Chapter 26 : Kiss

4.8K 115 6
                                    

Habang binabasa nyo ang chaper na 'to iplay nyo ang kantang 'to...

...

<Zebren POV>...

Kailangan ko ng gawin ang dare kahit hindi ko gusto at isa pa para matapos na ang larong 'to. Mukhang effective naman ang ginagawa ko para mapakilig si Kresh.

"So ano ng plano mo Zebren ?" Tanong ni Silon sa akin.

"Kukuhain ko ang loob ni Kresh tapos liligawan ko siya and wala na para matapos na ang dare"

"Cool ! I think mahuhulog ang loob ni Kresh sayo... Actually pansin ko nga na nahulog na siya sayo" Singit ni Nogor sa usapan.

Masama na kung masama pero alam ko talaga sa sarili ko na hindi ko siya gusto. Noong kaarawan niya ako ang huling nagbigay ng rosas at ako ang huling kasayaw niya. Ewan ko ba pero that time ang saya ko dahil nakita ko ang mga ngiti niya.

Para siyang sakit na mahahawa ka, habang sinasayaw ko siya sa loob ng mansyon sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nilabanan ko yung mga nararamdaman ko dahil nasa isang laro lamang ako at si Kresh dapat ang mahulog sa akin hindi ako.

Star gazing na mamaya kaya nag isip pa ako ng plano para mahulog sa akin ng tuluyan si Kresh. Gagawin kong romantik ang lahat kung saan peke ang lahat at hindi totoo.

"Ano kayang magandang gawin mamayang gabi para mahulog sa akin ng tuluyan si Kresh ?" Tanong ko kala Nogor at Silon.

"Edi bigyan mo ng rosas at isayaw mo siya habang may meteor shower ?" Sagot ni Nogor.

Nagawa ko na yan dapat yung unique at kakaiba. Yung tatatak sa utak ni Kresh ang gabi na gagawin ko sa kanya.

"Alam ko na hawakan mo ang kamay niya tapos manood kayo habang may meteor shower na magaganap" Sabi ni Silon.

Ang babaduy ng mga naisip nilang plano masyadong luma na. Bahala na ako ang gagawa ng paraan mamayang gabi.

Sa oras na umamin siya na gusto niya ako doon ko siya liligawan at pagkatapos... Hindi ko na alam ang gagawin siguro iiwan ko na siya at sasabihin sa kanya ang totoo.

Dinala ko ang malaking telescope dahil maraming tao ang pupunta mamaya at hindi ko makikita ang meteor shower na aabangan ko.

Nakasalubong ko si Kresh sa kanyang kwarto. Nakita kong tinulak siya ni Chelsey kaya nasubsob siya sa dibdib ko.

Kita ko sa mukha niya na namula ito at hinatak niya si Chelsey balabas ng mansyon.

Hindi niya alam na ako ang magmamaneho ng kotse dahil sinabihan ko si Chelsey na ako ang maghahatid sa kanila.

"A--anong g--ginagawa mo dito sa kotse ?" Tanong niya sa akin.

"Ikaw nga dapat ang tanungin ko, ano ang ginagawa mo sa kotse ko ? Don't tell me na gusto mo akong makasabay ?" Kininditan ko siya sabay umiwas siya ng tingin sa akin.

Mukhang madali kong magagawa ang plano ko kay Kresh.

Habang nasa biyahe tahimik ang dalawa sa likod ng kotse dahil sinabihan ko sila na ayaw ko ng maingay habang nagmamaneho ako.

Makalipas ang ilang minuto nasa parking lot na kami ng Academy biglang bumaba si Kresh habang tinatawag siya ni Chelsey.

"Pasensiya na sir mukhang nagmamadali po si Kresh"

Agad na bumaba si Chelsey para sundan si Kresh. Hindi marunong magpasalamat ang babaeng 'yon. Kung sa bagay matagal na pala siyang ganon.

Dumiretso ako sa gymnasium dahil may sasabihin daw about sa rules ng star gazing. Sa sobrang haba ng sinabi ni Mrs.Goers napapahikab ako. Hindi ko napigilang tingnan si Kresh sa pwesto niya.

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now