Chapter 15 : The Truth

5.6K 124 0
                                    

Nagising ako sa alarm clock ng phone ko kaya bumangon na agad ako at pumunta sa cr para maligo dahil mag aalmusal ang mga Blare. Makalipas ang ilang orasyong ginawa ko lumabas ako suot ang damit na pang maid.

"Good morning world !" Sigaw ko at umunat muna ako ng kaunti.

"Gising kana pala Kresh... Dalhin mo ito sa lamesa dahil may aasikasuhin pa ako" Utos ni Manang Fely.

Kinuha ko ang dala niyang kanin at inilapag 'yon sa lamesa. Nakarinig ako ng yabag na mga paa kaya napatingin ako doon. Nakita ko si Mrs.Blare na naglalakad kasama si Mr.Blare

"Good Morning po" Bati ko.

"Good Morning din iha" Sagot ni Mr.Blare.

Dinaanan lang ako ni Mrs.Blare na parang walang nakita. Nagtataka ako kung bakit wala pa si Zebren dahil lagi siyang sumasabay kala Mr.Blare sa pagkain ng almusal.

Ano kayang nangyari kay Monster ? Nakakapanibago naman...

"Iha, kung hinahanap mo si Zebren nasa kwarto siya at masama ang kanyang pakiramdam" Sabi ni Mr.Blare

"Ganon po ba ? Sige po babantayan ko na lang po siya buong araw"

"Wag na iha... Andyan naman sila Manang Fely, besides need mong humabol sa klase dahil late kang pumasok sa Werdomz Academy" Ngiti sa akin ni Mr.Blare.

Umupo na sila at sinimulan ang pagkain, hindi mawala sa isip ko si Zebren dahil masama ang pakiramdam niya ngayon. Nang matapos na sila Mr.Blare at Mrs.Blare kumain nagpalit na ako ng uniform dahil papasok na kami ni Chelsey.

"Uyy ! Nag aalala siya kay Sir Zebren... Ayiiee !" Pang aasar sa akin ni Chelsey.

"Manahimik ka nga dyan ! Baka mamaya marinig ka nila Manang Fely... Hindi ako nag aalala concern lang ako"

"Sus ! Nagrason kapa Kresh... Parehas din 'yon"

Naka suot na kami ni Chelsey ng uniform at pumasok na sa loob ng kotse nila Mr.Blare. Nakita kong nakatingin sa side mirror  si Mang Jose kaya napakunot ang aking noo.

"In love kaba iha ?" Tanong ni Mang Jose.

"A--ano pong pinagsasabi nyo dyan ?" Nauutal kong sagot.

"Nako Mang Jose in love po si Kresh, ayaw lang niya aminin sa atin" Sabat ni Chelsey.

Natawa si Manong Jose sa sinabi ni Chelsey kaya kinurot ko siya sa tagiliran para tumahimik. Kahit kailan talaga napaka daldal ng babaeng 'to.

Dahil hindi naman traffic ngayon nakarating kami ng maaga sa Werdomz Academy. Naglakad kami papasok sa loob ng makita ko si Syndra at kasama niya ang mga alipores niya.

"Chelsey ! Sila Syndra sundan natin"

Sinundan namin sila at papunta sila sa likod ng Academy. Nagtago kami baka mahuli nila kami, kailangan kong malaman kung sila ang nagkalat ng litrato ko sa buong Academy. Dahil sa oras na malaman kong sila nga ang may gawa well good luck sa kanila.

<Syndra POV>...

Flashback...

Naiirita ako sa pagmumukha ng babaeng 'yon ang lakas ng loob niya para kalabanin ang tulad ko. Kaya nag isip ako ng paraan para masira siya sa buong Academy. Sinundan namin sila sa kanilang pag uwi hindi ako maka paniwala na dito siya nakatira.

"Is this serious ? Dito siya nakatira sa bahay nila Zebren ?" Sabi ni Lerry.

"I think hindi siya mayaman dahil isa siyang Dreve at imposible na isa siyang Luxurious" Sagot ni Niles.

Tama si Niles imposibleng isa siyang Luxurious dahil ang suot niyang uniform ay pang Dreve. Kailangan kong maka isip ng paraan kung paano siya masisira sa buong Academy.

"So what's our plan Syndra ?" Tanong sa akin ni Niles.

"Just wait for a while girls"

Naghintay kami ng ilang minuto at nakita ko siyang lumabas ng masyon para magtapon ng basura. Natawa ako dahil isa pala siyang maid nila Zebren so poor.

"What ! Maid pala siya ! Grabe muchacha lang pala siya nila Zebren" Natatawang sabi ni Lerry.

Kinuhaan ko siya ng litrato at ikakalat ko 'to sa buong Academy para malaman nila na ang babaeng hampas lupa na 'to ay isa palang maid ng mga Blare.

"Ok na... Let's go !"Masayang sabi ko.

Nagtawanan kami nila Lerry at Niles dahil sa aking na isip na plano laban kay Kresh na isang hampas lupa.

Maaga akong pumasok sa Academy at idinikit ko ang nakuha kong picture sa hallway. Gusto kong makita ng lahat at tingnan na lang natin kung ano ang mararamdaman ni Kresh.

End of Flashback...

Pumunta ako sa likod ng Academy at na isipan kong kausapin sina Lerry dahil success ang naging plano namin.

"Girls ! Nakita nyo ba ang itsura ni Kresh ? Sobrang nakaka-awa"

"Yeah ! and ito pa nag inarte pa ang bruhang 'yon, bihira mo may pa iyak iyak pang nalalaman" Natatawang sabi ni Niles.

Well dahil success ang plano kailangan naming mag celebrate, I'm so good this day ito na ang pinaka magandang araw sa lahat.

"Let's go girl, magsisimula na ang klase dahil mamaya magpaparty tayo paguwi !" Sigaw ko.

Kawawang Kresh isang dakilang talunan sa larong 'to I think panalo ako !...

<Kresh POV>...

Nandito kami ngayon sa likod ng Academy narinig namin mismo ni Chelsey na ang Spice Girls ang may pakana ng lahat. Ang sarap nilang pag untugin nakakainis.

"Tama nga ang hinala mo Kresh na ang Spice Girls ang may pakana ng lahat... So tuloy ang plano ?"

"Oo naman Chelsey ! sisiguraduhin kong sa laro na 'to tayo ang mananalo"

Gusto pala nila ng gulo, pwes ! pagbibigyan ko sila dahil hindi ako magpapatalo sa mga ganitong bagay dahil ako si Kresh Dela Fuente.

Naiisip ko pa lang ang mga plano namin ni Chelsey natatawa na ako dahil hindi niya magugustuhan ang surprise ko sa kanya mamaya. Well pinaghandaan ko 'yun, tingnan natin kung makakatawa pa silang tatlo sa gagawin ko.

Tumunog na ang bell kaya naglakad na kami papasok sa aming klase. Sa ngayon kailangan ko munang mag focus sa study.

Nasa klase na kami ni Chelsey at nagaantay ng teacher, naisipan kong kausapin si Natasha sinabi ko sa kanyang ang buong nangyari kahapon kung bakit wala kami sa klase ni Chelsey.

"Grabe napaka sama talaga nila ! May magagawa ba ako para makatulong sayo ?" Sabi ni Natasha.

"May plano kami ni Chelsey at hindi kita isasama sa plano namin dahil ayaw kitang madamay Natasha"

Niyakap niya ako ng napaka higpit ramdam ko sa yakap niya na nag aalala siya para sa akin.

"Magiging maayos din ang lahat Natasha" Nakangiting sabi ko.

Dumating na ang teacher namin kaya bumalik na kami sa aming upuan at nag simula na ang klase. Dahil mamaya magkakaroon ng ihi shower 2018.

Let the karma and my revenge for the win...

...

Don't forget to vote and comment guysue

Salamat sa pagbabasa

-Author Na Cute

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now