The Finale

5.3K 98 24
                                    

Iplay nyo ang kantang 'to habang binabasa ang chapter na 'to.

...

{The one that got away}

...

<Kresh POV>

Iminulat ko ang aking mga mata puro puti ang nasa aking paligid na mayroong magagandang bulaklak. May nakikita akong daanan na tuwid at may daanan na baluktot. May naririnig akong mga boses na tumatawa na animo'y merong kasiyahan na nagaganap.

"A-anong lugar 'to ? Patay na ba ako ?" Tanong ko sa aking sarili.

May narinig akong nagsasalita sa aking likuran tiningnan ko 'yon at nakita ko si Zebren naka suot na kulay puti. Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng napaka higpit. Umiyak siya sa aking balikat na parang isang bata.

"Ang OA mo naman ! Wag kang umiyak dyan di kana bata" Pang-aasar ko sa kanya.

"A-alam mo ba na ito ang huling beses na makiktita at mayayakap kita ?" Tanong niya sa akin.

Huh ? Ano bang ibig niyang sabihin ?... Kumalas siya sa pagkakayap sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Ano bang pinagsasabi mo dyan ? Teka ano bang lugar 'to ?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang aking kamay...

"Nandito tayo kung saan ang lugar na 'to ay espesyal... Wala ng kagutuman at kapighatian" Sabi niya habang nakatingin sa aking mga mata.

"H-hoy anong pinagsasabi m-mo ? Nahulog---" Di ko pa natatapos ang sasabihin ko ng maalala ko ang nangyari.

Flash back...

"What the f*ck ! Walang preno !" Natataranta niyang sabi.


"A-ano ?! Walang preno" Tanong ko.


Natataranta kaming dalawa kong ano ang sunod naming gagawin ng may sumulpot na truck sa intersection kaya naman iniwasan 'to ni Zebren.


"Zebren ! Malalag-lag tayo sa bangin !" Sigaw ko.


"Umalis kana hangga't kaya pa ! Bilis !" Sigaw niya sa akin.


Tumingin ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya...


"No ! Sabay tayong aalis sa kotse na 'to !" Sigaw ko sa kanya.


"UMALIS KANA !... Tandaan mo mahal na mahal kita Kresh Dela Fuente" Ngiting sabi niya.


Binuksan niya ang pinto ng kotse at tinulak niya ako. Nagpagulong-gulong ako sa kalsada na parang isang papel. Halos 'di ko na maramdaman ang buo kong katawan dahil sa paggulong ko. Nakarinig ako ng ambulansya at sirena ng police. Duguan ang aking mukha at hindi ko maigalaw ang aking mga paa at kamay.


Tumingin ako sa kotse kung saan nandoon si Zebren nakita ko na tumama 'yon sa gilid ng poste at nahulog sa bangin, kasabay 'non ang pagsabog ng kanyang kotse.

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now