Chapter 20 : Truth or Dare ?

5.5K 116 3
                                    

<Zebren POV>...

Hapon na ng makalabas kami ni Kresh sa bodega ng mga pinaglumaan na papel. Mabilis siyang naglakad paalis tinawag ko siya pero hindi niya ako nilingon.

"Anong problema ni Pangit ?" Kamot batok kong tanong sa aking sarili.

Umalis na ako dahil late na ako ng limang minuto sa klase, pagdating ko wala pang teacher kaya umupo ako sa dulo at naglagay ng earphone sa tenga.

Biglang pumasok sa isip ko ang ginawa kong pagyakap kay Kresh ng may sakit ako kagabi. Naramdaman ko na may dumaloy na boltahe sa aking katawan. Bumilis din ang tibok ng puso ko. Ang weird niya at hindi ko siya maexplain. Na babakla ata ako damn !...

May kumakalabit sa akin kaya nilingon ko kung sino. Napataas ang kilay ko ng makita ko ang dalawa kong ungas na kaibigan.

"Bakit nandito kayo ? Diba may klase kayong dalawa ?"

"Ayaw mo ba kaming nakikita Zebren ?" Sabi ni Nogor.

Oo dahil panggulo kayong dalawa sa tahimik kong mundo. Mga papansin walang magawa sa buhay.

Alam ko na may kalokohan na gagawin ang dalawang 'to kaya sila nandito.

"Tss ! Ano na naman ba ang plano nyo at nandito kayo ? Baka mamaya maabutan kayo ng next subject teacher" Sabi ko.

"Alam mo ang sungit mo talaga kahit kailan... Simula ng makilala mo si Kresh napapangiti kana unlike dati always serious" Sabi ni Silon.

Talaga ba ? Parang hindi ko naman pansin na ngumingiti na ako. Simula ng dumating si Kresh mas lumawak ang mundo na ginagalawan ko. Nakakainis minsan sinusundan niya ako na parang bata.

"So anong kinalaman ni Kresh sa usapan natin dito ?" Tanong ko.

"Gusto mo ba si Kresh Dela Fuente ?" Tanong ni Silon sa akin.

Nagpapatawa ba siya ? Ako magkakagusto kay Kresh ? Sobrang labo kahit pumuti pa ang uwak hindi ako maiinlove sa pangit na 'yon.

"Hindi ! Mga baliw na talaga kayo !"

"Hahaha ! Bakit masyado kang defensive dyan ?" Pangaasar sa akin ni Nogor.

Sabi na kaya pumunta ang mga ungas kong kaibigan dahil may trip na naman sila. Sa susunod nga sasabihan ko ang president namin na wag silang papasukin dito sa klase nakakaasar.

"Umalis na kayo ! Lalakas na naman ng mga trip nyo" Inis na sabi ko.

"Easy lang bro ! Tutal wala pa naman kayong teacher maglaro muna tayo" Suggestion ni Silon.

Tiningnan ko si Nogor na pabor sa naisip ni Silon kaya kumuha siya ng plastic bottle na may lamang kaunting tubig.

"So... Ang lalaruin natin ay spin the bottle... Kapag natapat sayo ang pwet ng bottle na 'to ikaw ang magpapa truth or dare" Pagpapaliwanag ni Silon.

Well dahil wala pa naman si Maam maglalaro muna ako habang nagaantay. Tatlo lang kaming naglaro sinimulan ng paikutin ni Nogor ang bottle at tumapat kay Silon ang pwetan ng bottle.

"Truth or Dare ?"

"Truth !"

"Hindi kana ba birhen tulad ng ibang babae ?" Tanong ni Silon kay Nogor.

"Hindi na... Kasi may naka one night stand ako" Naiilang na sagot ni Nogor.

Nabigla ako sa nalaman ko hindi ako makapaniwala na ang intense ng mga tanong. Paano pa kaya kapag ako na ang sinabihan ng truth or dare. Wag lang nila akong pahirapan dahil masusuntok ko sila.

"Grabe ka bro ! Di kana pala birhen sayang !" Natatawang sabi ni Silon kaya binatukan siya nito.

"G*go ! Wag mo akong tawanan baka mamaya nasa lapag kana"

Natawa na lang ako sa kanilang dalawa dahil ang kulit nilang tingnan para silang mga bata.

Kinuha ko ang plastic bottle at ako naman ang nagpaikot, huminto ang bottlle kay Silon at ako ang magpapa truth or dare.

"Yun ! Yari ka sa akin ngayon Silon"

"Wag mo akong pahirapan Zebren dahil yari ka sa akin !" Itinaas niya ang kamao niya at nilapit sa mukha ko. Kala naman niya matatakot ako sa kanya.

"Truth or Dare ?"

"Dare !"

"Halikan mo ang president namin" Utos ko.

Good luck na lang sa kanya dahil nakakatakot pa naman magalit si President lalo na sa mga lalaking manyakis.

"Ang easy naman bro !" Pagmamayabang ni Silon.

Tumayo siya at lumapit sa kinaroroonan ni Ms.President. Hinalikan niya 'to kita ko sa mukha ni Ms.President na nagulat siya sa nangyari. Kaya naman agad niyang tinulak si Silon at sinampal sa mukha.

"Bastos kang lalaki ka ! Ang kapal ng mukha mong halikan ako Mr.Silon !" Sigaw ni Ms.President

Ang sakit ng tyan namin kakatawa ni Nogor sa nakita naming nangyari kay Silon, super epic fail talaga siya kita namin na namumula ang kanang mukha niya dahil sa sampal na inabot niya kay Ms.President.

Naglakad siya papunta sa pwesto namin habang hawak ang mukha niya. Narinig namin siyang nagmura kaya napasalampak kami ni Nogor sa kakatawa.

"HAHAHA ! Grabe kung nakita mo lang mukha mo kanina ? sobrang epic !" Tawa ni Nogor.

"Bwiset ka ! Hindi mo sinabi sa akin na amazona pala ang president nyo sa klase !"

Kinuha ni Silon ang bottle at inikot niya ito, bumabagal ang pagikot ng bote kinakabahan ako dahil ayokong matapat sa akin ang bottle. For sure papahirapan ako ni Nogor at Silon.

Huminto ang bottle sa akin at si Nogor ang magpapa truth or dare sa akin. Kaya ngumisi siya ng sobrang laki na ikinatakot ko dahil may plano ang isang 'to na hindi ko magugustuhan.

"Truth or Dare ?" Tanong niya

"Dare !"

Ayokong piliin ang truth dahil ayaw kong may nakakaalam ng mga sikreto ko sa buhay, much better pa ang dare dahil utos lang naman ang gagawin ko.

"Dahil dare ang pinili mo ang utos ko ay... Paniwalain mo na gust mo siya after nyan ligawan mo si Kresh Dela Fuente" Ngisi ni Nogor.

Mas nawala ako sa mood ng marinig ko ang nais ipagawa sa akin ni Nogor dahil hindi ko kayang ligawan si Kresh. Wala akong balak gawin ang gusto niya dahil ayoko siyang masaktan. At higit sa lahat wala akong gusto kay Kresh.

"WHAT ! Seryoso kaba talaga ? Diba pwedeng iba na lang ?" Sabi ko.

"Oo... Diba wala ka namang gusto kay Kresh ? Easy lang sayo 'yan bro ! Ikaw paba ang tinik mo kaya sa babae... At isa pa laro lang ito"

Sira ulong Nogor hindi nagiisip na makakasakit kami ng tao.

"Tama ! Ligawan mo si Kresh at dapat hindi ka mahuhulog sa kanya" Singit ni Silon.

Tumango na lang ako dahil ayaw kong maging kj sa larong 'to. Liligawan ko si Kresh hindi dahil sa gusto ko siya, liligawan ko si Kresh dahil may laro akong dapat tapusin na ipinagawa sa akin ni Nogor.

Labag sa aking kalooban na gawin 'to pero need kong gawin para mapatunayan sa mga kaibigan ko na wala akong gusto kay Kresh Dela Fuente.

Kung ikaw ang papipiliin Truth or Dare ?...

....

Don't forget to vote and comment guysue

Salamat sa pagbabasa

-Author Na Cute

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon