Chapter 14 : Worst Day

5.5K 146 2
                                    

<Zebren POV>...

Kanina pa ako naglalakad at hinahanap si Kresh pero hindi ko siya makita. Hindi ako mapakali ewan ko ba kung bakit, maybe concern ako sa kanya. Papasabugin ko talaga ang mukha ng Kasper na 'yun kapag nakita kong umiyak si Kresh sa harapan ko.

"Bro, I think gusto mo si Kresh" Sabi ni Nogor.

"Nagpapatawa kaba ? Hindi ko siya gusto" Dipensa ko.

"Sus nag deny pa ! Halata kaya sa mga kilos mo at yung nangyari kanina ? Grabe ngayon lang kitang nakitang ganon" Singit ni Silon sa usapan.

Bakit ? Concern lang naman ako sa tao dahil wala siyang laban sa mga estudyante ng Ellites. Well wala naman akong gusto sa kanya. At the same time babae siya kaya mahina din ang emosyon niya pagdating sa mga bagay na komplikado.

"Bro ! Tinamaan kana ni kupido" Natatawang sabi ni Nogor.

"Shut up ! Isa pa kayo ang susuntukin ko" Pagbabanta ko.

Buti na lang at tumahimik sila dahil kung hindi sabog ang nguso nila sa akin. Inilibot ko ang paningin sa wakas at nakita ko na din si Kresh kasama niya si Chelsey.

Mabilis akong lumapit sa pwesto nila at nakita ko siyang umiiyak. Ewan ko ba para akong nasasaktan nang makita ko siyang umiiyak. Yung tipong nararamdaman ko din ang feelings niya.

Nagulat siya ng makita niya ako, mukhang wala siyang ideya na hahanapin ko siya. Umupo ako sa tabi niya para maka usap ko siya ng mabuti.

"Maiwan muna namin kayong dalawa" Sabi ni Chelsey.

"Pero gusto namin dito !" Sabay na sabi ni Silon at Nogor.

"Wag na kayong magulong dalawa dahil Moment nila 'yan !" Sigaw ni Chelsey sa kanilang dalawa.

Natawa ako sa ginawa ni Chelsey piningot niya ang tenga nito at naglakad paalis kasama sila Nogor. Kaming dalawa na lang ang naiwang dalawa kaya nagkaroon ng ilang minutong katahimikan.

"Ayos ka lang ba ? Nalaman ko kasi ang nangyari sayo" Sabi ko.

"Oo, ayos lang ako... Salamat"

Kung titingnan mo siya sa kanyang mukha halata mo na hindi siya nagsasabi ng totoo. Tinitigan ko ang buong mukha niya ang ganda niya para siyang isang angel na bumaba sa lupa.

"Hoy ! B--akit mo ako tinitingnan ? May dumi ba ang mukha ko ?"

"W--ala naman... A--ng ganda mo pala" Bulong na sabi ko.

Umiwas siya ng tingin sa akin at nakita ko namula ang kanyang pisngi. Nakakatuwa siyang tingnan... What ! Anong nangyayari sayo Zebren ? Bakit ka nagagandahan sa pangit na 'yan ?

"Bumalik kana sa klase mo for sure baka hinahanap ka nila doon"

"Sigurado ka ba na ayos kana ?" Tanong ko.

"Oo naman, promise !" Itinaas niya ang kanang kamay niya kaya natawa ako.

"Ano bang nakakatawa sa ginawa ko ?"

"Wala... Ang cute mo kasi sa part na 'yan"

Umiwas siya ulit ng tingin sa akin at nakita ko siyang ngumiti kaya gumaan ang pakiramdam ko. Ewan ko ba kung anong meron sa babaeng 'to at napagaan niya ang pakiramdam ko humupa na din ang galit ko.

"Sige na alis na, wag mo na kamig damayan sa pag ditch ng klase ni Chelsey" Natatawang sabi niya.

"Sige... Aalis na ako"

Tumayo na ako para bumalik sa klase pero bago 'yun ngumiti ako ng napaka laki, hindi ko mapaliwanag kung bakit. Na babaliw na ata ako...

<Kresh POV>...

Hindi ko inaasahan na hahanapin ako ni Monster. Mukha naman siyang nag aalala sa akin dahil kita ko sa mga mata at mukha niya.

"Sigurado kaba na ayos kana ?" Tanong niya.

"Oo naman, promise !" Itinaas ko ang kamay ko at natawa siya sa ginawa ko.

"Ano bang nakakatawa sa ginawa ko ?" Pagtataka ko.

"Wala... Kasi ang cute mo sa part na yan"

Iniwas ko ang tingin sa kanya at napangiti na lang ako ng hindi ko namamalayan. Ewan ko bakit nagbago bigla ang ugali ni Zebren actually pa iba-iba ang mood niya minsan masungit, minsan mabait.

Pinaalis ko na siya dahil may klase pa at ayaw ko naman na mag ditch siya ng dahil sa akin. Tumayo na siya at nagsimulang maglakad ng malayo na siya sa aking pwesto, tiningnan ko siya ewan ko ba kung na malik mata lang ako pero nakita kong nakangit siya.

"Ang weird niya talaga" Bulong ko.

Habang palapit sa pwesto ko si Chelsey sigaw siya ng sigaw kaya tumingin ako sa kanyang direksyon.

"Ano bang sinisigaw-sigaw mo dyan?"

"Grabe ka girl ! Ikaw na ! Bihira mo kinausap ka ni Sir Zebren at kita ko sa mata niya na nag aalala siya para sayo !"

Sus ! Parang 'yun lang pala kala ko anong nangyari sa babaeng 'to. Hindi naman big deal 'yon dahil siguro normal lang na mag alala siya sa akin dahil maid niya ako.

"Pansin ko lang girl hindi ka inuutusan ni Sir Zebren dito sa Academy"

Ako din pansin ko din na hindi niya ako inuutusan kapag nakikita ko siya dito sa Academy. Much better na 'yun dahil may free time ako dito sa Werdomz Academy.

Wala na kaming balak bumalik sa klase ni Chelsey kaya naman lumabas na kami ng Academy at tumambay sa park.

"Sino kaya ang may pakana ng lahat kanina ?" Tanong ni Chelsey.

"Alam mo kilala ko na kung sino" Naiinis kong sabi.

"Sino naman ?"

"Edi yung Spice Girls o di kaya si Syndra !" Galit na sabi ko.

Naglakad muna kami ni Chelsey sa park. Pinag iisipan namin kung paano kami makaka ganti sa Spice Girls. Masama na kung sama pero hindi ako magpapatalo.

"Alam ko na... Maglagay tayo ng pandikit sa mga upan nila para masaya !"

"Nice idea pero may isa pa akong plano... Tapunan ng ihi ang tatlong babaita na 'yon"

Nagtawanan kami sa aming na isip na plano laban sa Spice Girls. Bukas na bukas magaganap ang palabas at magiging patok 'yon sa buong Werdomz Academy. Tingnan lang natin kung ano ang magiging itsura nila.

"Gabi na pala... Tara umuwi na tayo"

Tumayo na kami at nag antay ng masasakyan sa gilid ng kalsada. Ito na ata ang pinaka pangit na araw sa buong buhay ko. Bihira mo ang daming naganap na hindi ko inaasahan.

May mga taong mapanghusga, mga taong walang paki alam sa paligid at mga taong may concern at kasama na doon si Zebren. Nakakatuwang isipin na ibang Zebren Blare ang nakita ko kanina. Siguro na untog sa pader ang ulo ng lalaking 'yon o baka naman na ihipan ng masamang hangin kaya bumait na lang bigla.

"THIS IS THE WORST DAY EVER !"

Lagot talaga sa akin ang taong nagpakalat ng litrato ko sa Academy...

...

Salamat sa mga readers and don't forget to vote and comment guysue.. 😄😃

-Author na cute 😉😂

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now