Chapter 33 : I like her

4.6K 86 1
                                    

<Kasper POV>...

Habang palabas ako ng library pinukpok ko ang ulo ko dahil hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi ko kanina kay Kresh. Parang kusa siyang lumabas sa bibig ko.

"Putcha naman ! Ano bang kakornihan ang pinagsasabi ko kanina ? Nakakahiya kay Kresh".

About sa plano ko laban kay Zebren parang ayaw ko ng idamay si Kresh dahil wala siyang alam sa pagitan namin dalawa ni Zebren. Well aaminin ko maganda at mabait si Kresh pero kay Jane padin ang puso ko.

Nasa loob na ako ng klase ng marinig ko na pinag-uusapan ng mga classmate kong lalaki si Kresh. Pasimple akong lumapit sa kinaroroonan nila.

"Alam mo pare ang ganda ni Kresh kahit isa lang siyang Dreve"

"Oo nga at kung titingnan mo ng mabuti ang sexy niya"

"Kapag na tuloy ang plano ni boss Kasper laban kay Zebren... Ako ang unang kukuha ng pagkababae ni Kresh"

Hindi ko napansin na naka kuyom na ako kamao ko. Sa sobrang inis ko sinapak ko sa mukha ang tatlong classmate ko dahil pangbabastos na ang pinag-uusapan nila kay Kresh. Di ko maintindihan kong bakit ako na galit siguro binastos nila si Kresh o may iba pang dahilan.

"Mga g*go ! Sa susunod na bastusin nyo pa si Kresh Dela Fuente papasabugin ko ang nguso nyo !" Galit na sabi ko.

"Opo boss Kasper ! Sorry na po 'di na mauulit" Sabi nila.

Bumalik na ako sa upuan at naglagay ng earphone sa tenga naramdaman ko na may tao sa tabi ko kaya tiningnan ko 'yun. Nakita ko na nakangiti sa 'kin si Neil habang si Kenjie naman ay nakataas ang kilay.

"What ?! Bakit ganyan kayo makatingin ?" Tanong ko.

"Bakit na galit ka ng marinig mo na binabastos si Kresh ng mga classmate natin ?" Tanong ni Neil.

'Yun din ang hindi ko alam ang hirap eexplain basta nag init ang ulo ko at sinapak ko na lang that's it at wala ng iba pa.

"Mukhang gusto mo na din si Kresh... Paano ang plano idadamay mo parin ba si Kresh Dela Fuente ?" Tanong ni Kenjie.

Ako gusto ko si Kresh ? No way dahil kay Jane parin ako siya lang talaga period. Ano bang gusto nilang ipahiwatig ? Na gusto ko si Kresh ?...

"Natural babae ang binastos nila kaya na galit ako... Hindi ko gusto si Kresh... Tuloy ang plano laban kay Zebren at si Kresh mali ang idamay ko siya dahil wala naman siyang kinalaman sa pagitan namin ni Zebren"

Ngumiti ng nakakaloko ang dalawa kong kaibigan na ubod ng babaero. Ang creepy tuloy nilang tingnan mukha silang maligno sa palabas na pinanood ko.

"Sus ! Ang sabihin mo may gusto ka kay Kresh ayaw mo lang aminin" Pang-aasar sa akin ni Neil.

Mga loko loko baliktarin pa nila ang mundo hinding-hindi ako magkakagusto kay Kresh dahil may Jane na sa puso ko.

"Kung wala kayong matino na sasabihin umalis na kayo at baka kayo pa ang masuntok ko !" Inis na sabi ko.

Umalis na sila at umupo sa sarili nilang upuan. Minsan hindi namin maiwasan na hindi makatulog sa klase dahil naka aircon kami. Well kami at ang Luxurious lang naman ang priority nitong Academy. Dahil mayayaman ang pamilya namin at kilala pag dating sa business around the world.

Nagsimula na ang klase kaya naman umayos na kami sa pagkakaupo. Kinuha ko ang notebook sa loob ng bag ko napansin ko na hindi sa akin ang notebook na nakuha kaya binasa ko 'to.

"Kresh Dela Fuente ?... Room 314 ?... Teka bakit nasa akin ang notes niya ?"

Naalala ko na inihagis pala ni Zebren ang notebook sa harap ko at tumama 'yun sa akin. Mabilis na umalis si Zebren at sumunod sa kanya si Kresh ganon din ang ginawa ng kaibigan ni Kresh at si Jane. Kaya ang ending ako na lang mag isa, umalis na din ako at pinasok sa bag ang notes ni Kresh.

"Ngayon alam ko na kung bakit nasa akin ang notes niya" Bulong ko sa aking sarili.

Di ko narinig na tinatawag na pala ako ni Sir Delos Santos. Masyadong nakuha ng aking atensyon ang notes ni Kresh na hawak ko.

"Mr. Kasper Drem ! Are you listening ?... Ang sabi ko ibigay mo 'tong lesson plan sa kabilang building" Sabi ni Sir.

Bakit ako pa ? Ang dami naman pwedeng utusan sa room nakakainis tinatamad akong maglakad ngayon.

Kinuha ko ang lesson plan kay Sir at nagsimula na akong maglakad patungo sa kabilang building. Habang nasa corridor ako pinagtitinginan ako ng mga babae na kala mo tutunawin ako.

Hindi ko na lang sila pinasin dahil wala naman silang kwenta. Hindi naman sa nag mamayabang pero kilala din naman ako sa Academy bilang pinaka gwapo sa Ellites at si Zebren naman sa Luxurious.

Nandito na ako sa building na sinasabi ni Sir, dinala ko na rin ang notebook ni Kresh baka sakaling makita ko siya. Iniabot ko na ang lesson plan sa isang matandang babae at tuluyan na akong umalis.

Hindi ko alam pero kusang pumasok sa isip ko na pumunta sa Open Field. Parang hinihila ang buo kong katawan, pagdating ko 'don nakita ko si Kresh na naka upo sa damuhan kaya nilapitan ko siya agad.

"Nasaan ang mga kaibigan mo ?" Tanong ko.

Humarap siya sa akin na gulat ko ata siya. Ngumiti siya sa akin at bigla na lang bumilis ang kabog ng dibdib ko.

"Na babakla na ata ako" Sabi ng kaliwang utak ko.

"Ikaw pala Kasper ! Tara umupo ka nakakapagod tumayo" Sabi niya.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko feeling ko na magnet ako. Tumayo siya at hinila ang kamay ko para paupuin sa tabi niya.

"Nako... Wag ka ng mahiyang umupo alam kong nangangawit kana kaya hinila kita" Ngiting sabi niya sa akin.

Mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko at nagtaasan ang balahibo ko sa katawan. Ang weird ng ganitong feelings.

"May dumi ba ang mukha ko ? Kung makatingin ka kasi wagas"

"Wa--wala naman m--may... B--bakit masama bang tumingin ?" Nauutal na sagot ko.

Iniwas ko ang tingin sa kanya at iniabot ko sa kanya ang notebook niya. Kinuha nya 'yon sa kamay ko at naramdaman ko na may dumaloy na kuryente sa buo kong katawan.

"Salamat ! Kala ko nawala na talaga siya" Masayang sabi niya.

Tiningnan ko uli't siya mas lalo siyang gumaganda kapag nakangiti. Napatingin ako sa labi niya ewan ko ba pero na aakit ako.

Tumayo na ako dahil baka di ko mapigilan na mahalikan ang labi niya. Mali ang gagawin ko dahil si Jane lang dapat at hindi si Kresh.

"S--sige aalis na ako... K--kasi may klase pa kami"

"Mag-iingat ka... Salamat uli't" Sabi niya.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad ano ba 'tong nararamdaman ko kay Kresh ? Putcha naman ! Anong nangyayari sa akin ?...

"I like her ? O sadyang abnormal lang talaga ang feelings ko ?"

...

Salamat sa mga naghintay ng update ko

Don't forget to vote and comment guysue

-Author Na Cute

Until His Last Breath (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now