Chapter 9 : Trouble

6K 135 4
                                    

Lumabas ako sa hallway baka sakaling naka tambay lang si monster dito sa labas. Grabe napaka laki talaga ng Academy na 'to at libo ang mga estudyanteng nag aaral dito kaso limitado nga lang dahil kapag mayaman ka welcome ka dito.


"Bwisit talaga ang lalaking 'yon ! pag na kita ko siya pipingutin ko ng napaka lakas ang tenga niya" Bulong ko sa aking sarili.

Actually kanina ko pa kinaka-usap ang sarili ko baka sabihin nila na nasisiraan na ako ng ulo. Madami akong nakikitang mga estudyanteng naka upo sa damuhan. May mga nagbabasa, mga nagtatakbuhan at mayroong mga love birds. WALANG FOREVER !!!.

Grabe ang cute ng mga flowers sa gilid ng Academy, pumitas ako ng santan at ginawa ko yung korona ng masiguro ko ng maayos itong nakalagay sa aking ulo naglakad ulit ako.

May mga malalaking puno at napapaligiran nito ang Academy. Sa hindi inaasahan nakita ko si Zebren kaya mabilis ko siyang sinundan. Nakita ko na papunta siya sa parking lot at tila nagmamadali 'to.

"Saan naman kaya pupunta si Monster ? wag niyang sabihing magdi-ditch siya ng klase?" Kamot ko sa aking ulo.

Nawala na ulit siya sa aking paningin kaya mabilis akong lumabas sa aking pinagtataguan. Sinundan ko siya papuntang parking lot at huminto sila kasama ng mga lalaking kasama niya kanina sa canteen at mayroon silang pinag uusapan.

Nagtago ako sa likod ng kotse na malapit sa kinaroroonan nila. Para akong espiya na naghahanap ng impormasyon nakakaloka ! Sana naman hindi kalokohan ang gawin ng lalaking 'to kundi sisipain ko siya sa mukha.

"So what's the plan ?" Kung hindi ako nagkakamali siya si Nogor.

"It's easy dude ! We will ditch for today !" Sabi ni Silon na nasa gilid ni Nogor.

Aba mababait na bata balak pala nilang mag ditch ng klase ngayon too bad. Saan naman kaya sila pupunta at bakit na isipan ng tatlong 'to na mag ditch ng klase ?

"Wait ! paano yung kasamang mong babae ?" Tanong ni Silon kay Zebren.

"Nako pabayaan mo na siya malaki na ang babaeng 'yon" Walang buhay na sabi ni Zebren.

Kahit kailan talaga itong lalaki na 'to ang sama ng ugali sana isang araw mauntog ang ulo niya at bumait siya. Bwiset ! Pabayaan daw ba ako ?!

"So let's go ! It's time to party" Sigaw ni Nogor.

Sumakay sila sa sports car, pinaandar na nila ang kotse kaya mabilis akong tumakbo palabas ng Academy dahil kailangan kong masundan si Monster. Agad akong nagpara ng taxi.

"M--manong paki sundan ang sasakyan na 'yun bilis !" Natataranta kong sabi.

Mabilis na pinaandar ni Manong driver ang taxi halos tatlong pagitan ng kotse ang layo nila sa amin.

"Manong bilisan nyo pa po !"

"Edi ikaw magmaneho ! Paano kung maaksidente tayo ?! Kung nagmamadali ka dapat lumipad ka na lang" Sagot ni Manong driver.

Napahiya ako kaya ang ending tumahimik muna ako at patuloy na sinusundan ang kotse na sinasakyan nila Zebren. Mga ilang minuto lang ang lumipas huminto ang sports car sa isang bar.

"Manong dito na lamang po ! Ito po ang bayad salamat"

Mabilis akong lumabas ng taxi nagtago muna ako sa mga halaman na malapit sa bar. Nakita ko silang lumabas ng kotse at pumasok sa loob. Infairness maganda at pangmayaman 'tong bar.

"Nako dito lang pala siya pupunta grabe talaga 'tong tao na 'to" Sabi ko sa aking sarili.

Naglakad na ako para makapasok sa loob ng bar. Pagpasok ko napaka ingay ng tugtog at ng mga tao. Tumatama sa aking mukha ang iba't ibang uri ng ilaw dito sa loob ng bar.

Maraming nagsasayawan na tila walang paki alam sa paligid nila kung may matamaan na tao o wala. May mga lasing na din at naghahalikan sa gilid. Agad kong inalis ang paningin doon, inilibot ko ang aking mata. Dahil kailangan kong mahanap si Monster kundi yari ako kay Mr.Blare.

"Ito ba ang bar na pinupuntahan ni Monster ? nakakatakot naman dito"

Nakita ko ang tatlo na umupo sa pinaka dulong lamesa, para hindi ako mahuli ni Zebren umupo ako sa tagong bahagi ng bar at di kalayuan sa pwesto nila. Nakita ng mga mata ko na may lumapit sa kanilang mga babae at umupo sa hita ni Zebren.

"Eww ! playboy pala ang lalaking 'to grabe ! Ito namang babae na 'to ang harot nakakairita" Inis na sabi ko.

Ewan ko kung bakit ako naiinis sa mga nakikita ko sobrang sakit sa mata. Hinimas ng babae ang dibdib ni Zebren at tuwang tuwa pa siya sa ginawa nito. Aba ! Nanghihipo na si Ate girl pigilan nyo ako baka mahatak ko ang buhok nyan palabas ng bar !...

May umupo sa gilid ko pero hindi ko 'yon pinansin tanging kala Zebren lang nakatuon ang atensyon ko.

"Hello miss ! Mag isa ka lang ata ?" Tanong ng lalaking amoy alak.

"Obvious ba ? May nakikita ka bang kasama ko ?" Pagsusungit ko.

Naiirita talaga ako sa mga nakikita ko ang sarap sipain palabas ng bar ang babaeng 'yon. Ang landi niya grabe ! Masyadong canser sa lipunan. Di hamak na may sexy at maganda ako doon.

"Gusto mo bang uminom tayo ? libre ko promise !" Itinaas niya ang kanang kamay niya.

"Ayoko ko at pwede ba umalis kana dito ?" Mataray na sabi ko.

Wala ako sa mood para uminom actually napipikon na ako sa lalaking ito kanina pa siya argh !.

"Alam mo ikaw na nga ang inaaya pakipot kapa !" Sigaw niya sa akin.

Malamang mukha kasi siyang adik sa kanto at sumisingot ng droga. At mukha din siyang bangkay kulang na lang ay lapida para perfect.

Naagaw ang atensyon ng mga tao sa bar kaya naman napatingin sila Zebren sa pwesto ko. Hinawakan niya ang braso ko at pilit na tinatayo sa pagkakaupo ko.

"Bitawan mo nga ako ! nasasaktan ako !" Sigaw ko sa lalaking humahatak sa akin.

Halos matanggal ang braso ko sa lakas ng pagkakahatak niya sa akin. Natatakot ako sa pwedeng gawin ng lalaking 'to. Napatingin ako ng may humawak sa braso ng lalaking humatak sa akin.

"Leave her alone" Walang emosyong sabi ni Zebren.

"Zebren ?" sabi ko.

Hindi ako makapaniwala na tutulungan niya ako ang akala ko titingnan niya lang ako.

"Sino kaba ? wag kang masyadong paki alamero !"

"Ako lang naman si Zebren Blare" Pagkatapos niyang sabihin ang buong pangalan niya sinuntok niya ang lalaki at bumagsak ito sa sahig.

Hinatak ni Zebren ang kamay ko palabas ng bar nakita kong may palapit sa aming mga lalaki kaya naman nakaramdam ako ng takot.

"Tatakbo tayo pagbilang ko ng tatlo... Isa... Dalawa... Tatlo" Sabi niya.

"TAKBO !" Sigaw ko

"Hoy ! bumalik kayo dito !" Sabi ng mga lalaking humahabol sa amin.

Mabilis kaming tumatakbo ni Zebren habang magkahawak ang aming kamay. Nakaramdam ako ng kuryenteng dumaloy sa aking katawan.

"Ano ba itong nararamdaman ko" Sabi ko sa aking sarili.

Ang lambot ng kamay niya hiyang-hiya naman ang mga kalyo ko sa kamay. Iba talaga kapag-anak mayaman.

Dugdug Dugdug

Bwiset ! Yung heart beat ko ang bilis ! Pero bakit ? Wahhh !...

...

Sorry again and again sa mga mistakes ko interms sa grammar...

Don't forget to vote and comment

-Cute na Author 😜😝

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon