poste at nahulog sa bangin, kasabay 'non ang pagsabog ng kanyang sasakyan.


"HINDI MAAARI !" Sigaw ko at unti-unting pumikit ang aking mga mata...


...

Welcome sa mga readers if meron 😝

-Author na cute 😝

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now