Chapter 24 : Boss

5K 110 0
                                    

<Kasper POV>...

I'm Kasper Drem isa ako sa Ellites ng Werdomz Academy isa ang pamilya ko sa pinaka mayaman sa lugar ng Leorphy. Kilala ang pamilya namin dahil sa malalaking business sa aming lugar.

Naisipan ni Daddy na dito ako pag aralin sa Werdomz Academy dahil baka sakaling magtino daw ako pero nagkamali siya. Mas lalo akong naging tarantado sa Academy na pinapasukan ko.

Flashback...

Bata pa lamang ako lagi akong binubully sa school hindi ko kayang ipagtanggol ang aking sarili dahil naduduwag ako. Araw-araw akong umiiyak walang araw na hindi nila ako sinaktan. Isa lang akong tahimik at walang kaibigan na bata.

"Lumaban ka Kasper Drem ! Masyado kang lampa !"

"Tama na ! Tigilan nyo na ako !" Pagmamakaawa ko sa kanila pero hindi parin nila ako tinantanan.

Halos umuwi ako ng may pasa at madumi ang uniform. Nagrarason na lang ako kay Mommy kapag nakikita niya ang itsura ko. Ayaw kong sabihin kay Mommy ang lahat dahil madidismaya sa akin si Daddy kapag nalaman niya na kinakaya-kaya lang ako ng mga classmate ko.

Gusto kasi ni Daddy na matapang, may paninindigan at higit sa lahat walang kinakatakutan. Strict si Daddy pagdating sa maraming bagay, halos bahay at school lang umiikot ang mundo ko dahil wala akong kaibigan.

Until one day may nagtransfer sa school na pinapasukan ko. Maputing lalaki, matangos ang ilong at mayroong makinis na balat. Halos lahat ng estudyante sa school ay napapatingin sa kanya.

Siya ang crush ng mga babae sa buong campus, naiingit ako sa kanya dahil nirerespeto siya ng mga tao samantalang ako hindi. Napaka unfair ng mga tao dahil nakatingin sila sa panlabas na anyo at hindi sa kalooban ng isang tao.

Uwian na kaya niligpit ko ang aking mga gamit dahil nandyan na ang sundo ko. Aalis na sana ako ng harangin ako ng mga classmate kong lalaki.

"Saan ka naman pupunta ? Maglalaro muna tayo bago umuwi"

"Pwede ba tantanan nyo na ako please ! Gusto ko ng umuwi !" Sigaw ko.

"Aba sasagot kapa ah !"

Pumikit ako dahil susuntukin ako ng classmate ko pero walang tumama sa aking mukha kaya minulat ko ang aking mata.

"Sino may sabi sa inyo na saktan nyo siya ?"

"Ano bang paki alam mo ? Sino kaba"

"Ako lang naman si Zebren Blare" After niyang sabihin ang pangalan niya sinuntok niya sa sikmura ang classmate ko at napahiga 'to sa lapag.

Nagsitakbuhan ang mga classmate ko kaya nilapitan niya ako. Grabe idol ko na siya bihira mo ang tapang niya at sa isang suntok lang napataob niya ang classmate ko.

"Ayos ka lang ba ? Ako nga pala si Zebren Blare... Ikaw anong pangalan mo ?"

"Ako si Kasper Drem... Nice to meet you" Nakipaghand shake siya sa akin kaya naman masaya ako dahil may isa na akong kaibigan sa school.

Lumipas ang pitong taon at magkaibigan pa din kami lagi kaming magkasama sa lahat ng bagay. Natuto akong ipaglaban ang aking sarili dahil kay Zebren halos araw-araw may kaaway kami at lagi kaming napapasabak sa gang war.

Umiikot ang mundo namin sa bar, sugal, gang wars at marami pang iba. Nagpapasalamat ako ng mga panahon na 'yon dahil nagkaroon ako ng kaibigan na handa akong damayan at protektahan.

Kapatid na ang turingan namin ni Zebren, minsan sa bahay siya natutulog kapag pinapagalitan siya ng parents niya. Hindi kami nakikinig sa sinasabi ng parents namin dahil may sarili kaming pananaw sa buhay ni Zebren.

Pero isang araw nagbago ang lahat ng umibig kami sa iisang babae. Siya si Jane Lopez mabait, maganda at higit sa lahat masayang kasama.

Iniwan naming dalawa ang bisyo namin para kay Jane, niligawan ko siya at ganon din si Zebren sa dulo ako ang nagwagi. Napaka saya ko noong mga oras na 'yon dahil sa wakas ang babaeng nagpapasaya sa akin ay girlfriend ko na.

"Congrats bro ! Masaya ako para sa inyong dalawa" Niyakap ako ni Zebren at umalis dahil may aasikasuhin pa daw siya.

Sa unang linggong relasyon namin ni Jane ay masaya pa kami pero habang lumilipas ang panahon nawawala na ang Jane na nakilala ko. Hindi na siya tumatawag sa akin tuwing alas dose ng tanghali, hindi na din siya nakikipag kita sa tagpuan namin.

One day naisipan ko na puntahan si Jane sa condo unit niya, bumili ako ng bulaklak at cake dahil monthsary naming dalawa. Excited akong isurprise siya dahil 3 months na kami.

Nasa tapat na ako ng condo unit niya at napansin ko na naka bukas ang pinto kaya naman pumasok na ako sa loob. Nakita ko ang sapatos ni Zebren kaya nagtaka ako.

"Huh ? Nandito pala si Zebren ? Bakit hindi niya sinabi sa akin ?"

Sinilip ko ang kwarto ni Jane pero wala siya doon, pagpunta ko sa kusina na abutan ko si Jane kahalikan ang kaibigan ko kaya nilapitan ko agad si Zebren at sinuntok sa mukha.

"G*go ka ! Pati girlfriend ko aagawin mo sa akin !" Napahiga siya sa sahig kasabay ang pagputok ng kanyang labi.

"Tama na Kasper ! Walang kasalanan si Zebren !" Sigaw ni Jane.

Nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang kwelyo, tumayo siya at ako naman ang sinuntok niya.

"Sira ulo kaba ! Girlfriend mo ang humalik sa akin !" Sagot niya.

Hindi ako naniniwala dahil alam kong may gusto siya kay Jane hanggang ngayon. Di niya lang siguro tanggap na ako ang sinagot ni Jane. Susuntukin ko sana ulit si Zebren kaso humarang si Jane sa gitna.

"Please tama na Kasper !... Totoo ang sinasabi ni Zebren na ako ang humalik sa kanya".

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Nakakatawang isipin na ang girlfriend ko pa ang humalik sa kaibigan ko.

"Anong pinagsasabi mo Jane ?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Dahil... Gusto ko si Zebren at hindi ikaw ! Ang totoo wala naman akong gusto sayo na aawa ako sayo that time dahil alam kong masasaktan ka kapag pinili ko si Zebren !"

Ang sakit pala na nagmukha kang tanga sa babaeng hindi naman pala ako mahal. Halos iikot ko ang mundo sa kanya, minsan nga wala na akong time sa sarili ko tapos ito lang ang maririnig ko.

Tumulo ang aking luha dahil ang minahal kong babae ay niloko lang pala ako.

"P--atawarin mo ako Kasper dahil 'yun ang totoo" Umiiyak na sabi ni Jane.

Umalis na ako sa kanyang condo unit dahil mukha pala akong tanga kung iiyak ako sa harapan nilang dalawa.

"Sisiguraduhin ko makakaganti din ako sayo Zebren Blare !" Galit na sabi ko at pinaandar ang kotse ng sobrang bilis.

Simula noon wala na kaming communication ni Zebren at doon na din nagtapos ang aming pagkakaibigan.

End of Flashback...

"Boss, handa na po ang ating plano laban sa kay Zebren at sa mga grupo niya"

Sa wakas magaganap ang araw na ako naman ang magiging masaya. Sisiguraduhin ko na mabubura sa mundo si Zebren at ang mahal niya na si Kresh Dela Fuente. Sisiguraduhin ko na kakagat sila sa plano ko.

"I'm the boss and no can't take away my throne !"

...

Nais ko lang magpasalamat sa inyo dahil malapit nang maabot ang 200k reads.

Don't forget to vote and comment

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon