Chapter 5 : Stress

7K 166 7
                                    

Mabilis akong bumaba ng hagdanan at nagpunta sa kusina. Halos tumakbo ako para makalayo sa Zebren na 'yon. Hingal na hingal akong lumapit kay Chelsey.

"Anong nangyari sayo mukhang pagod na pagod ka ?" Tanong niya.

"P--paano pa naman yung muntik ng makasagasa kagabi sa akin ay anak pala ni Mr. Blare !" Halos habulin ko ang aking hininga.

"Ano ? muntik ka ng masagasaan kagabi ?!" Gulat na tanong niya.

"Oo ! At ang nakakainis pa siya ang lalaking babantayan ko ! Hindi pwede Chelsey" Nakasimangot na sabi ko.

Tinusok ni Chelsey ang aking tagiliran kaya naman nakiliti ako dahil 'yun ang kahinaan ko.

"Ayiieee ! Destiny yan Kresh actually na basa ko na yan sa Wattpad ang swerte mo girl !" Sigaw niya.

Anong destiny 'don ? Ang tawag doon ay malas ! Bakit ba napaka saklap ni Tadhana sa akin ? Sa dami ng pwede kong pasukan at makita yung Zebren pa talaga.

Sus ! Hindi siya swerte para sa akin !. Itaga mo sa bato hinding hindi ako papatol sa isang lalaking ubod ng bastos at sira ulo. Ang yabang porket anak lang ni Mr. Blare kala mo kung sino maka-asta.

Nagmomoment pa ako ng binatukan ako ni Chelsey kaya napatingin ako sa kanya.

"Aray ! Ano bang problema mo Ang sakit kaya !" Pagmamaktol ko.

"Gaga ! di mo ba naririnig tinawag ka ni Monster ay este sir Zebren !".

Dahil lutang ang isip ko ngayon hindi ko narinig na tinatawag na pala ako ni Monster Zebren. Tuwing nakikita ko siya nakikita ko ang awra ng isang nakakatakot na halimaw. Ewan ko ba kung aakyat ulit ako sa kwarto niya pakiramdam ko kasi may balak na naman ang Monster na 'yon.

"Teh ! Umakyat kana sa taas baka mamaya magbuga ng apoy 'yon yari ka". Tinulak ako ni Chelsey sa elevator wag na daw akong gumamit ng hagdanan dahil mapapagod lang daw ako.

Pinindot ko ang elevator papuntang 2nd floor at ilang saglit lang ay nandoon na ako kaya mabilis akong lumabas ng elevator at nagtungo sa kwarto ni Monster Zebren.

"Pangit ! Tara dito may iuutos ako !" Sigaw niya.

Rinig na rinig dito sa labas ang sigaw niya siguro lumunok 'to ng mega phone dahil sa lakas ng kanyang boses. Di na ako kumatok mabilis akong pumasok sa kwarto niya at naka kita ako ng pandesal sayang wala akong dalang palaman.

Hindi ko maalis ang tingin sa kanyang katawan mayroon siyang six pack abs at ang laki ng chest at braso niya. Nakalagay ang towel sa bewang niya at kitang kita ang v line niya.

"Do you like the view huh ?". Evil smirk niya.

"Sira ulo ! Anong do you like the view ka dyan ?! Ang sabihin mo ang sarap mong ipasok sa sako at ipatapon sa Pasig River !".

Tumalikod ako dahil hindi ko mapagilan na hindi tumingin sa kanyang katawan baka magkasala pa ako o di kaya makasuhan. Jusko ko ang hot naman kasi ane be !...

"Ano bang kailan mo bakit mo ako tinatawag ?" Sabi ko habang naka talikod

"Natapon kasi yung juice sa sahig pwede paki linisan at pakibilisan na din"  Turo niya sa sahig.

Agad akong lumabas ng kwarto niya at bumaba para kumuha ng mop pamunas sa juice na natapon. Padabog akong pumasok sa kwarto niya at sinimulan ko ng lampasuhin ang sahig. Habang nilalampaso ko ang lapag nagtatapon naman siya ng papel sa lapag.

"Oppss ! Sorry natapon ko, paki linis na lang pangit" Pang-iinis niya.

Nang aasar ba siya ? Wag niya lang akong sagarin dahil kapag hindi ako nakapagtimpi masakal ko siya ng wala sa oras.

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon